chapter 2

1.1K 24 0
                                    

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Kumurap kurap muna ako ng limang beses, dahil medyo blur ang paningin ko. Ng maka pag adjust na ay kumunot ang noo ko ng di familiar sa'kin ang kwarto, kulay black ang kurtina't kulay white ang kisame, gray naman ang unan at comforter.

Agad akong napabangun, pero napaigik ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa pang ibabang bahagi ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama, ng makaramdam ng sakit sa ulo kaya napa hawak sa bandang noo ko.

Mariin kong pinikit ang mata at inaalala ang ginawa ko kagabi.

Nag inom kami...

C.R...

May nakausap akong lalaking 'di ko kilala...

Naka limang baso ako...

Hanggang sa isinakay ako ng isang lalaki.

Mariin akong napa sabunot sa buhok.
"No! This can't be happened!," Bulong ko sa sarili. " 'di nangyari 'yon!"

Mabilis akong lumingon sa kanang bahagi ng kama ng maramdaman ng gumalaw. Pero para akong nanlumo sa nakita ko, para akong naging tuod 'di ko lubos na maisip.

Isang lalaki, naka talikod sa direksyon ko at walang suot na pang itaas na damit. May mga kalmot pa sa kaniyang likod, kitang kita ito dahil sa maputi nitong balat. Pulang pula pa 'to parang bagong bago.

Nilibot ko ang tingin sa buong silid, at may nakita akong mga damit sa sahig.

Nakita ko ang alarm clock sa bandang ulo ko kaya napa tingin ako sa oras d'un.

"Alas nwebe na!"

Kahit na masakit ang katawan at ulo ko, ay nagawa ko pa rin na mag madali sa pag bihis. Agad akong lumabas sa silid na 'yon at dumiritso na palabas sa bahay. 'Di na ako nag abala na alamin ang address ng bahay ng tao na 'yon at agad na pinara ang nakitang taxi.

"Manong! Sa Del pelar street ho." Saad ko, ng makasakay sa taxi agad naman niyang sinunod.

Didiritso muna ako kila Lesley. Napa dasal nalang ako sa isip, na sana 'di tumawag si Inay sa kan'ya.

Bumolong bulong ako sa sarili  "I hope na 'di na kami mag kita ng lalaking 'yon."

Napapikit nalang ako at napa isip.

" 'di muna makikita ang lalaking 'yon, malaking lugar ang bayan ng Santiago, at sigurado ding 'di siya taga dito." Kampanteng sabi sa sarili.

Agad akong nag bayad ng pamasahe sa driver, Ng makarating sa tapat ng tinutuluyan na bahay ni Lesley.

Dumiritso ako sa tapat ng pinto kahit na paika ika ang lakad. Agad akong kumatok, wala pang tatlong katok ay bumukas na ang pinto. Si Lesley ang bumungad sa akin, parang bagong gising lang.

Humikab muna siya at nagtanong. "Sino 'yan?"

Nanlaki ang mata niya ng makita ako, at pinapasok sa loob.

"Sa'n ka galing? 'di na kita nakita kagabi, nong bumalik ako sa harap ng bar."

Napayuko nalang ako sa tanong niya.

"Hoy, anong problema? May nangyari ba?" Nataranta siya ng marinig ang hikbi ko.

"Marami... marami ang nangyari," halos utal kong sabi.

"Ano ba kasing nangyari? Sumagot ka ng maayos ha! Wag mo 'kong iyak-iyakan jan!" Sabi niya. "Teka lang muna, kukuha muna ako ng tubig sa kusina at ng mainom mo." At naglakad patungo sa kusina. Pag balik n'ya ay may dala na s'yang isang basong tubig.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now