Chapter 23

7.7K 320 151
                                    

Chapter 23
"Label"

"Stop crying," malumanay niyang sabi. "Pinagbigyan na kita, 'di ba?"

Hindi ko alam bakit niya nasabing umiiyak ako, not that I am not, madilim. Hindi niya naman nakikita ang mukha ko. Baka rin dahil sa mahinang hikbi at pagkabasag ng boses ko. I calmed down after crying like a kid who bruised her knees at the play ground.

Inalis ko sa pagkakahawak niya ang palapusuhan ko. I wiped my damp cheeks with the back of my hand.

"Let me go," sabi ko nang ayaw niya akong bitawan.

"What are you doing here, sneaking in my room ng madaling araw? Hmm?" Nahihimigan ko ang amusement sa tono niya.

Hindi ako nakasagot. Nahihirapan din akong hagilapin ang katinuan ko. Siguro dahil kulang sa tulog at hindi nga maayos ang pakiramdam kahapon.

"Bitawan mo ako. I need to prepare for breakfast." Sinikap kong maging buo ang boses ko.

"Alas tres pa lang. Lechon ba ang lulutuin mo?" He chuckled.

"What?" Alas sinco na pagtingin ko sa orasan kanina! My eyes quickly searched for his digital clock. Napakurapkurap ako nang alas tres pa nga. Baka naman ang orasan niya ang sira?

"Nasira na 'ata mga mata mo kakaaral."

Pumalag ako para masaktan siya. But he was holding me in place. Kaya wala rin. Hinigpitan niya lang ang hawak sa'kin. Mas lalo niya pa akong kinulong sa kanya.

"Then I will go back to my room now. Matutulog na lang ulit ako."

Ramdam ko ang pag-iling niya dahil sa lapit at pagkakadikit namin.

"Ano ba," mahina kong sabi.

"You sleep here," aniya. Kinabig niya na ako pahiga. Sobrang bilis. Sabay kaming natumba sa kama niya.

"Aris!"

"My head hurts," he murmured.

Natigilan ako sa pagpiglas. He reached for the sheets and covered half of our body. Nanatili siyang malapit sa akin. I can even feel his breathing.

"Kailan ka dumating?"

"Kaninang 1:00."

I bit my lip. Kinakalma ko ang sarili. Marahas pa rin ang tahip ng dibdib ko. May balak na 'atang kumawala. Titig na titig ako sa kanya kahit hindi ko makita ang itsura niya dahil sa sobrang dilim. I can just feel his hot breath and stare.

"Bakit ka umuwi?" I asked after a while of silence. Alam kong hindi pa siya tulog. "Bakit ka pa umuwi kung ilang taon ka rin namang hindi bumalik dito?"

"I have things to take care of."

"Inutos mo na lang sana." I mocked. Iniwan mo pa iyong Indiana mong madungis. Baka sumunod pa 'yon dito!

"No. Hindi pwede."

"Kailan ka ulit aalis?"

"Mm..."

"Leave as soon as you finish your business." Baka hindi makapaghintay si Agastya, sunduin ka pa! Hinding-hindi ako papayag na tumapak iyon sa bahay.

"Let me rest, Laviña," sabi niya, ignoring what I said.

Nanahimik ako saglit hanggang sa may naalala na naman. "Ano iyong binigay mong susi?" It's obviously a car key, pero bakit iba na? Nasaan iyong una? Binenta niya kaya?

He sighed. Malakas ang pakiramdam ko na nagmulat ulit siya ng mga mata.

"Upgrade car na hinihingi mo."

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Where stories live. Discover now