chapter 27

82 0 0
                                    


Natapos ang fiesta at ngayon ay prosesyon na ng mga imaheng Santos. Dahil malapit lang ang dagat dito at nasa huling purok lang ito ng barangay, doon isasagawa ang prosesyon na magaganap. Dadalhin ang mga imaheng Santos doon at bebendisyonan n ito ng pari. Sasakay ka ng bangka pagkatapos at ililibot niyo ito sa malalim na parte ng dagat. They called it, 'sakay-sakay' dahil sa dagat ito gaganapin at hindi sa daan. Kaya marami ang pumupunta at nakikisali.

Maaga pa lang ay umalis na kami nang bahay. Maaga ang mass ngayon, at dahil sa prosesyon. Mas mabuting sa umaga ito gaganapin dahil hindi pa masyadong masakit ang init ng araw sa balat.

Mabuti na lang at hindi nagrereklamo si Zain. Baka ihulog ko ito sa bangka. Mukhang naaaliw naman ito. Kinuha nito sa akin ang hawak ko. Isinayaw- sayaw niya ito nang magsimulang magpatugtug ng music para sa prosesyon.

Ang bangkang sinakyan namin, ay sinusundan ang malaking bangkang de motor, kagaya rin ng iba. Marami kaming nakasunod at may kanya kanyang dala. Sa malaki kasing bangka ay nandoon ang malaking imahe ng Santos.

Natapos ang prosesyon ay dumiritso kami kung saan nakatayo ang portable table na may pagkain namin. Maliligo kami ng dagat ngayon.

Hindi na kami nag dala ng babasaging plato dahil sa tamad akong maghugas. Paper plates, plastic utensils, then pagkain and drinks lang dala namin. Mabuti nga at dala ni Zain ang sasakyan niya kaya hindi kami nahirapang magdala, di kagaya ng dati. Kailangang mo pang isa-isahin ang dadalhin.

Matapos kung kumain ay iniligay ko ang pinanggamitan sa isang trash bag. May mangungnguha naman ng basura every tuesday. Dito kasi sa barangay ay may sariling trash segregation.

Nagtampisaw ako sa dagat at umupo sa buhangin. Mamaya na muna ako maliligo, kailangan ko munang ma digest lahat ng kinain.

Tumingin ako sa paligid. Marami ang tao, halos pamilya lahat. Nililipad ng hangin ang ilang hibla ng buhok ko. Kasalungat ng mainit na araw ang binibigay na hangin ngayon. Medyo malamig ito, tamang-tama pag ikaw aahon giginawin ka.

Hindi na ako nag-abalang lingunin ang tumabi sa akin. Amoy pa lamang kilala ko na. Just like him, but different scents.

He cleared his throat.

"You like ocean?" he asked me.

I nodded as my response. "Yeah, but I liked more sunset and sunrise. Especially kung sa dagat. Mas maganda kasing tignan pag nasa tagpuan na nang langit at dagat. Lumalabas ang totoong kulay." mahabang saad ko.

I remember when I was in my high school days. Palagi akong nandito. Sa dike ako palaging naka upo at aabangan ang pag sikat at paglubog ng araw. Naging habit ko na iyon hanggang sa nakapagtapos ako. Even until now, minsan na nga lang dahil sa trabaho.

"I know how to swim, but your thoughts are so deep. Enough for me get drowned." he said jokingly.

Napangiti ako sa sinabi niya at nilingon siya. Hindi naman mukhang biro iyon ngunit nagawa niya akong pangitiin. Ang babaw lang kasi ng kaligayahan ko. Madali lang akong patawanin kahit kunting biro lang 'yan.

"You know. I've been dreaming someone to call me 'kuya'. I wanted a sister. Oo, dumating ka, nahanap na kita. Ngunit di mo naman akong tinatawag na kuya. First name basis ka. Parang ikaw ang mas matanda sa atin kung makapag-utos. Though, hindi ako nagrereklamo." humugot ito ng malalim na hininga at pinakawalan ito.

"I promised. I promised to my self that I'm going to be a slave just for my sister. Only for my sister. Kasi iyon ang matagal kung pinapangarap. Kahit na sa paraan na iyon maipapakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Nakikita ko sa mga kaibigan ko, the way they treated their siblings. Hindi ko nagugustuhan. Kaya talagang pinangako ko na, kung ano ang ginawa nila sa kapatid nila, hinding-hindi ko gagawin sa kapatid ko. I love my sister so much. I couldn't hurt my own sister. Hurting her means hurting my self also. I can't resist seeing my sister's crying just because of me. I don't want that to happened. Every year I celebrate my birthday, wish ko talaga na may tatawag saking kuya. Kaya talaga ang saya ko nang ikaw na talaga. Kasi naman sa wakas, may tatawag ng kuya sa akin." mahabang sabi niya.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now