SIMULA

703K 10.2K 756
                                    

BABALA: SPG
--------------------------------

Simula

Rance Ezekiel Evans

Nang naalala ko ang pangalan na yan ay kinuyom ko ang aking mga kamay habang nakatulala at nakaluhod sa harap ng toilet bowl.

Hindi ko na kayang tingnan ang mga pagkaing sinuka ko. Tumingin ako sa aking relo at nakita kong bandang alas sinco pa ng umaga. Napalunok ako.

Shit!

Morning sickness.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Napaupo ako sa malinis na tiles sa loob ng aking malaking CR. Hinaplos ko ang aking tiyan at kinagat ko ang aking labi.

No.. Hindi 'to pwede..

Pinagdikit ko kaagad ang aking mga hita. Lalong kinagat ko ang aking labi nang wala na akong ibang magawa kundi tinititigan na lamang ang nasa gitna ng mga hita ko.

I could still.. feel him inside me.

Pinikit ko ang aking mga mata at napasandal ako sa malamig na tiles sa pader ng aking banyo.

Unti-unting bumalik sa akin ang mga ala-ala nung gabing 'yon.

FLASHBACK

"Eleven.. M-Mahal na mahal kita.. Alam mo 'yon?" Lasing na lasing na ako habang nararamdaman kong hinahawakan ako ng isang lalake sa aking bewang.

"Brooks, I'm not Eleven. You're drunk." Narinig ko ang matigas at pamilyar na boses ng isang lalake.

But I'm too tipsy to understand what he said.

"M-Mahal na mahal kita.. Buong buhay ko, Eleven... H-Hindi mo ba nakikita 'yon? Huh? K-Kulang pa ba ang lahat ng pinapakita ko sa'yo?" Hinarap ko siya at kahit wala na akong lakas sa aking mga tuhod ay niyugyog ko parin siya sa kanyang mga balikat. Kung hindi lang siya nakahawak ng mahigpit sa mga bewang ko ay matutumba na ako.

"Brooks, give it up." Mariin niyang sinabi.

Inaantok akong napasubsob sa kanyang dibdib. I could feel the muscles of his chest tensed. I can smell his manly scent.

Pinikit ko ang aking mga mata at kinuyom ng aking mga kamay na nakapatong sa kanyang dibdib ang tela ng suot niyang tuxedo.

"Eleven is married to Athalia." Napapaos ang kanyang boses.

Everything went silent.

"Hah.." bigla akong natawa sa narinig ko. "Athalia? L-Lagi na lang si Athalia! Bullshit!"

"Brooks.." hinawakan niya ako sa magkabilang balikat upang pakalmahin yata ako.

Inaantok kong minulat ang aking mga mata at tiningnan ko siya sa mukha. Everything's a blur to me right now. The alcohol is clouding up everything.

Ang alam ko lang ay nasa loob na kami ng malamig na resort room kung saan ako nag-check in para ngayong gabi.

The room was spacious.. and we're just standing meters away from the bed.

Everyone else is still probably having fun in that goddamn wedding reception downstairs. Doon sa poolside ng resort. The wedding reception of Eleven.. and Athalia.

And goddamn it! Pumayag akong maging bridesmaid sa kasal na yon! Sa kasal ng lalakeng pinakamamahal ko!

"Bullshit! Mahal na mahal kita Eleven! Bullshit! Bullshit yang Athalia na 'yan!" Nilalakasan ko na ang boses ko at tinulak ko na siya. Napasandal siya kaagad sa pinto ng kwarto. Humihingal ako sa kinatatayuan ko.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now