Chapter 14

4.1K 116 27
                                    

Kiro's Point Of View:

Sa lahat ng pamilya na nakilala ko, ang mga Buenaventura lang ang weird. Hindi ko alam kung bakit ganun sila dahil hindi mo talaga sila makikita sa lahat ng social media depende na lang kung may event, hindi mo rin sila makikita na may pictures na nakalagay sa kung saan-saan dahil pribado ang pamilya nila. Ngayon na nasa harapan nila ako at hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil sa nalaman ko ngayon lang. 

Ate Kylee hates Athena. 'Yun ang sabi niya sa akin nung oras na nalaman niya na nasa school si Athena, kaya naman pala ganun na lamang ang galit niya kapag sinasabi ni Jonas ang tungkol sa ex-girlfriend niya. Hindi ko alam kung bakit galit ang nararamdaman ko ngayon, wala akong maintindihan at kusa kong nararamdaman ang galit. 

"Mom, stop that!" si Alfred sa mariin na boses at nasa gitna nila si Athena na kunot ang noo habang nakatingin sa plato. 

"What? I'm just telling the truth here since Mrs.Sandoval asked me about her," sagot ng kanyang mommy. 

Tinignan ko si Ate Kylee na mariin ang tingin sa kanyang plato, huminga ako nang malalim at tinignan si Athena na ngayon ay nakatingin na sa akin. Gulat naman akong napatingin sa kanya ngunit nanatili pa rin ang tingin niya. Iniwas niya agad ang kanyang paningin dahil nag-iba agad ang topic dahil kay emperor. 

"We're glad that you found her. We saw the hardship you've been through to find your lost heir," ani ni daddy. "Actually, I met her once because she wants to build her own building where she can help poor people and senior citizens to have their own home which she called her own building a safe haven."

"At saan niya kinuha ang pera?" nakangising tanong ni Mrs. Buenaventura. "From illegal transaction?"

Natigilan ako at tinignan si Athena. Why can't you speak? Hindi ko alam pero gusto ko s'yang hilain at sabihin na she must protect herself too. Iritado kong hinawakan ang leeg ko at tinignan s'ya na kalmado at wala na namang emosyon ang kanyang mukha. 

"Hindi ko naman alam na pati ikaw ay interesado sa buhay ko," ani ni Athena kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Ganyan ba ang walang pakialam? Halos lahat ata ng ginagawa ko ay alam mo, Victoria."

Tumawa si Mrs. Buenaventura. "Probably I talked to some students at your school and they said that you are the center of attraction because of your arrogant attitude. You even managed to hurt your fellow students because of your temper. You never learned, so you are a repeater, right? You're in college now but you chose to be arrogant."

Doon ako literal na natigilan. Ibig sabihin mas matanda pa s'ya sa 'kin at Grade 11 pa lang s'ya samantalang Grade 12 naman ako ngayong year. Ang dami ko na namang nalaman tungkol sa kanya at sa totoo lang ay para s'yang maraming sikreto na hindi dapat malaman. Mabuti na lamang at nagiba ang topic at napunta lahat sa business kaya naman na tahimik na lang ako at hindi na sumagot. 

Sinabi rin ni daddy ang resort at ilang hotels namin sa ibang bansa. Sa iba't ibang bansa ay may resort kami at ang ilang beach ay kami ang may-ari, si kuya na nasa ibang bansa ang nag-m-manage ng hotel namin since nandoon s'ya kasama ang isa sa mga Villacorta. Ako naman ay ang susunod sa ginagawa ni kuya, kapag natapos ko ang college under business ad ay gagawin ko rin ang ginagawa ni kuya. 

"We're glad that we meet your heir. Thank you for the lunch, Emperor." 

Sabay-sabay kaming naglalakad papunta sa aming kotse. Nakita ko sa hindi kalayuan si Athena na nakasakay sa kanyang motor kaya kumunot ang noo ko, parehas kasi ng kanyang motor ang lagi kong nakikita sa motor arena. Pinilig ko na lamang ang ulo ko at tiningnan ang text ni Jordan. 

From: Jordan Pogi

Hintayin ka namin dito sa bar. See you. 

Napailing na lamang ako dahil ilang oras na lang rin ay gabi na. Sumakay ako sa kotse ko kasama si Kayleigh na tahimik lang at panay ang tingin sa labas kung saan nandoon si Athena. Mabilis kong pinaandar ang kotse papunta sa bahay at panay ang tingin ko sa kambal ko na panay ang buntong hininga. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now