Chapter 1: Meet the CEO

Start from the beginning
                                    

"Tumatanda na yata si Jerson, nagiging maramdamin na," nangingiting sagot ni Lee sa pinsan.

Biglang umalingaw ang pag-ingit ng machine. "I know how to translate; I am not dumb. And yes, I can hear you!"

Nagtinginan ang magpinsan at saka tahimik na humagikgik.

"Stop laughing, I can see you, too!"

Napahinto sa pagtawa ang dalawa at sumeryoso ang mga mukha.

"And I am not yet old, although my brain is five years older than the boss."

"We know that Jerson. We will leave now, kindly open the gate," seryosong utos ni Dylan sa butler.

Umalingawngaw muli ang pag-ingit ng machine at saka dahan-dahang bumukas ang gate. Agad sumakay sa driver's seat si Dylan habang umikot naman sa kabilang side si Lee upang sumakay sa shotgun seat.

Tahimik na nagmaneho si Dylan. Ayaw na niyang pag-usapan ang pagta-tantrums ng kanyang butler robot dahil alam niyang maririnig siya nito at muling sasabat sa kanila ni Lee.

Maging si Lee ay alam din ito kaya hindi na rin nito inungkat ang kakaibang kilos ni Jerson. Sigurado naman siyang pag-uwi nila mamayang hapon ay kakalikutin ng kanyang pinsan ang configuration ni Jerson.

Mula sa Villa ni Dylan, tatlumpong minuto nilang binaybay ang South Superhighway ng Victoria City bago narating ang AI Victoria Tower sa Central Business District ng siyudad.

Eksaktong 8:30 AM nang dumating ang tatlong sasakyan sa main entrance ng building. Sa labas ng lobby ay nakatayo na ang mga executive officer ng Accelerating Innovations Technologies Regional Head Office.

Napatingin si Dylan sa mga empleyado at saka kumunot ang noo, sinasalubong na naman siya ng lahat. Mabuti sana kung sumasalubong lamang sila sa tuwing matagal siyang nawawala lalo na kung may inaasikaso siyang gusot sa main office sa Leicester City, pero araw-araw siyang sinasalubong ng lahat ng empleyado sa tuwing narito siya. Ito ang hindi niya maintindihan sa gawi ng mga Asyano, ibang klase sila magpakita ng respeto.

"Hindi ka pa ba sanay sa kanila?" tanong ni Lee.

"Medyo," maiksi nitong sagot bago pinatay ang makina ng sasakyan at saka iniabot kay Lee ang susi.

Sabay silang bumaba ng sasakyan at saka naglakad patungo sa lobby. Iniabot ni Lee ang susi sa second in-command bodyguard na tumabi sa kanya habang ang close-in bodyguard ni Dylan ay tumabi na sa huli. Nakakalat naman sa paligid nila ang anim pang bodyguard na alertong nagmamasid sa paligid.

Sabay-sabay na nagsiyukuan ang mga executive officer sa harap ng dalawang lalaki at sabay-sabay na bumati. "Good morning, Sir."

Bahagyang yumuko ang dalawa upang batiin ang mga ito at saka naglakad papasok sa lobby ng building. Pagpasok sa lobby ay nakayuko rin ang may singkwenta kataong empleyado ng AI Technologies na tila mababali na ang mga likod sa pagkakayuko.

Bago marating nila Dylan at Lee ang dulo ng mga empleyadong nakayuko, isang babaeng empleyado ang humahangos na pumila sa dulo at saka yumuko.

Napalingon si Dylan sa wall clock sa reception area, 8:34 AM na. Sa lahat ng ayaw niya ay ang nahuhuli sa pagpasok ang mga empleyado. Isa ito sa mahigpit niyang ipinagbabawal.

Huminto siya sa paglalakad sa harap ng babae at istriktong nagsalita, "Are you aware of the number one rule of this company?"

Napapikit ang babae at nanatiling nakayuko. Dumadagundong ang tibok ng puso niya dahil sa paghabol sa kanyang hininga sa bilis ng kanyang pagtakbo at ang takot na harapin ang galit ng kanilang CEO.

Bakit ba naman kasi tinanghali ak0 ng gising ngayon?

Siniko ng katabing babaeng empleyado ang kinakausap ng kanilang CEO.

Feelings DeletedWhere stories live. Discover now