chapter 18

544 6 0
                                    

Ako ang kumuha ng plato at kutsara. At nilapag'yon sa mesa. Siya naman ay tinimplahan ako ng request kong isang basong mainit na gatas.

Umupo ako at pinag-cross ang kamay sa dibdib. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa ang pagtimpla ng gatas ko.

" 'Wag mong lagyan ng maraming asukal," paalala ko. Tumango naman siya.

Kong ang ibang tao ay mahilig sa maraming asukal. Ako, hindi, nasusuka lang ako pag masyadong matamis na. Lalo na kung si Lesley minsan ang nagti-timpla sa gatas. Tig-da-dalawang kutsara ng gatas at asukal ang ihinahalo niya para pantay daw. Akala niya siguro robot ako, 'di tinatablan ng diabetes.

Hindi nga ako mahilig sa matamis pero malakas naman kumain sa chocolate. May pagka-baliw rin ako sa pag-iisip minsan. Lalo na sa kan'ya.

Ano kaya ang lasa ng sa kan'ya? Matamis o sakto lang?

Napakurap ako ng ilang beses nang makita mukha ni Zach sa harap ko. Ilang pulgada lang ang layo. Sinusuri niya akong tinignan.

Ngumiti ako ng pilit at mahina siyang tinulak papalayo. Napataas ang kilay niya dahil sa tinuran ko.

Bakit ba ang hilig niyang magtaas ng kilay?

"Here's your milk..." nilapag niya sa harap ko ang gatas. Tinignan ko muna 'yon bago tinikman. "What are you thinking?"

Umupo siya sa tapat ko. Nilapag ko ulit 'yon bago siya balingan ng tingin.

I sincerely smiled at him. "Ang sarap ng pagkatimpla... Bago sa panlasa ko,"

Palagi na lang niya akong tinatanong kong ano ang iniisip ko sa tuwing natutulala. Required ba sa 'yon?

"Not important," umiling ako. He cross his arms and leaned back in his chair. Kaya napahinga na lang ako ng malalim. "Wala. Iniisip ko lang kung magkatulad ba kayo ni Lesley ng timpla."

Bakit ko ba in-explain ang sarili ko sa kan'ya? Pero sa isip ko rin ay dapat na ipaalam ko sa kan'ya ang mga iniisip ko. Hindi lang yan kundi pati na ang mga ginagawa ko. Parang may gustong gawin ang katawan ko na hindi ko magawa. Ang utak ko rin ay may sinabi pero 'di masabi ng bibig ko. Hanggang dulo lang ng dila ko ang mga katagang 'yon.

Inangat ko ang tingin sa kan'ya. Ganon parin ang tingin niya. Ako na ang umiwas ng tingin at tinuon sa pagkain. Nagsimula na akong magsandok ng kanin at ulam.

Sumubo ako ng isang kutsara at tinignan siya ng nakataas ang kilay. Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig bago nag salita.

"Bakit hindi kapa kumakain?" tanong ko. Nang makitang hindi siya gumalaw sa kinauupan at nanatili ang tingin sa'kin.

Umayos siya ng upo. Tumingin sa 'kin saglit at kumain na. Kinuha ko ang baso at ininom ang gatas hanggang sa mangalahati.

"Bakit mo iniisip ang iba kong ako naman kasama mo?" muntik na 'kong mabulunan sa biglaang pag salita niya.

Anong klaseng tanong 'yan? He sounds like a jealous boyfriend. Ano naman ang ikinaseselos niya?

"Wala nama–"

He cut my words.

"And I want to remind you... Don't compare me to others. Besides, mas masarap pag ako ang magtimpla dahil may halong pag-asa."

Nagtaka ako sa huling sinabi niya. "Pag-asa? Saan ka magkakaroon ng pag-asa?"

Bahagyang umangat ang sulok ng kan'yang labi. He just looked at me with his cerulean blue eyes. Ang mga tingin niya'y parang tinitignan ang buong pagkatao ko mula sa kaloob- looban. Ang mabagsik niyang mata'y bahagyang umamo habang nakatingin sa 'kin.

ONE NIGHT WITH MR. UNKNOWN (Z S1: Zachary Montenar)Where stories live. Discover now