Chapter 22

3.7K 118 21
                                    

Kiro’s Point Of View:

The whole time I’m watching Athena’s training. Hindi ko alam na ganito pala s’ya pagdating sa sports. Magaling, mabilis, at higit sa lahat ay laging seryoso na akala mo ay nasa isang malaking tournament, kaya minsan nakangisi ako habang nanonood. I sighed nang maalala na napansin niya ang buhok ko at ang labi ko. I removed my lip ring the moment she said that she’s not comfortable and I removed my blonde hair and made it black. 

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na ‘yun. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako sumunod sa sinabi niya dahil hindi ako ganito. I sighed, hindi na ata maganda ang nararamdaman ko dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay masakit ang ulo ko. May kung ano sa katawan ko ang nagsasabi na ingatan at mahalin si Athena. Weird. 

“Kiro, tawag ka ng principal.” Napatingin ako kay Kate at kumunot ang noo ko. “Tinawag niya ako kanina at ang sabi niya ay hintayin ka raw niya sa office.”

I nodded my head when I realized what he’s saying. Kahapon ay kinausap ko si lolo about sa case ni Athena at ang sabi niya ay kailangan naming mag-usap. Mabilis akong tumingin kay Athena na abala pa sa kanyang ginagawa, kinuha ko ang isang bottled water at mabilis na nilagay sa loob ng duffel bag niya. I smirked at agad na naglakad papunta sa office ni lolo. 

“Tinawag mo raw ako, lolo?” tanong ko nang makapasok ako. 

“I want us to talk.” Nakita kong seryoso ang kanyang mukha kaya tumango ako at kinuha ang mga evidences simula sa parking lot. 

Pinakita ko sa kanya ang nakita kong evidence simula sa nangyari kay Joy, tumango naman s’ya at nagsimula naman naming pinanood ang video. Nakita namin si Athena na nasa parking lot at nakita namin na sinuntok ang mukha ni Athena at ang sumunod naman ay ang nangyari sa locker kung saan na-corner si Athena kasama sina Joseph hanggang sa canteen. 

“Zoom it, lolo.” Tinignan ka nang mabuti at nagtagis ang panga ko nang makitang pamilyar ang suot. Isa ito sa mga member ng isang malaking fraternity, ang mga taong gumawa kay Athena simula sa parking lot ay ang mga taong minsan ng kalaban ng Dragon. 

“Kilala mo ba sila?” tanong ni lolo kaya tumango agad ako at pinakita naman sa akin ni lolo ang nangyari kay Joy kung saan nasa locker room s’ya, nanliit ang mga mata ko nang makita ang tatlong babae. “I’m curious why you are doing these things. Are you up to something?”

Natigilan ako at napatingin sa kanya na nakatingin sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito. Parang may kung ano sa katawan at isip ko ang nagsasabi na gawin ko ‘to dahil kailangan kong protektahan si Athena sa lahat, na kailangan kong alagaan si Athena dahil marami na s’yang pinagdaanan. 

“I’m doing these things because...” I sighed and my heartbeat became fast. “...I want to at least do things that she will like. I mean...uh, gusto kong bumawi sa lahat ng ginawa ko because after all ako ang naging sanhi ng lahat.”

“Really?” Bakas ang ngiti sa kanyang labi ngunit seryoso ang mga mata niya. “Do you like the heir of Buenaventura?”

I stopped and looked at him. Seryoso ang mga mata niya at halatang gusto niyang malaman ang lahat. Huminga ako nang malalim at umiling bago nag-iwas ng tingin sa kanya. 

“Good. Our chairman won’t like it kapag nalaman niya na may gusto ka kay Athena, ang gold ng Buenaventura.” Ngumisi s’ya na para bang may gusto s’yang gawin ko kaya nagtaas ako ng kilay. “Son, you better listen to your heart we don’t know what will happened next.”

Pagkatapos naming mag-usap ni lolo ay agad akong pumunta sa gym at nakita si Athena na nakasuot na ng uniform. Mabilis rin kasi ang training namin dahil mamayang quarter 5 ay nasa dance studio naman kami para sa practice. Lumapit ako sa kanya at agad na binigay ang isang picture nung lalaki na sumuntok sa kanya sa parking lot. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now