Chapter 30

3.5K 94 16
                                    

ALL STAR GAME

Athena's Point Of View:

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang emperor at ang mga Buenaventura kaya napalunok ako at hindi agad gumalaw dahil hindi ko inaasahan na nandito silang lahat. Hindi na rin nakakagulat dahil kailangan nilang pumunta dito dahil main boss sila ng school at kailangan nilang makita ang bawat players ng bawat schools. Huminga ako nang malalim at agad na naglakad papunta kay daddy. 

"Good afternoon," ani ko at yumukod bilang paggalang. 

"I saw what you did earlier and somehow I'm surprised because all this time you never changed," ani ni daddy. 

Nakakatawa na naalala ko na naman ang nangyari noon. Sinabi lang naman nila na 19 years akong nawala sa kanila dahil ayaw nila na magkaroon ng issue ang mga Buenaventura lalo na't malaki ang magiging epekto nun para sa 'min. Ilang taon lang naman kasi akong nawala sa kanila pero hinayaan ko na lamang para na rin sa empire palace. 

"Ginawa ko 'yun para sa school namin hindi para sa ibang tao," sagot ko. 

"Really?" Napatingin ako kay Victoria na nakangisi. "Maraming nakakita kung ano ba talaga ang nangyari sa court at sa mga nakaraan na araw na lagi kayong magkasama ng anak ng mga Sandoval."

"Labas ka sa kung ano man ang mayroon sa aming dalawa. Akala ako ba ay wala kang pakialam sa akin?" kalmadong tanong ko at nagtaas ng kilay. 

Bago pa s'ya magsalita ay agad na akong pumunta sa court dahil finals na ng volleyball at dalawang school na lang ang kailangan naming kalabanin. Pumunta ako sa team ko at agad nakita si Kiro na natutulog sa bleachers kaya ngumiti ako dahil hawak niya ang bag ko. I listened to our coach on how we will defend our school dahil magaling ang kabilang team lalo pa't ang kanilang captain ay galing ibang bansa at famous volleyball players. 

"You can do this team. Konting tiis na lang dahil dalawang school na lang at kailangan nating makuha ang trophy," aniya sa mahinahon na boses. 

Pumunta na kami sa gitna at napatingin ako sa captain ng kabilang team at nakita ko ang mayabang niyang ngiti. The buzzer made a sound and we started the game. I served the ball at tama nga sila, magaling ang kabila dahil sa kaunting minuto pa lang ay may score na sila. Umatras ako at mataas na tumalon para ibalik ang bola sa kabila and we scored. 

"Magaling sila, captain." Napatingin ako sa aking member at nakita kong nawawalan na sila ng pag-asa. 

"Are you that weak?" iritadong tanong ko at nakita ko naman s'yang kinabahan. "Prove to me that you can win this competition. Don't be so weak!"

Nagsimula ulit ang laro at ngayon ay seryoso na. Lahat ng tao ay panay ang sigaw at panay ang tawag ng pangalan ko o pangalan ng ibang players. Umatras ako at sa isang mataas na talon ay nasalo ko ang bola at agad na binigay kay Joy na malakas na hinampas ang bola papunta sa kabila. We scored again. I fell on the floor kaya nakita ko agad si Kiro na napatayo kaya umiling ako at mabilis na nagtawag ng break si coach dahil medyo malakas ang impact ng pagbagsak ko sa sahig. 

"Are you okay?" tanong agad ni Kiro habang hawak ang towel na gray at ang tumbler ko na pareho ng kanya. 

"Natural na bumagsak ako dahil malakas ang hampas ng bola sa kabila," ani ko at tinignan si coach. 

"Sigurado ka ba na ayos ka lang?" tanong ni coach. Tumango naman ako. "Galing africa ang captain nila at kilala bilang player doon dahil sa galing nito sa larangan ng volleyball kaya nag-aalala ako na baka hindi mo kaya ang katulad niya."

Tumawa ko at umiling. "Hindi mo ata kilala ang nasa harapan mo, coach. Hindi rin naman ako papayag na magkaroon ng chance ang kabila na manalo."

Dumating ang second, third, at fourth quarter at pagod na pagod ako. Huminga ako nang malalim dahil tie na naman ang score namin at mukhang nang-aasar na naman ang kabila. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now