chapter 10

894 25 0
                                    

Mag-aalas dose na pala, 'di ko manlang namalayan. Hanggang ngayon iniisip ko parin, kong ano ang pag uusapan namin ni Zach.

Tinawag ako ni Aljeck, Aljean pala. Sabay na daw kami kakain.

"Elle, tara sabay na tayong kumain. May malapit na kainan d'yan sa labas." iniipit pa nito ang boses n'ya. Para maging tunog babae ito. Sinabihan ko rin s'ya na Elle nalang tawag sa'kin, masyadong mahabang pakinggan ang Zhanielle.

Pumayag rin naman ako. May canteen sa baba, pero nakakasawa namang kainin ang naka display dun. Gusto ko namang maiba naman, sa ngayon.

"Doon tayo sa may, nagbibinta ng bulalo. Yung malaking karenderya don at may balot nabinibinta... Gusto ko don," I suggest, na sinang-ayonan n'ya.

Nilakad lang namin. Hindi naman masyadong malayo.

Pagkarating palang namin ay kinikilig na kumapit si Aljean sa'king braso. Sobrang higpit ang kapit n'ya don, at mahinang hinihila ang buhok ko gamit ang isang kamay. Na nasa likod ko. Maraming mga tao dito. May mag kasintahan, magbarkada, at higit sa lahat may grupo ng manlalaro ng basketball di nalalayo sa edad namin. Kaya pala kinikilig may mga binata pala, tyansa ko isang taon lang ang tanda ko sa kanila.

Napa-igtad ako ng maramdamang may malaking kamay na humawak sa bewang ko. At kinuha ang kamay ni Aljean, na nakakapit sa'kin. Napalingon ako kong sino ang gumawa non.

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat.

Anong ginagawa niya dito?

Papanong nasundan niya kami? Akala ko ba nasa meeting siya?

Galit itong tumingin kay Aljean. "Too, close..."

Bumaling muli ito sa'kin. At binalik ulit ang tingin kay Aljean, na ngayon ay halos manginig na. "What are you doing? Bakit mo hinihila buhok n'ya?!" nakataas ang makapal nitong kilay, bakas rin ang galit at inis sa boses nito.

Bago pa sumagot si Aljean ay inunahan ko na siya, mahirap na.

"Wala... Kinikilig lang siya. Ano, kakain kasi kami dito. Kaso nakakita s'ya ng mga mag-jowa, oo mag-jowa tama. Mag-jowa naiinggit daw kasi s'ya, dahil sobrang sweet daw nila." utal kong paliwanag, sobrang kaba na talaga ang nadadama ko ngayon.

Bakit ba kasi siya nandito?

"Nga pala, bakit ka nandito? Di ba po may meeting kayo?" sa wakas na tanong ko na rin. Nakalimutan ko atang boss ko itong kausap at kaharap namin.

Seryoso itong tumingin sa'kin. "Why? Ayaw mo kong nandito? Bakit? Maaabala ko ba date n'yo?!" mapanganib nitong wika. Inilingan ko lang 'to, at tumingin kay Aljean na umiiwas ng tingin.

Nagtagpo ang tingin namin ni Aljean, kaya pinalakihan ko to ng mata. Humihingi ng tulong, pero umiling siya. Malakas na bumuga ako ng hangin.

"Mauuna na ko sa inyong dalawa ha. Kanina pa ko nagugutom eh," atsaka ko tinalikoran ang dalawa. Bahala sila d'yan, parehang may mga saltik.

"Hoy!" tawag nito. Pero nagpatuloy ako sa paglalakad, dinig kong tumatakbo ito dahil sa tunog ng sapatos.

Habang sinasabi ko ang order ko. May mapag-angkin na kamay ang humawak sa bewang ko.

"Ikaw kakain kaba?" baling ko kay Zach. Tumango s'ya.

"Anong sa'yo? I mean anong gusto mong kainin?" ramdam ko ang tingin ni Aljean sa'ming dalawa.

Bahala muna s'ya sa sarili n'ya. Kong wala tong asungot na'to, walang sagabal sa chika-chika namin. Sabi pa naman n'ya magkwe-kwento siya about sa crush n'ya.

Tumitig ito sa'kin ng ilang sandali. "I don't know," kibit balikat niyang sagot.

Napasapo na lang ako ng noo. Hindi pala to kumakain sa mga karenderya.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now