chapter 14

782 16 0
                                    


Tapos na akong maligo. Syempre hindi kami mag kasabay, ako ang nauna. Dahil ladies first kunohay. At baka may digmaan na namang maganap ng di oras. Nag dala na rin ako ng damit, para sa banyo na rin akong mag bihis, para sigurado narin. Di ba 'handa ang may alam'. Dapat alerto dahil mukha non mukhang gusto pa umisa.

Tungkol naman sa susuotin niya pinahiram ko nalang. Depende na lang sa kan'ya kong isasauli pa niya. Marami naman akong malalaking damit. Halos lahat ata ng pambahay kong damit ay panlalaki ang size. Tapos short ng mga lalaki rin ang hilig ko. Mabibilang mo lang pambabae na damit sa kabinet. Dahil minsan lang ako nagsusuot ng pambabae, pag nagtatrabaho. Mas comfortable ako pag maluluwag ang suot ko. Hindi pati underwear ko maluwag, ah.

Napagdisesyonan ko nalang na pumunta sa kusina para makapagluto ng breakfast na lunch? Brunch ba tawag don? Nagtimpla ako ng isang basong gatas, habang nag piprito ng itlog at bacon. Kapag kumakain talaga ako di mawawala ang gatas sa harap ng pagkain ko. Instead na tubig ay gatas, mas ginaganahan akong kumain pag may gatas. Nakasanayan na rin.

Inubos ko ang gatas na nasa harap ko, bago nag hiwa ng mga sangkap na ihahalo ko sa ulam na lulutuin. Habang nag hihintay ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Zach. Ano kayang ginagawa ng isang yon sa loob? Kanina pa siya don, hindi pa ako nagluluto nandon na siya naliligo. Ganon siguro siya maligo, matagal matapos. Napagdisesyonan ko na tawagin nalang siya pagkatapos kong magluto.

Hinain 'ko na sa lamesa ang pagkain ng matapos na kong magluto. Hinanda ko na rin ang gagamitin naming plato at kutsara. Aalis na sana ako kaso saktong bumukas ang pintuan at lumabas si Zach. Suot nito ang black v-nect shirt at pinaresan ng black shorts. Kasyang kasya sa kanya, dahil oversize iyon sa'kin. Mas tumingkad pa ang maputi niyang balat dahil sa suot.

Nakakainggit naman!

Habang nakatingin sa palapit na Zach. Bumabagabag parin sa isip ko ang tanong niya kanina. Pa'no niya naman nalaman kong sino ang may-ari nong pusa? Kung pa'no magsalubong ang kilay niya. Para bang may kasalanan ito, lalo na nong kinuyom niya ang sariling kamao. Baka alam niya rin na mag kalapit lang kami ng room unit?

Napatigil ako sa pag-iisip ng may tumikhim. Mariing tingin ang ginagawad ni Zach. Naka cross ang dalawang braso, habang naka taas ang isang kilay.

Wala akong kasalanan!

Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. "Ah, kain na tayo... Pupuntahan na sana kita, kaso timing lumabas ka."

Pinaghila naman niya ng upuan ang sarili, bago sumandal. Pero nanatili ang tingin sa'kin. Nailang naman ako sa at pilit na ngitian siya. Nagsimula na akong mag lagay ng pagkain sa sariling plato, para maibsan ang kaba sa dibdib.

Tinignan ko siya ng matapos ako. Nagtataka ako sa kinikilos niya ngayon. Simula kanina parang nag-iba bigla ang mood niya. Ang laki pa nga ng ngiti nito, pero ngayon para bang pasan niya lahat ng problema sa mundo. Tumikhim ako para agawin ang pansin niya. Pero wala lang sa kaniya.

"Gusto mo ba ng kape?" tanong ko.

Gusto niya ba ng kape? Pero gatas lang ang meron dito. Hindi ko naman inaakala na mapupunta siya dito, e.

Di parin siya umimik sa tanong ko. "Gatas lang yong iniinom ko, kaya wala akong kape dito." sabi ko.
"Ipagtitimpla kita-" bumalik ako sa pagkakaupo ng pinigilan niya 'ko.

"No need," salita niya. Sa wakas rin.

Nagulat ako ng pagalit siyang nagsalita. "Hindi mo ba naisip ang allergy mo? Ang sarili mo? Ipagtitimpla mo pa rin ako ng kape kahit alam mo sa sarili mo na allergy ka?" bakas ang galit at pagka seryoso sa boses nito.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now