chapter 24

192 3 0
                                    


Ilang araw ang lumipas pagkatapos na mangyari 'yon. Palagi nang nakasubaybay si Zach sa mga ginagawa ko. Minu-minuto ay tumatawag siya, hindi naman niya ako pinupuntahan. Na siyang pinagpasalamat ko.

Nagtataka na nga ang iba kong mga kasamahan dahil palagi akong may kausap sa phone. Minsan ay tinutukso ako ni Aljean. Hindi ko nalang mapigilan ang pag-irap dahil sa inis.

Simula kasi nang mapanaginipan ni Zach 'yon ay halos praning na siya pagkabukas. Hindi talaga halos, praning na!

Natuluyan na!

Nakahiga ako ngayon habang nag-s- scroll sa screen ng phone ni Zach. Yes. Phone ni Zach, ayaw na niyang ibigay saakin pabalik ang phone ko. Pinagdadamot pa nga.

Biglang may nag pop-up na message sa screen. Tinignan ko iyon. Galing pala kay Zach. Dalawang minuto na ang nakalipas ng i-send iyon.

Zach:
You're busy.

Hindi tanong iyon. Kinabahan naman ako nang sunod sunod na pumasok ang mensahe niya.

Zach:
Hindi kita matawagan.

Zach:
With who, Elle? Online ka, at busy ang phone mo. Sino ang kausap mo?

Kinagat ko ang labi at sandaling tumingin sa kisame. Hindi alam ang isasagot. Ka-chat ko ngayon ang mga kaibigan ko. Kaya talagang ngayon ko lang napansin. In-off ko muna ang do not disturb, kaya nagsisulputan lahat ng notification.

Ako:
Sorry naman. Naka DND mode kasi.

Pagkatapos ay sin-end ko. Mabilis siyang nakareply.

Zach:
DND?

Natawa ako. Nakalimutan ko. Hindi pala ito mahilig sa mga abbreviation. Poor him, marami pa namang mga Gen Z words ang nauuso ngayon. Napag-iwanan na.

Ako:
Short for 'Do not disturb'.

Kaliwa kanan ang pagreply ko sa kanila. Pagmasend na sa kaniya sa kaibigan ko naman. Minsan nga ay nalilito ako dahil sabay sila.

Zach:
Pupuntahan kita.

Huling reply na siyang nagpabangon saakin. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagtipa.

Zach:
Huwag ng umangal. Nandito na 'ko.

Binura ko na lang ang mensahe at tinungo ang pinto. Binuksan ko iyon nang kunti at sinilip ang ulo. Mariing tingin niya ang bumungad sa akin.

"Wala akong binibentang candy, e. Baka bukas." walang hiyang sabi ko.

Nagtagpo ang makapal niyang kilay at sumama ang tingin sa akin. Okay. Mukhang 'di nagustuhan ang aking sinabi.

"Galit ka? My false."

Muli kong sabi. Try nating asarin siya. Ganito ko rin namang asarin mga kaibigan ko. Embes na fault ay false. Mga perfectionist kasi. At saka gumagana naman. Tin-ry ko lang sa kaniya.

"False? Di ba dapat fault? Nabagok ba ulo mo at ganyan kana ngayon?"

Umirap nalang ako sa kaniyang correction. I know naman. At hindi nabagok ang ulo ko.

"Baka 'yong ulo mo nabagok. May kailangan ka?" tanong ko.

Baka masapak ko ito. Kundi tutuhanin kong ibagok ang ulo niya dito sa pintuan. Pareho lang sila ng mga kaibigan ko, perfectionist.

"Tabi! Papasok ako." hawi niya sa akin.

Dumiritso siya sa kama at sumandal sa headboard.

"Kapal ng mukha!" apila ko.

Dabog akong pumunta sa harap niya. Hindi ko hahayaang matulog nanaman ito sa kwarto ko. Sasakopin lang niya ang buong kama. Kaya ang ending sa sofa ako. Nakapamaywang akong tumayo sa dulo ng kama. Tinititigan siyang pumikit at pagtaas baba ng lalamunan niya.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now