Kabanata VI

35 4 0
                                    

[KABANATA VI]


Aaron

"'Wag ka nang lumaban Miss kung ayaw mong lumala 'yung sitwasyon."

Matapos kong sabihin 'yon ay hindi na nga siya nanlaban. Mabuti naman at natakot kahit papaano!

Sinira niya ang bakasyon ko! Ngayon tuloy ay kaharap ko si Tita Alana!

"How are you?" blangkong tanong ni Tita Alana na parang hindi naman talaga concerned kasi poker face at walang emosyon ang boses.

"Ok naman Tita... pwede na ba akong umuwi?"

Kinagat ko ang labi. Nagbabakasakali na tubuan siya ng kabaitan at pagbigyan ako.

"We're going home together," aniya saka tumayo mula sa kanyang swivel chair. Napabuntong-hininga ako. Mahihirapan na naman ako nito sa pagtakas!

"Postpone my schedule for today."

"Yes Ma'am," tugon ng executive secretary niya bago sila lumabas. Sumunod na rin ako dahil sabay nga daw kaming uuwi.

CEO si Tita Alana ng VBC Network, ang pinakamalaking media company rito sa bansa at isang subsidiary ng conglomerate na Llorente Holdings Corporation. Kaya hindi nga naman nakapagtatakang pumapasa ako kahit mas marami pa ang absent ko. Baka tanggalan nila ng scholarship program 'yung university kapag binagsak ako kahit hindi naman gano'n kasama si Tita Alana.

Pagkalabas ng pinto ay saktong nagkasalubong pa si Tita Alana at Tito Eleazar. Board member at kasama rin sa executives ng kumpanya si Tito Eleazar. Kapatid siya ng papa ko at ni Tita Alana.

"I've heard what happened. Kamusta ka na hijo?" aniya saka lumingon sa akin. Pilit na lang akong ngumiti, "Ok lang po Tito. Humihinga pa naman."

Hindi naman sa hindi kami magkasundo ni Tito Eleazar, sadyang may kakaibang tensyon lang sa hindi mapaliwanag na dahilan. Dahil ba sa pamilya niya na nuknukan ng pagkamatapobre?

"Oh! I thought you were kidnapped! The board will be really really disappointed if ever."

Tulad nitong si Tita Miranda na ewan ko kung bakit naka-fur coat dito sa Pilipinas. Isama na nating tag-init pa. 'Tsaka concern ba talaga siya sa'kin? Hindi halata.

Kung pwede nga lang mamili ng pamilya... siguradong ekis na sila sa listahan ko. At hindi ko rin pipiliing maging tagapagmana ng pinag-aagawan nilang trono.

"Kung ma-kidnap man ako, magmamakaawa na lang akong 'wag ibalik," bulong ko.

"What dear?" ani Tita Miranda kaya tumawa ako ng pilit at umiling.

"If you'll excuse us. Will go ahead," ani Tita Alana kaya tumabi si Tito Eleazar at ngumiti ng napakalaki. Hindi ko lang alam pero para sa'kin sarkastiko 'yon.

"Stay safe A. Hindi magugustuhan ng papa mo kung magagalusan ka," saad pa ni Tito Eleazar.

"Oo naman... Tito."

Bago sila malagpasan ay nasumpungan ko pa ang nakangising mukha ni Aiden. Panganay na anak nina Tito Eleazar so basically, pinsan ko. Siya 'yung head ng digital group.

Nang makauwi sa villa ay naabutan naming nanonood si Erin ng news. At ang news channel? VBC Network lang naman. Umay na umay na ako ngayong araw.

"You have stalker daw Kuya?" aniya pagkaupo ko sa sofa.

"Ang bilis talagang kumalat ng balita," sarkastikong aniko.

"Lalo na kung tayo ang tagahatid ng balita," aniya pa kaya umirap ako.

My Love Is a Sigbin [On Hold]Where stories live. Discover now