Kabanata I

50 5 0
                                    

[KABANATA I]


Aaron

"Magbago man ang yugto ay nakaukit na sa buwan ang pag-iibigan."

Hindi napigilan ng noo ko ang mangunot dahil sa narinig mula sa ginang. Ano'ng pinagsasabi nito? Hindi kaya nagpa-practice siya ng lines para sa pelikula? Dialogue para sa play?

Hindi ko na nagawa pang makapagtanong dahil dumapo na sa mukha ko 'yung mga petals na hinipan ng babae. Langya nga naman, iba rin trip nitong ginang na naka-full purple outfit!

Hinawi ko 'yung mga kulay rosas na talulot sa mukha ko. "Pwe!" At kung sinuswerte ka nga naman, nakakain pa nga!

Sa isang kisapmata, bigla nang nawala sa harapan ko 'yung naka-purple na babae. Humangin ng malakas at mas lalong sumayaw ang mga talulot paikot sa paligid kaya lumayo na ako sa puno lalo na't ilang beses akong nakakain ng petals! Bwisit!

"Saan napunta 'yon?" usal ko habang tinatanaw-tanaw ang paligid ng Virdalia Park. Minasdan ko ang mga nakaupo sa madamong lupa pero wala namang overly dressed na babae do'n. Wala rin sa mga nakatambay sa tapat ng Virdalia River. Wala ring nakatayo sa mga puno ng balayong na nagkalat sa parke.

Nagkibit-balikat na lang ako saka pinasok ang camera sa bag na dala ko. Tumungo ako sa bisikleta saka nilisan ang parke. Kahit wala akong balak pumasok, kailangan kong magpakita sa university dahil naubusan na ako ng allowance...

Ilang minuto lang ay narating ko na ang gate 3 ng university. Marami rin akong kasabayan, iyon nga lang ay bilang na bilang ang nakabisikleta na tulad ko.

University of Virdalia. Wala namang kinaibahan sa mga unibersidad sa Virdalia. Kailangan mo lang pumasok, makinig, matuto, at pumasa—'yon na 'yon. Ako lang talaga 'yung pumapasa na hindi ginagawa ang mga 'yon...

Nadaanan ko ang agaw-pansin na College of Sports, Exercise and Recreation. Kita kasi mula sa ikatlong palapag ng gusali ang soccer field na sumasalamin sa iba pang palapag na nakatindig.

Nang marating ang tapat ng College of Mass Communications ay pinihit ko pagilid ang bisikleta. Nag-park ako bago tumungo papasok ng kolehiyo.

Nginitian ko 'yung guard dahil isa 'to sa mga bwisit na nagsusumbong tuwing hindi ako pumapasok—na mas madalas pa kaysa sa pagpasok ko.

"AA!" Napalingon ako sa malakas ngunit mayuming pagtawag sa pangalan ko. Napangiti kaagad ako, kulang na lang ay umabot sa langit ang ngiti ko.

AA ang tawag ng lahat sa akin dito, mula sa pangalan kong Aaron Jez Llorente.

"Hi Sofie!" bati ko kay Sofia Fontanilla na classmate ko ngayong third year sa isang course. Sayang lang at isa lang... film kasi ang degree niya at communication naman ako.

"Buti pumasok ka ngayon?" natatawang aniya kaya napakamot ako sa batok. Langya. Nakapag-absent ba ako sa subject na classmate ko siya? Bawas points 'yon!

"H-ha? Pumapasok naman ako ah?"

"Hinahanap kita sa mga classmates mo kahapon, magtatanong lang sana ako sa comm res kaso... tatlong araw ka na raw hindi pumapasok?"

Kahit patanong 'yung statement niya parang siguradong-sigurado na siya. Paniguradong na-tsismis na nga ako sa kanya. Bwisit!

"Ah! Oo... may inaasikaso kasi ako hehehe."

Paniguradong mukha na 'kong ewan sa harap ni Sofia ngayon! Iniingat-ingatan ko pa naman 'yung image ko sa kanya!

"Sus magdadahilan pa eh. Sa totoo lang, simula first year pa 'ko nakakarinig ng rumours tungkol sa paga-absent mo. Bilib nga ako kung bakit hindi ka nado-drop ng mga strict profs," pabirong aniya na tila ba wala lang sa kanya 'yung pagka-iresponsable ko sa buhay.

My Love Is a Sigbin [On Hold]Where stories live. Discover now