chapter 20

635 9 0
                                    

Bagsak ang balikat ko ng hindi ko makita ang hinahanap sa ref. Malapit ng maubos ang stock sa ref. Mukhang kailangan na naming mag groceries para mayroon kaming kainin bukas at sa susunod pa na araw.

Kumuha nalang ako ng beacon at itlog. Ito na muna siguro ang ulam sa agahan namin. Kumuha na rin ako ng baso para sa gatas ko. Si Zach ewan, no'ng nakaraan kasi hindi ko na siya nakikitang umiinom ng black coffee. Ayaw ko namang timplahan siya ng gatas dahil baka ayaw niya.

Wala pa si Zach ngayon dahil tulog pa. Nauna akong magising kaya ako na ang nagluto. Ayaw ko rin naman siyang gisingin dahil mukhang puyat. Bahala ng mauna akong kumain, kailangan niya ng tulog.

Dito kasi para sa'kin paunahan ng gising. Pag sabay kaming dalawa na magising ay wala talaga akong ginagawa kundi ang maghintay hanggang matapos siyang magluto. Nagagalit siya pag ako ang nagluluto. Kaya hinayaan ko sa nalang dahil ’di naman ako mananalo sa kan'ya. Ngayon nga lang ako muling nakapagluto.

Muntikan na ’kong mapalundag dahil may biglang pumulupot sa baywang ko. Hindi ko nilingon pa kong sino, wala naman akong ibang kasama dito. Obvious naman.

Yumakap ito sa'kin at pinatong ang baba sa balikat ko. Clingy overloaded... Pag kaming dalawa lang o nandito sa bahay, palaging nakayakap. Parang linta pero mahirap ihiwalay.

"Good morning... Bakit hindi mo ’ko ginising? Ako na sana nagluto," he whisper.

Ramdam kong nanayo ang balahibo ko sa batok kong saan tumatama ang hininga niya. Is he seducing me? Well, it's working— I mean not. Ganyan na ba boses niya sa twing bagong gising? I think kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa bedroom voice niya.

I shook my head, disagree. " No. Inaantok ka pa nga..."

I heard him groan and nodded. For the first time, ngayon lang siya nag-agree ng hindi kami nagtatalo. Every time na may isu-suggest ako ay nagtatalo talaga kami. I don't know pero kinatutuwa niya 'yon. Kasi sa twing nagtatalo kami ay ngumingiti ito habang nakatingin sa'kin. Hindi ko namang maiwasang mainis dahil pakiramdam ko tinutudyo niya lang niya ako.

Pinatay ko na lang ang kalan at humarap sa kan'ya. Yumakap ako sa leeg niya at tinignan siya. Pikit mata siyang sumubsob sa leeg ko. Alam ko na naman kong ano ang gusto niya.

"Mahilig ka talagang gulatin ako, ’no?" saad ko at marahang hinagod ang buhok niya. May kahabaan na rin 'to kaya pwede ng sabunutan.

Mas isiniksik pa niya ang sarili sa'kin. Kita mo na 'tong tao na'to.

"Nagulat ba kita?" patay malisya nitong tanong.

Nagulat ba niya 'ko? Tanong pa ba 'yan?

Mahina kong hinila ang buhok niya. "Syempre... Oo. Ikaw kaya biglang bigla na lang susulpot, nangyayakap pa. Hindi ba obvious?" I paused and looked at the wall clock. Malayo pa naman ang oras. "Sarap mong sabunutan... Tara na nga kakain na tayo."

Tinulak ko 'to papalayo pero umiling lang siya at hinila pa ako. Araw araw ba gusto nito? No'ng nakaraan, kahapon, tapos ngayon? Aba't nasasanay na 'tong lalaking 'to, ah! Ni hindi ko nga alam kong pa'no gagawin 'yon.

Nag-angat siya ng tingin at humalik sa pisngi ko. Nagtagal do'n ang labi niya bago sinapo ang pisngi ko. Kiniskis niya ang ilong sa'kin at binalik ang ulo sa leeg ko.

"I'm sorry. Nagagalit ka na naman..." malambing nitong saad. Napangiti naman ako.

I remembered the day no'ng nagalit ako sa kan'ya no'ng nakaraan dahil 'di niya ako ginising. Muntik na siyang maiyak no'n dahil galit daw ako sa kan'ya. Tinimplahan pa niya 'ko ng gatas at nilambing dahil baka ’di ko daw pansinin. Naka ilang sorry pa siya no'n sa'kin pero binalewala ko lang. Kitang kita ko sa mga mata niya ang mga namumuo na luha. Kaya kinausap ko na dahil mukhang napa- paranoid na siya. Nag panic pa nga.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now