Kabanata XXII

19 4 0
                                    

[KABANATA XXII]


Aaron

Napaupo ako sa kama matapos lumabas ni Sigbin. Napahawak ako sa dibdib. Nababaliw na siguro ako. Sino ba namang matinong tao ang magsa-suggest na dukutin 'yung sarili niyang puso? 'Di ba?

Hindi ako mapakali. Binabagabag ako ng konsensya ko. Masyado kasi akong overthinker kaya umabot kami sa ganito. Mas advance pa 'ko sa advance mag-isip. Biruin mo from stalker, miyembro ng sindikato, plant ni Tita Alana, tapos murderer.

"Kakaiba ka talaga mag-isip A."

Parang ngayon lang nag-sink in lahat ng pinaggagawa ko. Kung ano-ano'ng kagaguhan ang naisip kong gawin kay Sigbin na wala man lang akong ebidensya. Sinubukan ko siyang ipakulong, tapos sinilid ko pa sa jar. 'Yung pinakamalala talaga, muntikan ko pang patayin!

Isa pang bumabagabag sa akin 'yung pangalawang paglaho. Ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Pangalawang beses niyang maglalaho kung sakali? Ay ewan ko!

Gustuhin ko mang paulit-ulit na mag-sorry, alam ko namang sa sarili ko na walang sense 'yon kung hindi ko talaga ipapakita. Isa pa'y sa puntong ginagawa ko lahat ng mga kagaguhang 'yon, desedidong-desidido ako. Kaya ang ipokrito lang kung puro sorry ako gayong game na game ako habang pinaplano siyang gawan ng masama?

Kaya tumayo ako para magluto kahit gabing-gabi na. Nasa sala si Papa at nanonood ng teleserye na parati naman niyang ginagawa. Hindi niya ako napansin na bumaba kaya kinuha ko 'yong chance at dumiretso sa kusina.

Hindi pa kumakain si Sigbin mula nang ikulong ko siya sa malaking jar kaya dapat lang na ipagluto ko siya.

Hinintay ko munang makatulog si Papa na papikit-pikit na bago lumabas ng bahay. Habang naglalakad ay nakarinig ako ng mga kalabog at pagkabasag mula sa bungalow nina Sigbin. Ano kayang... hindi kaya nagwawala 'yon dahil sa galit?

Mabilis pa sa kidlat akong nakarating sa tapat ng pinto kaso ay pagkarating ko roon ay naabutan kong buhat-buhat niya 'yung aparador na puro babasagin! Langya!

Ngiting-ngiti pa siya habang pinagmamayabang 'yung superpowers niya!

Kaso gumegewang siya. Lasing ba siya?

Nilibot ko ang paningin sa sala nila at napanganga dahil wasak ang lamesa at basag ang mga bote ng alak.

Nakita kong papikit-pikit na si Sigbin kaya bago pa siya sumama sa pagbagsak ng aparador ay hinila ko na siya. Mabilis namang kumilos sina Pia at Ornette saka iniharang 'yung wasak na parte ng lamesa para hindi tumalsik sa amin ang mga bubog.

Bumagsak kami sa sahig ni Sigbin ng walang galos sa tulong nila. "Ayos lang po kayo Sir?" ani Pia at nilingon kami ni Sigbin.

Umupo ako't sinubukang buhatin si Sigbin kaso ang bigat talaga niya! Ugh! Sino bang nagpapalabas sa TV na magaan ang mga babae! Kahit 'di hamak na mas matangkad ako sa kanya langya, ang bigat talaga!

"P-pwedeng patulong?" aniko habang hirap na hirap sa pagbubuhat kay Sigbin. Mabilis na rumisponde sina Pia at Ornette. Halos mapanganga ako nang makitang naisakay ni Pia si Sigbin sa likod niya.

"Wow amazing, ako lang ata 'yung nabigatan," usal ko habang pinapanood silang ipasok si Sigbin sa loob ng kuwarto.

Napahilot na lang ako sa sentido dahil basag lahat ng gamit. 'Yung iilang upuan na lang 'yung matino. Ano ba'ng ginawa ni Sigbin, bakit parang dinaanan sila ng bagyo?

"Ano'ng ingay—"

Napalingon ako kay Ma'am Abby. Doon ko napansin na natapon pala 'yung dala kong pagkain. Sayang naman. Effort ko pa rin 'yon.

My Love Is a Sigbin [On Hold]Where stories live. Discover now