Chapter 20

7.9K 302 113
                                    

Chapter 20
"Day"


Umuwi nga ako sa amin kinabukasan, linggo. Maaga akong umalis ng condo at nag-taxi lang gaya ng nakagawian. Hindi na ako nagpapasundo unless nagmamadali o kung ano. I still don't know how to drive. I also lost the interest and the motivation. Hindi na lang dahil ayaw akong payagan ni Papa. Sa tingin ko naman kung kakausapin ko ulit siya tungkol do'n, papayag na siya.

Slater de Vera:
Nakarating ka na?

Laviña Clarene Ricaforte:
Malapit na.

Lumiko ang taxi, nagtuloy-tuloy hanggang sa huminto na sa tapat ng bahay namin. Kumuha ako ng pera at binigay ang bayad ko. Hindi ko na tinanggap ang sukli.

"Thank you po," I said to the driver. Binuksan ko ang pinto at bumaba na.

My phone vibrated para sa bagong mensahe ni Slater. Binasa ko. I stopped para na rin ayusin ang sleeve ng pullovers ko.

Slater de Vera:
I should really teach you how to drive. Mas safe and convenient.

Instead of typing my reply, I slid my phone in my pocket. I don't know what to say. I don't want to say yes or no. At ayoko magpaliwanag kung sakali. Magri-reply na lang ako mamaya.

Pinagbuksan ako ng guard at binati. I nodded and let myself in. Dalawang buwan akong hindi nakauwi rito, although, nagkikita naman kami ng pamilya ko sa labas. I just don't want to come here sometimes. It feels weird, actually. Most of the time na nandidito ako, sa halip na makapagpahinga, my thoughts would never let me be at peace. It's not that I don't want to be with my family, sadyang maraming bumabagabag sa'kin, may hinahanap, maraming iniisip.

Pagpasok ko ng main door, siya namang paglabas ni Lavigne, nagmamadali. Napakunot ang noo kong nilingon siya at pinanuod na tumatakbo papuntang gate. Pagbalik niya may hawak ng kahon.

"Oh, hi, Ate," nakangisi niyang sabi nang makabalik. "Andito ka na pala."

I looked down and scanned the box she was holding. "What's that?"

"Gift ni Kuya Aris sa'kin," proud pa niyang sabi.

Mas lalong napakunot ang noo ko. Last week lang ang birthday niya. I remember may regalo rin siya last year, actually taon-taon. Napaismid ako. Parang noon ako ang may regalo sa kanya on whatever occasion palagi, tapos ngayon, nah—hindi na yata nakakaalala. He has enjoyed his western life so much. Suits him well.

Mamayang gabi pa kami magsisimba kaya makakapagpahinga pa ako, iyon kung magagawa ko nga. I would always end up finding something to keep me busy.

"Good morning, Miss Laviña," the househelps greeted nang makasalubong ako.

"Kumain na po ba kayo?"

"Tapos na po."

I looked for my parents and let them know na nandito na ako. Nasa kwarto sila at naabutang tumitingin sa old photo albums.

Mama smiled at me nang masulyapan ako. Si Papa naman ay tumayo at sinalubong ako ng yakap at halik sa ulo.

"Glad you're home, Laviña," ani Papa.

"Medyo maluwag ang schedule ngayon po." Bumaling ako kay Mama. I kissed her cheek. "What's with the reminiscent?"

"Well, we just can't help but look back noong maliliit pa kayo. Look at you now, so grown up. Magtatapos na ng college."

I smiled at her.

"Laviña, when are you going to introduce that Slater to us?" Humalukipkip si Papa.

Umirap naman si Mama sa kanya. She closes the photo albums.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Where stories live. Discover now