Chapter 3

6.3K 210 2
                                    

Athena’s Point Of View:

Mabilis kaming pumunta sa classroom at agad kong nakita ang magiging teacher namin. Lahat ng estudyante ay sa ‘min ang tingin at swear, ayoko talaga na tinitignan ako at ayoko sa lahat na para bang iba ako sa kanila. Huminga ako nang malalim nang marinig ang heels ng aming teacher. Nagtaas ito ng kilay at agad naman akong tumingin sa kanya. 

“Transferee?” Tumango kami ngunit nagtagal ang tingin niya sa akin. “Can you please remove your mask? It’s not appropriate to wear a mask here in our school and I hope you read all the rules here.”

We looked at each other. Kinagat ko ang labi ko dahil mukhang kailangan ko na itong tanggalin. They looked at me with their worried eyes kaya tumango lamang ako dahil dito lang naman sa classroom at sa tingin ko, hindi naman nila ako makikilala. Slowly, I removed my mask and they all gasped na para bang ngayon lang nila ako nakita. 

“You’re familiar,” ani ng aming teacher kaya napalunok ako. “Anyways, kindly introduce yourself so we can know you all better.”

Pumasok kami at nakita kong sa akin ang tingin nila kaya nilagay ko ang aking mga kamay sa aking bulsa. They introduced themselves at tumango naman ako dahil halos magwala ang mga babae dito dahil sa tatlong lalaki na kasama ko kaya pasimple akong umiling. 

“Athena Louise Dizon,” kalmadong sambit ko at tinignan sila isa-isa. 

Mabilis kaming pumunta sa upuan at agad kong katabi si Joy. Nagulat na lang rin ako dahil nandito s’ya dahil ilang buwan ko rin s’yang hindi nakita at totoo na na-miss ko s’ya. Hindi rin naman nagtagal ay agad nagsimula ang morning class kaya naman agad akong naging abala sa pagsusulat at sa paggawa ng kung ano man. 

“So now, for the transferee, you need to do the task before the deadline and I want all of you to become more productive and to become more devoted to your studies,” aniya sa mahinahon na boses. “You are all in senior high school and I expect that all of you know the rules and regulations here in our classroom.”

I write what she's saying in front of us. Gusto ko talaga na mag-aral dahil kapag nagkita kami ng Chairman ay alam niya na nag-aaral ako at ginagawa ang mga gusto niya. I always gave him disappointments kaya naman I always give my best whenever he’s near or whenever he’s by my side.

“Kindly write what’s written on the board. You need to do that perfectly and if you don’t, don’t expect your grades will be high as what you wanted. Tandaan ninyo na estudyante kayo at responsibility ninyo ang gumawa ng activities.” Tumango kaming lahat at agad na nakinig sa lahat ng mga sinasabi niya. 

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung kailan ako maging malaya sa lahat, ‘yung hindi ko na kailangan pang magtago dahil lang isa akong Buenaventura. Iniisip ko kung hinahanap ba nila ako o baka naman hindi dahil hindi naman ako naging parte ng pamilya nila. Minsan kahit anong pilit mo sa sarili mo na makisama sa isang pamilya o kaibigan, kung hindi ka naman nila ka-dugo, talagang hindi mo nararamdaman ang pag-aalala nila sa ‘yo. 

Natutunan ko na kailangan ko ring mabuhay nang mag-isa. Kailangan ko rin na maging independent dahil ang sarili ko lamang ang kakampi ko. Sarili ko lamang ang maasahan ko dahil walang nandiyan para sa ’kin. Ayokong isipin na mag-isa ako dahil hangga’t nandito sila Rina, buo ako at pakiramdam ko ay tao ako. 

“Athena.” Napakurap ako nang marinig ang boses ni Joy. “Okay ka lang ba? Hindi ka na nagsusulat. Dahil ba ito doon kina Kiro kanina sa canteen?”

Kumunot ang noo ko. Kiro pala ang pangalan ng lalaking ‘yun, una ko pa lang nakita ang lalaking ‘yun ay ramdam ko ang galit at inis niya sa akin. I can read people’s mind using their eyes kaya naman mabilis kong nalalaman ang ibang bagay dahil doon kaya agad kong nabasa ang sinasabi ng mga mata ng lalaking ‘yun. 

“I don’t even know him.” Huminga s’ya nang malalim. “Isa pa wala na rin naman akong pakialam dahil alam mo kung bakit ako nandito.”

“Ilang taon kang nawala,” aniya sa mahinang boses. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa ‘yo matapos nung gabi na ‘yun at masyado mo akong binigyan ng isipin.”

I apologetically smiled at her at napailing naman s’ya. After our class ay agad kaming pumunta sa locker room dahil ani ni Joy, ayaw niya raw na dalhin ang gamit niya kapag kumakain. Marami ang estudyante dito at hindi ko alam bakit sila nakatingin sa akin kaya tinignan ko si Joy at kumunot naman ang noo niya. 

“Maayos ba ang eye liner ko?” I asked. “Hindi ko alam bakit sila nakatingin.”

Tinignan niya ang mga estudyante at tumawa. “Maybe they’re insecure. Ang ganda mo kaya lalo na kapag wala kang mask.”

Napailing ako at agad na sumama sa kanya papunta sa canteen. Malaki ang school na ito at balak ko rin na dito maging isang dancer at volleyball player since ‘yun naman ang gusto kong gawin. Gusto ko rin sana na kahit paano ay mabawasan ang tuition ko dahil kailangan kong mag-save ng money para sa health center na gagawin ko at sa mga future business. 

“Kiro! OMG he’s so hot!”

“God! Austin!”

“The Dragons are here!”

Kumunot ang noo ko dahil sa malakas na sigaw ng mga babae. Napatingin naman ako sa unahan nang makita ang lalaki kanina, nakasimangot ang kanyang mukha at s’ya rin ang center of attraction dahil sa cross piercing nito sa kanan na tainga at ang kanyang lip ring. 

“Sila ang Dragons.” Napatingin kami kay Joy. “Gangster sila dito at binubuo sila ng isang malaking group. Si Kiro, ang nasa gitna ang tinatawag nilang ‘Red Dragon’ dahil magaling ito sa combat at sa mga baril. Si Austin naman ay kilala bilang hacker at tracker ng group dahil magaling ito sa computer at ang dalawa naman na sina Charlie...at Jordan ay magaling naman sa hand to hand combat at sa mga babae.”

Tumango kaming apat dahil mukha nga na gangster sila. Our eyes met at nakita kong natigilan s’ya at tinignan ako ng ilang minuto. We keep on staring at each other when someone throws bottled water on my side at muntik na akong matamaan! Napasinghap ako nang makita ang isang shake sa aking damit na hindi ko man lang napansin. 

“Shit!” Si Sky sa malakas na boses. “What’s wrong with you?”

Tinignan ko ang may gawa nun at tatlong babae ang nasa harapan ko. Huminga ako nang malalim, ganito siguro ang pa-welcome nila sa mga estudyante. Tinignan ko ang group nina Kiro at s’ya ang may malaki na ngisi doon kaya lalo lamang kumunot ang noo ko. 

“Welcome to our school, woman.” She chuckled. “Anyways, since nandito ka sa school namin you should be very careful about your moves, look, and words dahil baka ilang araw pa lang ay wala ka na sa school namin.”

“Are you done talking?” mariin na tanong ko at napawi ang ngisi niya. “Then if you’re done, can I go now?”

Parang may anghel na dumaan sa aming lahat. Tila napapahiya s’yang napatingin sa akin kaya huminga ako nang malalim at dahan-dahan na inalis ang aking coat at tanging crochet top na lamang ang natira sa aking katawan. Ayoko sa lahat ay nasisira ang aking eye liner. 

“How dare you?” galit at mariin na bulong niya. “Watch your words lady! Bago ka lamang dito ngunit kung makapagsalita ka ay para bang kaya mo kaming pasunurin gamit ‘yang mga salita mo.”

Tinignan ko sina Sky na nasa malayo, umiling sila sa akin kaya huminga ako nang malalim. Ito ang una, kapag umabot pa ito sa pangalawa ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga ito. Tinignan ko si Kiro at agad kong kinuha ang shake na nasa malapit sa akin at mabilis na hinagis sa table nila, gulat silang napatingin sa akin lalo na s’ya dahil agad s’yang napatayo. 

Mabilis akong pumunta sa kanya at agad na hinawakan ang kwelyo niya. Gulat s’yang napatingin sa akin ngunit diretso ang tingin ko sa mga mata niya. Halos hindi s’ya makatingin sa mga mata ko dahil guilty s’ya ngunit gusto kong matawa dahil ang tapang ng mukha niya. 

“Hindi ko na kailangan pang magtanong kung sino ang may gawa.” Ngumiti ako at nabasa ko ang kaba sa kanyang mukha. “You...better watch your moves dahil baka sa pagtalikod mo, kamao ko na ang sasalubong sa mukha mo.”

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon