Chapter 12

4.3K 128 14
                                    

Kiro’s Point Of View:

I wiped my lips after kissing Jasmine. Inayos niya ang damit niya at agad naman akong lumayo sa kanya nang makita ko si Athena sa malayo. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Para akong nahihiya na hindi ko maintindihan, para akong mamatay sa kaba na nararamdaman, at para akong mamatay sa takot na baka makita niya akong kasama ang ibang babae. Hindi ko alam kung bakit ganito, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay iba ang nararamdaman ko. 

“Oh, sorry.” Nakita kong iniwas niya ang paningin niya at agad na pumunta sa locker niya dahil katabi ng locker ko ang locker niya. 

“Oh, the squatter,” ani ni Jasmine habang inaayos ang kanyang buhok. “You’re Athena, right? Bago ka lang dito tama ako?”

Tinignan naman s’ya ni Athena at tinignan ako kaya nagtaas ako ng kilay. Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ‘to? Napasinghap ako ng ngumisi s’ya at kinuha ang gamit niya. 

“Gusto mo ba ng bio data? Mukhang interesado ka rin sa buhay ko,” aniya sa maangas na boses. “Kailangan ko bang mag-print ng bio data?”

Gusto kong matawa kaya kinagat ko ang labi ko at mabilis na naglakad at hinila ang braso ni Athena. Lumayo agad s’ya kaya napangiwi ako at mabilis kaming pumunta sa gymnasium dahil kukunin ko rin ang aking uniform na gagamitin namin sa training, lalo na’t bukas ang simula. 

“Oh, bakit magkasama kayo?” tanong ni Joy at tinignan ako. “Hoy! Ano na naman ginawa mo kay Athena?”

“I didn’t do anything to her,” ani ko at tinignan s’ya nang masama. “I’ll go ahead. It’s suffocating here.”

Hindi ko na pinansin pa ang mga tingin sa akin nina Jordan. Wala naman kaming ginawa kundi ang makinig sa sinasabi ng coach namin at wala rin naman akong ginawa kundi ang tingnan si Athena, kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nakukuha niya pa rin ang atensyon ko. Lalo na nang malaman ko na Buenaventura pala s’ya, pakiramdam ko ay mas mataas s’ya sa akin at pakiramdam ko ay mababa ako. Ngayon ko lang nalaman ang totoo, hindi nga lang lahat ngunit sapat na ang sinabi niya. 

“Ilagay mo ang kamay mo sa tiyan niya at ikaw naman Athena, ilagay mo ang kamay mo sa leeg niya!”

Napalunok ako nang hawakan ko ang baywang ni Athena. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin habang nasa harapan ko si Athena, tinignan niya ako at dahan dahan niyang nilagay ang kanyang kamay sa aking leeg. I’m having a goosebumps while feeling her soft hands on my neck, we swayed our body into a slow motion like what our coach said. 

“Oh My God!” I held Athena's stomach and looked into her eyes in the mirror. She quickly walked away and we did what our coach taught, she ran towards me and I lifted her up while her legs were around my waist. 

My heart was pounding when the dance was over. I was holding his jaw and I was about to kiss her lips, she looked at me and we quickly walked away when we heard our coach. Jordan looked at me while smiling, I shook my head and quickly sat down next to him.

“Grabe! Hindi ako nagkamali na kayong dalawa ang mag-partner, bagay na bagay kayong dalawa.” Ngumisi ang coach namin at tinignan ako. “Ang title ng kanta ay ‘Love Me Like You Do’ at sa part na ‘yun ay sina Athena at Kiro ang nasa stage, after that the ‘Versace on the floor’ na at si Kiro ang solo sa stage.”

Kinabukasan naman ay naging abala ako sa training namin dahil ang call time namin ay 6:00 am ng umaga. Mabilis akong sumakay sa kotse ko dahil 5 minutes na lang ay late na ako at ayokong magkaroon ng punishment kay coach. Natigilan lamang ako nang may nakita akong kakaiba sa gate, may mga taong nakatingin sa school na para bang may hinahanap sila o pinag-aaralan sa bawat kanto ng building. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now