Chapter 49

2.3K 58 1
                                    

Kiro's Point of View:

Ilang buwan na lang ay second year na ako at nakakatuwa na malaman na nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko ngayong college syempre, kasama si Athena. Masaya akong kasama s'ya habang tinutupad ko ang mga pangarap ko at maging ang gusto kong trabaho sa hinaharap. Tuwing magkasama kami ay parang may kakaiba talaga, hindi ko ma-ipaliwanag kung ano 'yun ngunit may napapansin talaga ako. Kung minsan pa ay nawawala s'ya sa tabi ko at minsan ko na ring nakitang may dugo ang sa bedsheet o kaya naman sa bathtub. 

"Rousseau contested the widespread notion that God (or Satan) directly influenced people's actions. Instead, they thought that God equipped people with the capability to exercise free will and the capacity to make rational decisions about their actions. On this broad stage, academics like Cesare Beccaria made their case for legal reform. These criminal justice reformers did this while also outlining a rational explanation for criminal activity."

She's discussing all about the school off crimes. Since malapit na ang exams ay kailangan naming maghanda at mayroon pang board exam. Kailangan kong maging isang ganap na sundalo para wala ng magawa sila daddy sa gusto ko. Gusto nila na maging isa akong doctor ngunit sa tuwing titignan ko ang mga ginagawa nila ate ay hindi na ako mapakali. Maraming kailangan na tapusin at kabisaduhin at higit sa lahat kailangan mo ng lakas ng loob at matibay na bituka. 

"To grasp the significance of the legal reforms that Beccaria pushed for, it is necessary to first comprehend the situation of the legal system at the time that he wrote. The laws were ambiguous, and judges frequently construed them to serve their own agendas. The legal rights of those accused of crimes were limited. The authorities frequently utilized torture to extract confessions and neither gave legal aid nor allowed contact to family or friends." 

Tinandaan ko ang mga dapat tandaan dahil sabi ng prof namin ay maaari na lumabas sa exam at aniya, kailangan daw namin na mag-aral at kung hindi, maaari na bumagsak kami sa exam. Huminga ako ng malalim at agad na napanguso, break time na ngayon ng mga senior high at kung tutuusin ay 30 minutes lang ang break time namin. Minsan na lang kung magkita kami ni Athena at may mga pagkakataon talaga na hindi na kami nagkikita. 

"Ang dami ng pinagbago 'no? Hindi pa rin maiiwasan na matakot kasi nga marami pa ring hidden agenda na nagaganap at pinagsabihan na rin tayo na mag-ingat," mahinang sambit ni Jordan. 

"Kaya nga, nakakatawa na ang daming nangyayari sa school. Ang dami ngang kumakalat na may isang kaso na ginagawa sila Athena tungkol sa mga kumakalat na bangkay sa school natin," sagot naman ni Matthias. 

Totoo 'yun dahil marami na talagang nagbago at mas pinag ingat rin kami na 'wag aalis ng mag-isa. Pinagsabihan rin kami na kung maaari ay samahan namin ang mga babae naming kaklase sa paglabas ng school dahil mostly, mga babae ang biktima ng mga hindi kilalang mamamatay tao. Ang girlfriend kong si Athena ay nagbabantay sa mga estudyante at kung minsan pa ay excuse s'ya sa klase niya. 

"Right, class. Days are allotted for you to prepare your presentation on legislation and how you'll deal with a criminal if you catch him," sambit ng teacher namin. 

"Yes, miss!" sabay-sabay na sagot naming lahat. 

Tumango s'ya. "Since wala naman kayong gagawin sa araw na 'to at mamaya pa ang third class, maaari na kayong kumain para may energy mamaya. Nasa meeting pa ang ibang prof kaya naman may mga prof na mal-late." 

Tuwang tuwa kami at agad kong niligpit ang mga gamit ko. May 15 minutes pa ang senior high kaya naman makikita ko si Athena, ngumisi ako at agad na napahinto nang makita si Laurel. Nung isang araw ay nakita ko silang dalawa ni Athena, hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila ngunit halata naman na kalmado lang. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWo Geschichten leben. Entdecke jetzt