Chapter 24

8.3K 361 183
                                    

Chapter 24
"Selos"


When we reached home, pinagtulungan na ang mga gamit kong ipasok kaya madali lang natapos. Sa stock room iyong hindi na gagamitin. Sa kwarto naman diniretso ang mga damit, sapatos at iba pang gagamitin ko pa. My books and notes will be placed sa library along with the previous ones. Ako na lang ang maglilipat ng mga damit ko sa closet.

Tinaasan ko ng kilay si Aris nang pumasok pa siya sa kwarto ko.

"I'll leave, pupunta ako sa kompanya. Babalik din ako," aniya.

Bakit pa siya nagpapaalam? "Okay." Nagkibit ako ng balikat.

"I brought a few things for you, nasa kwarto. Go see them and just give them to Laverne ang hindi mo gusto."

"'Kay."

Parang ayaw niya pang umalis. Tumitig siya sa akin habang nilalabas ko ang mga damit sa kahon. Kung hindi pa tumunog ang cellphone niya, hindi pa siya kumilos at umalis.

Nang mapagod sa pag-aayos ng closet, pumasok ako ng kwarto niya. Nilapitan ko ang maleta at binuksan. Dalawang kahon ang nasa loob na alam kong sapatos ang laman. Kung sapatos paano ko ibibigay kay Laverne, e mas malaki pa ang paa no'n sa'kin? He also got exclusive and limited edition perfume na gusto at ginagamit ko. Hindi nga lang ako palaging gumagamit kaya matagal bago ko nauubos. Minsan nga naiimbak lang. He got me a first print of a book I have been searching online dahil wala rito sa Pilipinas.

Sa huli wala rin akong maibibigay sa kapatid ko. Hindi kasya ang sapatos, mapili sa perfume at gamit si Laverne. Akin na lahat 'to. I happily transferred them to my room.

I relaxed on my accent chair pagkatapos bumaba at kumuha ng meryenda. I idled my phone hanggang sa makatanggap ng mensahe kay Slater. I was surprised. Napakunot pa ang noo ko, thinking it could be a wrong send. Pero hindi.

Slater de Vera:
Are you busy?

Slater de Vera:
Can we have coffee, Lav?

I can't decide. Hindi ko rin alam ano ang tamang i-reply sa kanya. I feel weirded out, actually. So I didn't reply.

Nang makapagpahinga na mula sa kung anu anong pinaggagawa kanina, tiningnan ko naman ang mga damit kong pwedeng pang office. Abala pa ako sa pagpapares ng mga coat at inner ko nang tumawag si Yancy. Binaba ko ang hawak na itim at kahel na coat para sagutin ang tawag.

"Laviña, susunduin ka namin para hindi ka na makatanggi. I'm driving, by the way! Just got mah car!" tuloy-tuloy at patili niyang sabi.

"I'm busy."

"Busy my ass. Ngayong Friday, ha. Bring Slater."

"Wait—" hindi ko na siya nakausap dahil patay na ang linya.

Hindi pa nila alam that I turned him down. At tiyak naman kapag alam nila madami na naman silang tanong. They like Slater a lot.

Nakabalik na si Aris. Magkasunod lang sila ni Papa. Nag-uusap pa sila habang nasa pintuan. They both turned to me nang lumapit ako at humalik sa pisngi ni Papa. Aris stared at me. Hindi ko pinansin ang presensya niya. Iniwan ko rin agad sila at tumuloy sa kusina.

During dinner, negosyo ang usapan nilang dalawa. Mukhang galing pa kanina sa company si Aris base sa pagkakaintindi ko.

"You need anything else for your MBA application, Laviña?" ani Papa.

"It's all good, Papa. Waiting for the transcript pa po."

He nodded.

"How about the recommendation, ayos na ba 'yon?"

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt