Papasok palang kami sa bar ay maamoy muna ang baho ng sigarilyo't dinig na dinig mo mula sa entrance ng bar ang kanilang sounds.

Mula rito ay makikita mo ang mga tao na sumasayaw sa dance floor, mag babarkada, yung iba ay may mga kahalikan sa tabi.

Isa lang masasabi ko napaka wild nila.

Kung first timer lang ako na nakapasok dito talagang mas gugustuhin ko nalang na mag over time sa trabaho kesa pumunta.

Ganyan ang  unang naisip ko, nung bago pa'ko dito maka pasok.

"D'un tayo oh, bakante." Turo ng kasama namin na lalaki, sa mesa na malapit sa isang mesa rin na may nag iinoman na mga lalaki.

Anim sila na naka upo malapit sa mesa na tinuro ng kasama namin. Mukang silang mga mayayaman base sa suot nila't 'di masyadong kita ang mukha nila dahil medyo may kadiliman ang pwesto nila at naka dim light banda duon.

Okay narin ang tinuro ni Rex, na mesa dahil 'di ka masyadong makikita duon. Agad kaming nag punta d'un, nakita ko pa sa peripheral vision ko na lumingon sa gawi namin ang anim na lalaki.

Dahil siguro nagtatawan ang mga kasama ko, at nag hahampasan pa.

Hinintay muna namin sandali si Rex, siya ang nag reprisenta na kumuha ng drinks.

"Isang baso pa elle." Alok nila sa'kin, apat na baso na ang nainom ko at medyo na hihilo narin ako.

Agad na umiling ako.

Masyadong matapang ang alak, 'di kaya ng alcohol tolerance ko.

"Sige na! Pang lima mo pa lang 'to eh, 'di ka malalasing nito."  Wala na'kong magawa, nang kinuha niya ang kamay ko't nilagay d'un ang baso na may lamang alak.

Napapikit nalang ako sa mata, ko ng maramdaman ko na ang pait na lasa ng alak sa lalamunan ko.

"Yown oh!" sigaw niya.

Ilang minuto lang ay naka ramdam ako na naiihi, ako ay nag paalam muna ako sa kanila.

"C.R muna ako." Pa gewang gewang akong nag lakad papunta sa comfort room, umaalon paningin ko.

Napa hawak naman ako sa pader bilang suporta sa pag tayo ko, ng makaramdam ako ng hilo.

Talagang nakaka ano yang alak na 'yan eh.

Agad na 'ko dumiritso sa cubicle, ng makapasok sa loob ng girls C.R.

Pagkatapos ay nag hugas muna ako ng kamay, at nag hilamos sa mukha para mawala ang antok na naramdaman.

Ako lang mag isa ang nasa loob ng comfort room, kaya tinignan ko muna ang sarili sa salamin.

I'm wearing a fitted dress 'di ko alam ang tawag. Kulay itim s'ya may slit sa kaliwa at sleeveless ang haba naman n'ya ay 6 inches above the knee, kitang kita ang maputi kong hita.

"Ba't ang tagal mo namang naka balik babaita ka?" Taas kilay na tanong ni Lesley, head to foot niya akong tinignan. Mukang naka hinga s'ya ng maluwag nung nakita akong ganun parin ang ayos ko. "Nalunod kaba sa inuduro at ang tagal mo?"

Anong kala niya sa'kin? mag papadala ako sa mga lalaki dito. Yan ang diko hahayaan.

"Medyo nahihilo kasi ako, kaya nag stay muna ako d'un sa loob." Paliwanag ko.

Hinila naman ako, ng kasama namin na bakla kaya napa upo ako sa tabi nito.

"Beh... Ang dami ng gwapo dito!" Yugyug n'ya sa'kin, kaya naka ramdam na naman ako ng hilo.

"Oh..." Abot na naman nila sa'kin ng alak.

'Di na ako nag reklamo, dahil wala na namang patutunguhan ang dahilan ko. Agad kong ininum ang alak at tumayo.

"Labas muna ako, tatawagan ko muna si inay." Paalam ko, nadaanan ko pa ang pwesto ng anim na lalaki kanina pero apat na lang sila ngayon d'un naka upo.

Diri-diritso lang ako, hanggang naka labas na'ko sa bar.

Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap sa phonebook ang number ni inay. Bakit ba kasi walang signal sa loob.

May nakita akong nakaparadang sasakyan na mamahalin, tinungo ko 'yon at umupo sa hood ng sasakyan.

Ring lang ng ring ang phone ko mukang tulog na siguro si inay.

"Anong oras na ba?" Bulong ko sa sarili.

Alas onse na pala ang tagal naman namin dito, dati ay tatlong oras lang kami at uuwi na pero ngayon iwan ko nalang.

"Damn!" rinig kong mura ng kong sino.
Mukang malapit lang s'ya dito sa pwesto ko.

Napatingin naman ako sa pinto ng sasakyan na inuupuan ko, marinig ko ang pag sara nito.

"What are doing here?" Baritonong boses ang narinig ko, kaya bigla akong tumingin sa harapan.

Isang lalaki matangkad, magulo ang buhok, medyo mapula ang maputi niyang mukha pababa sa leeg, matalim ang tingin n'yang ginagawad sa'kin.

He looks so familiar, parang nakita kona s'ya pero 'di ko matandaan.

"Done checking me?" Salubong ang makakapal na kilay niya.

"H-huh?"

Siya yong lalaki kanina, kasama s'ya sa anim na mga lalaki.

"Can you please... Damnit!" Mura n'ya at tumingala pa parang nang hihingi ng mataas na pasensya.

"P'wede bang bumaba ka, gusto ko ng umuwi."

Napa laki naman ang mata ko ng may na realize.

"Sayo 'to?" He nodded

Agad akong bumaba kahit na nahihilo, muntikan pa 'kong matumba kong walang humawak sa bewang ko.

"Salamat... Ahh pasensya na kong umupo ako sa hood ng sasakyan mo naghahanap kasi ako ng signal. Pasensya na talaga sir." Yumoko ako bilang hingi patawad.

"You're drunk young lady!" Mariin n'yang sabi. "I think I saw you earlier, oh the noisy group yung malapit sa table namin. Where's your friends? Masama sa isang babae na lasing ang walang kasama."

"Ah nasa loob."

"Una na ho ako." Paalam ko.



Please vote!

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Onde histórias criam vida. Descubra agora