PROLOGUE: Love is Fictitious

100 19 45
                                    

Naalimpungatan si Dylan nang marinig ang malalakas na boses ng kanyang mga magulang. Muli pa niyang ipinikit ang kanyang mga mata sa pag-aakalang nananaginip lamang siya.

"Where are you going?" Tila naguguluhang tanong ng kanyang ama.

"I'm leaving you now!" Pasigaw na sagot ng kanyang ina.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Dylan sa narinig niyang pag-uusap ng kanyang mga magulang.

Aalis si Mama? Saan siya pupunta?

Ang kanina'y antok na antok niyang mga mata at diwa ay nagising sa naramdaman niyang bumibigat na dibdib. Kinusot niya nang bahagya ang kanyang mga mata at saka dahan-dahan siyang tumayo at naglakad patungo sa mga magulang na nagtatalo. Naratnan niya silang nasa salas. 

Tila may kung anong matalas na bagay ang tumusok sa kanyang puso nang makitang umiiyak ang nakaluhod niyang ama habang hila-hila ang hawak na duffle bag ng kanyang ina.

"Please don't leave us, Socorro. Tell me what's wrong and I will do every..."

"You can't. We've been together for eight years and until now you are not earning well," pagalit na pagputol ng kanyang ina sa pakiusap ng kanyang ama.

Napayuko si Dalton, "I know. I'm sorry if I failed you, but we love each other, Socorro. We may not be rich, but we are not poor, either."

Napapikit si Socorro. Nakaramdam siya ng inis dahil napakahirap ipaliwanag sa lalaki sa kanyang harapan na ayaw na niya itong makasama pa. Magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang kanyang anak na nanonood sa kanila mula sa pasilyo. Nilingon niya ito nang bahagya ngunit minabuting huwag nang tingnan. Hindi tanggap ni Stanley ang kanyang anak at sinabi nitong ibibigay ang pangarap niyang marangyang buhay ngunit hindi niya maaaring isama ang kanyang anak.

Hinila ni Socorro ang hawak niyang bag ngunit ayaw itong bitawan ni Dalton. Napapikit siya, mahal niya ang lalaki ngunit hirap na hirap na siya sa buhay nila. "I don't love you anymore. Please let me go."

"How about Dylan? I know you love our son," umiiyak pa ring sagot ng lalaki.

Napabuntong-hininga si Socorro. "I left the divorce papers on the dining table. My lawyer will contact you tomorrow."

Napakunot ang noo ni Dalton, mula nang pakasalan niya si Socorro at dalhin sa Leicester ni-minsan ay hindi ito nagtrabaho. Kaya paanong nagkaroon ito ng pambayad sa abogado?

"Dalton, let me go. I want a better life," mahinang sabi ni Socorro.

Better life. She wanted more and I failed to provide.

Nanghihinang pinakawalan ni Dalton ang bag ng kanyang asawa. Siguro kailangan na niyang tanggapin na tapos na ang relasyon nila.

Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Socorro nang bitawan ng lalaki ang kanyang bagahe at agad na sinamantala ang pagkakataon upang tunguhin ang pinto. Nang pihitin niya ang seradura, narinig niya ang pagtawag sa kanya ng anak. Mabilis itong tumakbo at yumakap sa kanyang hita.

"Mama, huwag mo akong iwan. Huwag mo kaming iwan ni Papa," umiiyak na pigil ni Dylan sa kanyang ina.

Mabigat sa kanyang dibdib na iwan ang anak. Ngunit hindi siya makaaahon sa buhay kung hindi niya iiwan ang kanyang mag-ama. Hindi ganito ang inaasahan niyang magiging buhay kay Dalton. Ang akala niya noon ay gaganda ang kanyang buhay kapag nakarating siya sa ibang bansa, ngunit halos wala rin pala itong pinagkaiba sa kanyang buhay sa Pilipinas.

Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Socorro. Nakapamili na siya at iyon ay ang marangyang buhay sa piling ni Stanley. Pilit niyang tinanggal ang maliliit na braso ng kanyang anak sa pagkakayakap sa kanyang hita.

"Mama, don't you love us anymore?" muling tanong ni Dylan sa ina.

Pumikit ang kanyang ina gaya nang ginagawa nito sa tuwing pinipigilan ng babae na mainis sa pagkakalat niya ng kanyang mga laruan. Nang idilat nito ang mga mata, tinitigan siya nang matalim. Nakaramdam ng takot si Dylan, ngayon lamang siya tinitigan nang ganito ng kanyang ina. "We cannot live with love alone. We cannot eat love; we cannot buy the things we need using love. It is just a word. Love is fictitious."

"S-socorro!" pagsuway ni Dalton sa kanyang asawa.

"What, Dalton? When you asked me to marry you, you told me you love me and you will give me a good life, but where is that?" Sumisigaw na sagot ni Socorro sa asawa.

Napayuko si Dalton at saka napailing na lamang. Pinunas niya ang kanyang mga luha at saka nilapitan ang pitong taong gulang na anak na umiiyak at gulung-gulo sa nangyayari.

Tiningnan ni Dylan sa mukha ang ama, "Papa..."

"I'm sorry, son. I failed you and your mom."

Niyakap ni Dylan ang ama. Nang akmang aabutin niya ang kamay ng kanyang ina, nakalabas na ito ng kanilang bahay at tuluyan na silang iniwan.

Nakatalikod man sa gawi ng pinto ay narinig ni Dalton ang paglapat ng pinto sa hamba. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang anak. Hindi niya napigilang humagulgol sa mumunting mga bisig nito. Iniwan na sila ng nag-iisang babaeng minahal niya nang sobra. Ang babaeng inakala niyang makakasama niya habang buhay at pinangakuang hindi iiwanan sa hirap man o ginhawa.

Napatitig si Dylan sa saradong pinto nila.

My mother used to tell me that she loved me so much, but now she has left me behind. Indeed, love is fictitious.

Ang kanina'y mabigat na dibdib ni Dylan ay sumikip na para bang pinipiga at hindi na niya nagawang pigilang ipalahaw ang sakit na kanyang nadarama.

Feelings DeletedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant