Chapter 13

4.2K 117 11
                                    

Athena’s Point Of View:

We trained. Hindi ko alam na ganito pala ang pagod na nararamdaman ko, hindi lang siguro ako sanay dahil matagal na rin simula nung nag-training ako. Ilang taon ako sa volleyball sa ibang bansa ngunit hindi naman ako nag-aral, mas naging priority ko ang sports na mahal ko kaya naman galit na galit ang Chairman. Ngayon na may pagkakataon na naman ako, hindi ko na ito hahayaan pang mawala sa akin. 

Tinignan ko si Kiro na nasa bleacher at nakita ko kung paano s’ya nagulat at nag-iwas ng tingin kaya naman kumunot ang noo ko. Ang weird niya talaga ngayon, kapag napasok ako sa school may masasabi na naman s’ya pero ngayon iba na ang mood niya. Napatingin ako sa entrance nang makita ang isang babae na morena, sa tingin ko ito si Stephanie dahil minsan na s’yang na-kwento ni Joy. 

“Hoy!” si Joy sa malakas na boses. “Tutuloy ka ba sa mansion?”

Natigilan ako at naalala ang sinabi ni Chairman dahil weekends naman bukas kaya kailangan kong pumunta. Tinignan ko s’ya at napabuntong hininga dahil hindi ko alam kung pupunta ba ako o mananatili na lang sa penthouse ko. 

“Hindi ko alam, Joy.” Umupo ako at hinawakan ang towel. “Sinabi ko na sa ‘yo ‘to noon pa man na ayaw ko ng magkaroon pa ng communication sa kanilang lahat pagkatapos kong malaman ang lahat.”

Umupo s’ya at bumuntong hininga rin, malaki rin ang problema. Napangiti ako dahil kahit kailan hindi nawala sa aking tabi si Joy kaya naman nangako ako na hindi ko s’ya hahayaan. Dadaan muna sa akin ang lahat bago nila saktan si Joy, ma-swerte pa rin naman ako dahil nandyan s’ya dahil s’ya lang ang may alam tungkol sa mga mata ko. 

“Gusto mo bang sumama ako?” tanong niya at natawa naman ako. “Seryoso ako, Athena. Kung hindi mo talaga kaya mas mabuti siguro na nandoon rin ako.”

“Hindi na, okay naman ako.” Ngumiti ako at napatingin kay Kiro na kinakausap ang mga kaibigan niya. “Alam mo, ang weird pero nakikita ko ang fiancé ko kay Kiro.”

Nanlaki naman ang mata niya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napailing na lamang ako dahil OA nga pala ang isang ‘to. Tinignan niya si Kiro at binalik sa akin ang tingin, hawak na ang kamay ko. Sinabi niya na tama raw ako dahil medyo kamukha daw ni Kiro ang fiancè ko. Napailing na lamang ako at agad na tumayo dahil tinatawag na kami ng coach. 

“You guys did a good job. Sa monday aasahan ko na nandito pa rin kayo at gusto ko pang makita ang skills ninyo,” ani ni coach at tinignan ako. “Thank you for helping me.”

I smiled a bit and nodded my head. After our training ay pumunta na ako sa dance studio kasama si Kiro, nauna na ako sa kanya dahil iba talaga ang dating niya sa akin. Huminga ako nang malalim at mabilis na lumabas sa banyo at napasinghap nang makita si Kiro sa labas at diretso ang tingin sa akin. 

“What time will you go home?” Napalunok ako sa tanong niya. Kumunot lamang ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit nagtatanong s’ya. 

“After this?” sagot ko at tumango naman s’ya at biglang umalis sa harapan ko kaya napakurap ako at pinilig na lamang ang aking ulo. 

As usual s’ya na naman ang partner ko at kagaya ng sinabi sa amin, we need to be intimate to each other. Aaminin kong hindi pa rin ako sanay sa mga hawak ni Kiro lalo pa’t weakness ko ang hawakan ang baywang ko, hindi ko alam kung bakit. We looked at each other while I’m holding his jaw and he’s holding my waist. Tumingin kami sa salamin and we both parted our ways and dance with the soft music. 

“God! Para akong mawawalan ng malay sa ginagawa ninyo!” Natigilan ako at nahihiya na ngumiti dahil hindi ako komportable sa mga sinasabi niya. “Bagay na bagay talaga kayong dalawa.”

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now