Kabanata XXIX

5 4 0
                                    

[KABANATA XXIX]


Sigbin

Nakabusangot ako habang nakaupo sa sala ng condominium ni Japs. Naiinis pa rin ako kay Aaron sapagkat hanggang ngayon ay ayaw niya pa rin ang mapalapit sa akin. Ganoon niya ba kinamumuhian ang mga tulad kong sigbin?! Akala ko pa naman ay mag-iiba na ang pagtrato niya sa akin matapos niya akong pagbigyan noong gabing iyon.

"Bakit gan'yan 'yung mukha mo? Parang hindi ikaw 'yan ah," ani Japs matapos maglapag ng maiinom sa aking tapat.

"Si Aaron kasi!" pagmamaktol ko. Mas lalo pa akong nainis nang maalala kung paano niya ako tinulak nang lumapit ako sa kanya kanina.

"Si A? Ano namang 'yung ginawa niya? Gusto mo resbakan natin?"

Inilingan ko si Japs na ngayon ay nakaupo na sa tapat ko. "Ayaw ko siyang kausapin, mas lalo akong naiinis. Bakit ganoon ba ang iyong kaibigan? Ni hindi ko nga siya hinawakan ngunit kung itulak niya ako ay tila ba nandidiri siya."

Biglang tumawa si Japs at nilapag ang tasang hawak niya. "Gano'n talaga 'yon, BB! 'Wag mo nang problemahin 'yung pagka-conservative niya."

Kumunot ang noo ko nang hindi ko siya maintindihan. "Conser...vative?"

"Parang mas gusto niyang ginagawa 'yung mga bagay sa tradisyonal na way."

Mas lalo akong nalito sa sinabi ni Japs. Ilang taon na ba si Aaron? Sa pagkakaalam ko ay mga bente pa lamang siya. Tradisyonal? Kung mayroon mang tradisyonal, hindi ba't ako dapat iyon sa tagal ko nang namumuhay sa mundo?

"Ngunit mas matanda ako sa kanya..." usal ko.

"Wala 'yan sa edad, BB. May mga tao lang talagang gusto 'yung tradisyonal na paraan sa mga bagay-bagay. May mga tao ring gustong mamuhay sa modernong paraan, parang ikaw."

Naituro ko ang sarili. Nais ko ng modernong pamumuhay? Paano niya nasabi iyon gayong ni hindi ko alam sa sarili ko?

"Kundi ka liberated, hindi ka naman pupunta dito dahil naghahanap ka ng boyfriend," aniya kaya dahan-dahan akong napatango. Ibig sabihin ay hindi conservative ang paghahanap ng taong magsasakripisyo para sa akin. At hindi conservative ang pagdikit-dikit sa mga tao...? Napakagulo ng mga taong ito! Napakarami naman nilang mga uri!

"Wala ka bang natipuhan sa mga pinakilala ko?" ani Japs kaya bumalik ang diwa ko. Umiling ako sa tanong niya sapagkat lahat ng ipinakilala niyang ginoo sa akin ay mayroong mga pamilya na maaaring malungkot kapag namatay sila dahil sa akin.

"Ang nais ko sana ay iyong walang pamilya at mga kaibigan."

Kumunot ang noo ni Japs. Pinagkrus niya ang mga braso at tinitigan ako na tila ba inuusisa niya ang aking motibo.

Toot!

Napatingin kami sa pinto nang tumunog ang code. Mayroon atang inaasahan bisita si Japs ngayon bukod sa akin.

Nang makita kung sino ang pumasok ay bumalik ang inis ko. Alam kong naipaliwanag na ni Japs kung anong klase ng tao si Aaron ngunit hindi ko pa rin maiwasang mainis. Bakit ba kasi siya conservative?! Wala tuloy akong maaaring idahilan sa aking inis!

"Napadpad ka rito Bro? Tumatakas ka na naman ba kay Tito Eli?" ani Japs ngunit nakapamewang na nagmartsa si Aaron. Sinamaan niya ako ng tingin bago umupo sa tabi ni Japs.

"Nabo-bored ako, papakinggan ko muna kayo," aniya ngunit hindi ako nagbigay ng reaksyon. Kung conservative siya at kabaligtaran niya ako... hindi ko na siya kailanman lalapitan!

My Love Is a Sigbin [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon