Kabanata XXXI

4 1 0
                                    

[KABANATA XXXI]


Aaron

"Ako!"

Napasabunot ako nang magpabalik-balik sa utak ko 'yung sinabi ko kanina. Sinapak ko 'yung mga unan at sinipa ang kama.

Ugh! Sa harapan pa talaga ni Erin!

Langya A!

Sana lang bukas pagkagising ko ay nagka-amnesia ako, si Erin, at si Sigbin. Nakakahiya talaga!

"Langya, ang daldal mo kasi!" aniko at pinalo ang sariling bibig.

Hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga nangyayari. Isama pa nating ninakawan ako ni Sigbin ng first kiss! Tapos ang lakas pa ng loob manghingi ng pangalawa! Kung lumaki lang siya sa lipunang ginagalawan ko, ewan ko lang kung magawa niya pa 'yon!

"Nakakatakot talaga ang babaeng 'yon," usal ko habang paulit-ulit sa isip ko kung paanong binuntutan niya ako kahapon para lang manghingi ng kiss. Tapos biglang parang multo na nawala na parang iniiwasan ako. Hirap talagang intindihin ng mood ni Sigbin!

Minsan parang walang alam sa mundo, minsan naman parang alam lahat ng bagay sa mundo!

"Bakit ko ba siya pinoproblema? Makatulog na nga," usal ko. Ang mahalaga ay naklaro ko na ang mga bagay sa kanya at nagkaayos kami.

Kinabukasan ay bumalik sa dati ang trabaho ko. Taga-proofread na naman ng editor team. Ito na ata ang pinaka-boring na trabaho sa buong kumpanya.

Nakita kong napadaan si Sigbin sa office. Kumaway siya sa akin kaya napatingin sa akin ang ilan sa editing team.

"Magkakilala kayo?" ani Mae.

Hindi ko alam ang isasagot. Lalo na at kaway pa rin ng kaway sa bintana si Sigbin. Hindi ko pala siya naabisuhan na hindi niya ako puwedeng pansinin ng basta-basta at baka magtaka ang mga empleyado dito at mahuli akong anak ng chairman.

"Ahh... oo, kailan lang. Nagtanong kasi ako minsan sa kanya," saad ko habang si Sir Ricco ay iniikot-ikot na ang pencil sa kamay niya at nanliliit ang mga mata sa akin na para bang naghihinala.

"Nagtanong ka lang, close kayo agad? FC pala si ate," ani Mae at bumalik sa trabaho. Gusto ko pa sanang ipagtanggol si Sigbin kaso baka magtaka pa lalo si Sir Ricco.

Pagkadating ng tanghalian ay mabilis akong tumakas sa team. Uutusan na naman ako ng mga 'yon hanggang sa hindi na ako makakain. Kailangan ko pa namang kausapin si Sigbin.

Dumaan muna ako sa opisina niya pero sina Ornette lang ang naabutan ko roon. Ayaw ko namang pumasok at magtanong lalo na't marami nang empleyado sa hallway.

Inikot ko ang buong kumpanya hanggang sa mapadaan sa conference room. Nakita ko sa salamin si Sigbin at Tita Miranda na nag-uusap. Sa ugali ni Tita Miranda, malamang ay nang-iinsulto na siya.

Napabuntong-hininga ako at papasukin na sana sila at baka kailangan ni Sigbin ng tulong ko. Kaso ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang binalibag ni Sigbin ang kamay sa table kaya nawasak 'yon.

Si Tita Miranda parang papasukan na ng langaw ang bibig. Napatingin si Sigbin kay Tita Miranda na parang pati siya ay nagulat sa nangyari.

"O-o-o my gosh," basa ko sa bibig ni Tita Miranda.

Imbes na pumasok sa loob ng conference room ay pinagkrus ko ang mga braso at pinanood sila. Mas nag-aalala pa ako kay Tita Miranda kaysa kay Sigbin.

Nagsimulang mag-hysterical si Tita Miranda. Tinuro niya si Sigbin tapos 'yung lamesa kaya tumayo si Sigbin at biglang binuhat 'yung table na nahati sa dalawa.

My Love Is a Sigbin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon