Ang gaga, sobrang bilis umakyat at tinatalon pa yung kabila tas nagaacrobat pa, gago pinalaki ata 'tong akyat bahay ng mama niya. "Sorry nakakahiya." Napa-hilamos ako sa mukha ko nang mapansin na natatawa na si Tania at si Ashiro naman ay hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha.

"I so love your friends." Tania said while wiping her tears, hindi ko na napigilan pa at natawa na lang rin.

"Pagbigyan na natin, ang tagal rin nila hindi nakalabas, eh." Banggit ko na ikinatingin nilang dalawa sakin.

"What do you mean?" Tanong ni Ashiro.

Lahat sila panganay at ako lang ang bunso sa aming magkakaibigan kaya wala akong problema kahit nasa Japan pa ang mama at ang mga ate ko.

Pero sila Moon, Sasha, at Nikki, umabot sila sa puntong bibitawan nila ang mga pangarap nila para lang mag-trabaho kasi may pamilya pa silang tinutustusan. "Si Moon, may dalawang kapatid 'yan at sila na lang ng mama niya ang kasama niya para magtustos sa nakakabata niyang mga kapatid na mataas ang pangarap, kaya gusto niya suportahan ito sa lahat ng gusto nila. Si Sasha naman ay binubuhay na lang ang mama niya na si Aling Darcy, mabait ang mama niya pero sakitin ito at lagi na lang namin itinatakbo sa ospital, ngayong nag-aaral siya, kasama niya ang pamilya ni Nikki, magkapit-bahay lang naman ang mga iyan." Napangiti ako nang kumaway sa akin si Nikki at pinagmamayabang na nakaabot na siya sa tuktok.

"Si Nikki, may mga maluluhong magulang pero mababait naman sila yun nga lang palagi na lang gastos ng gastos kaya naaapektuhan mga kapatid niya. Palagi na lang nila iniintindi mga pamilya nila, kaya salamat Ashiro dahil kahit papaano ay nakikita ko nanamang nabubuhayan 'yang tatlo. Salamat rin sa pagimbita sa kanila para makapag-aral uli at sa pagbigay pa sa amin ng trabaho." Ngumiti ako kay Ashiro at nakangiti na rin si Tania.

"I so love your friends even more. I'll introduce myself to your friends now, Tokyo!" Bago pa ako makapagsalita ay kumaripas na siya ng takbo papunta kila Moon na mukhang nasusuka na. Natawa ako pero agad ko binalingan si Ashiro na nakatitig lang sa akin hanggang ngayon.

"Bakit?"

"I have one wish."

Napalunok ako.

Ito na nga.

"Ano 'yon?" Tinitigan ko siya pero umiwas ito ng tingin at kinagat ang ibabang labi. Nagdadalawang isip na nga lang kailangan maganda pa?

"If.. if you're that thankful to me.." Hindi siya makatingin sa akin kaya linapit ko ang mukha ko na mas ikinalikot ng mga mata niya. "Or whenever you're thankful of me.. t-then I wish you could always give me a hug when you're feeling that and.." Aba isang wish lang pero ang daming pahabol. "—and I want a compliment." Umiwas na talaga siya ng tingin at napayuko.

Shit ang cute niya!

Sino ba naman ako para tanggihan ang ganyan wish? Gusto ko rin talaga siya pasalamatan at hindi ko alam anong regalo ba ang mga pwede kong ibigay dahil hamak na pulubi lang ako at siya'y isang prinsesa.

"Okay, Ashiro." Ngumiti ako sakanya, linahad ko ang mga braso ko sakanya at inaantay siyang lumapit sa akin pero nahihiya talaga ito kaya natawa ako. Hinila ko ito papalapit sa akin at yinakap.

I felt how tense she was so I caressed her hair that made her calm down. "I am always thankful of you, Ashiro. We are thankful of you, you're such a wonderful person." Naramdaman ko ang pagyakap niya na rin sa akin kaya napangiti ako.

"O-Okay." Bulong nito, tumagal ang yakap namin at wala na yata akong balak pakawalan ang isang 'to.

Kung pwede lang magyakapan na lang talaga kami dito at hindi na magrides ay mas bet ko eh kaso narinig ko ang mahaderang panunukso ni Nikki.

"Yieeee! Nagpunta tayo dito para mag-rides hindi para magyakapan!" Bitter na sigaw ni Sasha kaya natawa ako.

Kumalas na kami sa yakap at napansin ko ang pamumula ni Ashiro. "T-Thank you." Bulong nito kaya linapit ko lang lalo yung mukha ko sakanya at saka siya nginitian.

"You're welcome, more hugs to come." Kinindatan ko siya at napansin kong natigilan ito kaya natawa ako, baka ang sagwa ng pagkakindat ko shet.

Naglakad na ako agad papunta kila Moon na nakikipagdaldalan na kay Tania.

Nang mapansin ko ang horror house, isang malaking ngisi ang ginawa ko.

Saan aabot energy ng mga 'to?

Ashiro Feizi's RoommateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora