Chapter 2

10.7K 400 99
                                    

Chapter 2
"Invitation"

"What happened to you?" gulat at may pag-aalalang bungad ni Mama pagkapasok ko ng bahay. She glanced behind me. Nakasunod agad si Aris sa akin. "Aris, what happened to your shirt?"

Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"I was hit by the ball nang naglalaro kami sa PE kanina, Ma," I said and looked at Ludrig na nasa matt niya, naglalaro.

Nakatitig si Mama sa blood stain sa balikat ni Aris.

"My nose bled. I stained his shirt. Dinala niya ako sa clinic," sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi. "Magpapalit na po ako ng damit."

Umakyat na ako ng hagdan. Bago umapak sa huling hakbang dumungaw ako. Magkausap si Mama at Aris. I can't hear them clearly. Mukhang tungkol sa nangyari kanina ang pinag-uusapan nila. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

I went inside my room. Naghanap ako ng salamin. I checked myself and I realized what a mess I am. Tabingi na ang ponytail ko at maraming tikwas na buhok. Halata rin ang natuyo pawis sa mukha ko. My white shirt is dirty. Hindi na pumasok sa isip ko ang pag-aayos kahit kaunti man lang. After all, I was a bit shocked sa nangyari.

I freshened up in the bathroom. Pagkatapos nu'n, nagbihis na ako ng komportableng shirt at taslan shorts. I combed my hair while staring at my reflection in the mirror, specifically the small band aid on my nose.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Binaba ko ang suklay sa vanity mirror, siya namang pagkatok sa pinto ko. Bumukas ito bago paman ako makapag-bigay ng permiso.

"How are you feeling? Masakit pa rin ba ang ilong mo?"

I rolled my eyes at Aris. What's with the concern?

"Mabuti siguro kung hindi ka muna pumasok bukas," seryoso siya sa sinasabi niya. I can tell by the creased on his forehead habang matamang nakatingin sa akin.

"Dito ka matutulog?" tanong ko sa halip na sagutin siya.

"Laviña," mariin niyang tawag.

"Aris, you're overacting," muli akong umirap at tinalikuran siya.

"Ako ang nakakita nang tamaan ka ng bola,"

"Ako ang tinamaan," I retorted in my most sarcastic tone. I picked up my phone and lazily scrolled. Wala namang mensahe. I don't expect one, too.

Nang hindi na siya kumibo, napatingin ako sa kanya. He is staring at me with his deep and dark eyes. I can't even guess what's running inside his head. I never did anyway. He always have this mysterious demeanor. It would take an indestructible hammer to get pass his walls. I grow up with him, pero hindi ko masasabing kilala ko na siya ng lubos. There's always a part of him na hindi-hinding ko yata maaabot.

I hate the way he looks at me. It makes me uneasy. Pakiramdam ko may kakayahan siyang alamin ang tumatakbo sa isip ko. I am defenseless while he is packed with armor. He will always be ahead of me and it frustrates me because it's so unfair.

"What?" Nagtaas ako ng kilay. Aminin ko man sa sarili ko ang pagiging inferior sa kanya, hindi ko parin hahayaang paniwalaan niyang nakakalamang nga siya sa akin.

"Nothing," nag-iwas siya ng tingin. "I'll go home now."

"Hindi ka rito matutulog?"

"Do you want me to?"

Nagkibit ako ng balikat. Bakit nasa akin ang pasya?

"Leave my room now, Aris," sabi ko at ibinagsak ang likod sa kama.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant