Chapter 32

3.4K 91 5
                                    

Athena's Point Of View:

Napatingin ako kay Kiro na masarap ang tulog habang nasa ibabaw ko. Nawalan s'ya ng malay kagabi at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Ang alam ko lang ay may luha sa mga mata niya. Huminga ako nang malalim dahil ngayon ang awarding namin sa school at sana walang mangyaring masama sa aming lahat. 

"Athena..." bulong ni Kiro sa aking tainga, ang sarap at kalmado sa aking pandinig.

"Good morning," mahinang sambit ko at umalis na naman s'ya sa ibabaw ko ngunit nanatili ang braso niya sa aking baywang na para bang mawawala ako kaya napangiti ako. 

This is our third day of dating and I don't know how to feel. May parte sa akin na gusto ko ang ganitong pakiramdam ngunit natatakot ako na baka hindi niya ako matanggap kapag nalaman niya ang tungkol sa akin. Ganito siguro ang pagmamahal na tinatawag ng ilan, ito 'yung pakiramdam na masarap ngunit masakit. 

"We'll be late kaya tara na," ani ko at inayos ang buhok ko. "Bakit ka nga pala nawalan ng malay kagabi?'

Kumunot ang noo niya. "I don't know. Ganon ako minsan at kung minsan naman ay binabanggit ko ang pangalan na Kyle."

"What?" Natigilan ako at napatitig sa kanya dahil sa kaba na nararamdaman ko. 

Tinignan niya lang ako habang ako ay hindi alam ang gagawin dahil sa kaba na nararamdaman ko. Mali siguro ang narinig ko pero bakit ganito ako kung kabahan? Magsasalita sana ako ngunit naunahan niya na naman ako. 

"I realize it's strange, but I can't help it. When I see you, my head sometimes hurts, and if we are that close, my memories become foggy," aniya sa seryosong boses. 

"You are not joking right?" natatawang tanong ko at ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata. 

"I am not," aniya sa malamig na boses. "Can you please leave?"

Mas lalo akong napasinghap at tinignan s'ya na nakatingin sa malayo. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at ako na mismo ang umalis, naguguluhan ako at nagtataka. Tinignan ko s'ya na tumayo at pumunta sa banyo, napalunok ako at agad na tumakbo papunta sa elevator at sa hindi malamang dahilan, nasasaktan ako. 

Palagi kong iniisip na hindi sila pareho dahil gusto kong mas makilala pa si Kiro at gusto kong maging fair. Ayokong isipin na pareho sila dahil alam ko sa sarili ko na  hindi maganda ang result ng lahat ng ito. 

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Joy. 

Nandito na agad ako sa school at hindi ko alam kung bakit wala akong gana, hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong kausapin si Joy. Tumango na lamang ako at hindi nagtagal ay nakita ko sa hindi kalayuan si Kiro. Napatingin kami sa isa't isa at 'yun na naman ang kakaibang pakiramdam na s'ya lang ang nakakagawa sa 'kin. 

"Himala at hindi kayo magkasamang dalawa? Dati ay halos hindi na namin kayo mapaghiwalay at mga walang hiya sa harapan ko pa naghahalikan!" si Joy sa madaldal na boses. 

"Dapat pala bumili ako ng tape para naman manahimik ka," pabiro kong sambit kaya naman masama niya akong tinignan. 

"Ano ba kasing nangyari? Nalaman niya na ba na assassin ka?" nakangising tanong niya. "At ikaw ang nag-iisang lady empire ng inyong weirdong palasyo?"

Natawa ako at napailing na lamang. Maya maya ay dumating na ang mga bisita at mga players sa aming school, hindi mawawala ang mga Buenaventura sa kanilang maroon na casual suit. Tinignan ko si Kiro at hindi ako mapakali na hindi niya ako kinakausap. Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Ito na ba 'yung sinasabi nila na in love?

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon