"Gusto ko.."

"Huh?"

"Gusto ko lang 'to itry." She bit her lip.

Ang alin pucha, ang mag-taxi?!

Napahilamos ako sa mukha ko at sumandal na lang rin, ang isang 'to talaga, ang hilig niya mag-roadtrip. Dati lakad lang, ngayon de taxi na aba.

"Here," Binayaran ni Ashiro si kuya driver ng 1000 bill kahit 300 lang singil ni manong. "Keep the change.." Nakita ko ang pag ngiti ni kuya driver at walang tigil sa pagpapasalamat kay Ashiro.

"Do you always do that?"

"What?"

Napakamot ako sa ulo ko, "I mean letting them to keep the change?" Gusto ko lang malaman if she's just that generous. Ang saya pala maging bilyonaryo, wala kang proproblemahin sa pera.

"Nope." Nagpamulsa ito, "Not really. Nakita ko lang yung nakasabit na picture ng bata sa may mirror niya and I assumed it's his child or grandchild and I noticed that he's didn't have any customers in the morning until now which is why I decided to ride and try the taxi." Napa-awang ang labi ko sa explanation niya, okay, hindi lang siya generous, she's very observant and considerate.

Napahawak ako sa dibdib ko at pinalo ito ng slight. Oh be, wag kang titibok, i mean tumibok ka but slow-paced lang. Wag kang maexcite be kay Ashiro.

Pero.. nang mapatingin sakin si Ashiro at saka ito ngumiti.. yung ngiti na totoo.

"I just hope he would buy the kid a box of donuts,"

Oh shit nakakainlove.

"Y-Yeah, sana nga ano?" Pag-agree ko rito at sinuklian din siya ng ngiti.

"We're not in the same class, are we?" Tanong nito pagkalunok niya ng kinakain niyang dumpling, sobrang hilig naman niya sa dumpling at kahit nasa isang fast food kami ay nag-order pa talaga siya ng dumpling sa ibang resto.

"ICT ako e, ikaw business?" Tumango ito. "But meron akong subject na kasama ka." Tinignan niya ako waiting for me to continue, "Sex-Ed.."

Nagulat ako nang bilaukan si Ashiro at umubo ito ng malakas habang hinahampas yung dibdib niya kaya inabutan ko siya kagad ng tubig. Sinamaan niya ako ng tingin habang umiinom.

Hala bakit eh totoo naman?

"What do you mean? Wala namang ganyan sa school?"

Napakibit ako at hinanap yung picture ng registration ko, "Sex Ed nga, understanding the self e." Sinamaan niya ako ng tingin. "Sexuality Education din naman 'yon? Ikaw ha ano ba naiisip mo?" Nginisian ko siya na ikinapula ng tenga niya.

"N-Nothing! I'm sorry, I just got startled just by the way you casually said the S word." Tumango-tango ako.

"What's wrong with it ba? It's normal naman ah?" Napakamot ako sa ulo pero she just sighed.

"Chinese are a bit conservative y'know." She said at kumain uli ng dumpling, napatango na lang ako. Wala eh, sa Japan naman kasi, nauso yung blur– joke!

"Do you have friends?" Tinignan ko siya ng may konting gulat kaya nanlaki rin mga mata niya and she coughed. "Sorry, I mean do you have other friends outside the school?" Tumango ako. "Saan sila nag-aaral?"

Bakit bigla siya naging interesado sa tatlong mokong na mga kaibigan ko? Well, apparently.. "Nabalitaan ko na lang na they stopped, you know, lahat sila kasi mga panganay at bread winner ang mga 'yon kaya mas pinili na lang nila mag-work." Tumango-tango si Ashiro at pagkatapos non iba nanaman ang pinagusapan naming dalawa.

Nung una akala ko hindi niya ako papansinin or hindi kami magkakasundo, but I realized when I was observing her, she's just a bit of a taciturn but she's kind and humble.

"How about you pala.. do you have other friends?" From the way she asked kanina, I am kind of assured na she considers me as a friend na kaya I think it's okay to ask her this much.

Tumango-tango ito at lumunok muna bago sumagot, "Well, yes. Public friends, too many. Private? Only three and that includes you." Nakaramdam ako ng kakaibang sensation sa loob loob ko– huy sa bandang dibdib naman ha? Naoverwhelm ako dahil she do consider me as a friend.

"Sa school mo rin sila nag-aaral?" Tumango ito. "Bakit hindi ko sila nakikita pa?"

"They're at Japan." Tumango ako, "Do you have siblings?" Tumango ako uli sa tanong niya, it's unusual for her to be this talkative kaya susulitin ko na.

Marami-rami rin kaming naorder– or siyang naorder dahil napilitan lang naman akong umoo sa mga binabanggit niya kaninang pagkain, kapag nailing kasi ako nataas siya ng kilay, ibig sabihin lang non, gusto niya ng food na 'yon.

"Fraternal triplets kami, ako yung bunso. Nasa Japan ang mga 'yon, ayaw nila rito mag-aral." Tumango-tango siya. "Ikaw ba?" Sabi naman sa google, only child siya pero malay mo diba sa google lang 'yon, don't trust google!

"Only child." Ay trust google pala sometimes, "But I do have an annoying cousin." Tumango ako.

Ang cute ng topic namin, para kaming nasa blind date, na nagtatanungan about friends and family. Buti na lang siya ang naglelead sa paguusap na 'to kasi wala siyang maaasahan sa akin at ang itatanong ko lang sakanya kung aling number ba ang paborito niya sa electric fan.

"How about a boyfriend? Do you have one?" Natawa ako sa tanong niya na ikinakunot ng noo niya, "Why are you laughing, Takoma?" Oh diba gigil kagad siya, natawa lang eh.

"Wala, wala, at wala rin akong balak." Kumunot lalo ang noo niya.

"Why? Are you a man-hater?" Nabuga ko yung ininom ko ng slight kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ang dugyot ah." Natawa ako at nag-sorry.

"Hindi naman sa man-hater," Inikot-ikot ko yung straw sa sprite kong inumin at nangalumbaba, tinitigan ko siya sa mata at napansin ko ang pagkakyuryus nito at natatawa ako dahil she can't even take a hint that... "I'm actually a lesbian."

Ashiro Feizi's RoommateOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz