Chapter 45

10.5K 344 35
                                    

Chapter 45
"Performance"

"Are they done?"

Pinagalitan kaya ni Papa si Aris?

I impatiently waited inside my room. Wala na akong ibang ginawa kung hindi makinig ng ingay sa labas—as if it's easy gayong makapal ang pader.

"What is taking them so long?"

Papauwiin ba ni Papa si Aris? Gabi na, ah! Pwede namang bukas na.

Nang hindi na nakatiis, lumabas na ako ng kwarto. Napatalon ang balikat ko nang makita si Aris. Agad na kumunot ang noo niya.

"What did they say?" Lumapit ako at halos bumubulong na na parang may iba pang tao ritong makakarinig. "Pinaalis ka ba?"

"I am staying for the night."

Napabuntong hininga ako at gumaan ang pakiramdam. Nauna ko pang hawakan ang knob ng pinto ng kwarto niya at binuksan ito. Papasok na sana ako nang pigilan niya ako. I gave him a questioning look.

He shook his head. "Stay in your room."

Tinitigan ko siya.

"Let's behave, please," tila problemado niyang sabi.

"Oh..." I should be careful from now on. Tumango ako. "Good night then."

"Good night."

Bumagsak ang balikat ko. "I'll go back now."

I was disappointed. Pero tama siya. Before I can open my door, naramdaman ko na ang yakap niya sa likod ko. Natigilan tuloy ako. My eyes blinked habang nanigas na ang mag paa ko.

"Don't give me that sad look," he murmured.

Umiling ako. Mabilis akong humarap sa kanya. "Hindi naman. I get it... At iyon naman ang dapat." I take a deep breath.

"Time will come we won't need to go on separate rooms. I get to sleep next to you... and wake up beside you... on the same room... on the same bed."

Napangiti na ako.

Mataman niya akong tinitigan bago dahan-dahang yumuko para halikan ang noo ko. I smiled even more. I look forward to that.

Pagkagising ko the next day, I received a message from Aris.

Aristotle:

I left early. See you in the office. Take care.

May trabaho nga pala ako. I quickly composed my thoughts. Binasa ko ang schedule at notes para sa mga trabahong ngayon na dapat gawin o tapusin while on my way to the office.

Naging abala kami pareho sa buong linggo at pati sa sumunod no'n. I was busy with LA Quor commercial, meetings, paper works and promotional events. It was challenging pero nakakapagod din pagkatapos ng bawat araw. Aris was mostly out kung nasa opisina naman maraming kaharap na mga papeles o may meeting with the executives.

Sa kabilang banda, I finally dropped my crash course. I don't want to exhaust myself. Kung isasali ko pa iyon sa mga gagawin ko baka hindi na kami magkita ni Aris. We just got back. Alam kong busy siya kaya ako na ang mag-a-adjust sa schedule niya. I want to support him in everything he does. Kawawa rin kasi siya. Pagod na sa trabaho but he will always make sure na mahatid o masundo ako sa bahay.

Nang wala ng tambak na trabaho, nagkaroon na rin ako ng oras para puntahan ang team ko nang hindi nagmamadali. I ordered pizza for them at drinks na rin.

Iniwan nila ang mga ginagawa. Maingay at masaya silang nakapalipot sa mga kahon ng pizza. I stand at the side and watched them enjoy.

"Miss Laviña, nami-miss ka na namin dito!" ani Eggy habang palipat-lipat ang kagat sa hawak na dalawang slice.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Where stories live. Discover now