Chapter 31

3.6K 101 22
                                    

Kiro's Point Of View:

Gusto kong magalit kay Athena dahil talagang pumunta pa s'ya dito. Nagagalit ako dahil hindi niya alam ang ginagawa niya at hindi ako papayag na my mangyari na hindi maganda sa kanya. Tinignan ko s'ya na nakatayo sa unahan habang ako ay abala sa kung ano man. Napasinghap ako nang gamit ang isa niyang paa ay tinulak niya ang upuan ko dahilan para mahulog ako at mas naging better ang posisyon ko. 

"Gawin niyo na ang gusto niyong gawin sa babaeng 'yan!" si Jaguar sa malakas na boses. 

Isa-isa silang sumugod kay Athena na kalmado lang at walang pakialam. Isang malakas na suntok ang ginawa niya sa isang tao dahilan para umatras ito, isang sipa sa tiyan ang ginawa niya sa isa pa, at isang malakas na suntok sa panga ang ginawa niya sa huli. Tumayo ako at naglakad papunta sa gilid dahil masakit ang paa ko at hindi ko kayang maglakad!

"Kiro, fucking move!" si Athena sa iritado ng boses at tumalon para umilag sa kahoy na ginamit ng kalaban. 

"I can't!" sigaw ko at umupo sa gilid dahil masakit talaga ang paa ko. 

Biglang namatay ang ilaw kaya agad akong kinabahan na baka may mangyari na hindi maganda. Boses lamang ang naririnig ko at hindi pa ako sigurado kung boses ba 'yun ni Athena. I closed my eyes because my head hurts again. Ito na naman ang sakit ko kapag nandyan si Athena, hindi ko talaga maintindihan kung bakit palagi akong ganto.

"Athena..." bulong ko nang may maramdaman akong humawak sa aking mga braso. 

"Akala ko ba Dragon ka? Bakit naisahan ka ng mga 'to?" aniya na para bang galit pa dahil sa nangyari sa akin.  

"They put me in a garbage bag and tied me up there. Tell me what should I do huh? I can't fight!" iritadong sagot ko. 

The lights back and I saw Rina, Chase, and Sky together with my friends. Mga nakaupo pa sila sa lamesa habang pinaglalaruan ang kanya kanya nilang dagger na hindi ko alam saan nila nakuha. Tinignan ko sila na nakatingin sa akin, walang emosyon ang mga mata at diretso lang ang tingin sa akin. 

"Are you okay, bro?" tanong ni Austin at kinuha ako kay Athena na seryoso ang mga matang nakatingin sa akin. Tumango na lamang ako. 

"Hindi ka namin nakita kanina nung nasa parking lot tayo. Nag-alala kami dahil wala man lang kaming narinig at mabuti na lang at nakita agad namin si Athena," ani ni Matthias. 

Tinignan ko si Athena na nakatayo sa gilid at ngayon ko lang napansin na lahat ng tao dito ay wala ng malay at ang iba pa ay puno ng dugo ang katawan. Hinahanap ng mga mata ko si Jaguar dahil hindi ko makita ang mukha niya. 

"Kung hinahanap mo s'ya, tumakbo na s'ya na parang aso kasama ang mga tao niya na kasama niya habang nandito kami," ani ni Sky at ngumuso. 

Naglakad kami habang hawak ako ni Athena na hindi man lang nagsasalita. Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko at nanlaki ang mga mata ko nang muntik nang mawala sa hawak ko si Athena. 

"Fuck you!" si Chase sa malakas na boses at binaril sa ulo ang lalaki kaya napangiwi ako at napalunok. "Athena, ayos ka lang?"

"Yeah...a bit," bulong ni Athena at tinignan ako. "You okay?"

Natigilan ako at napatingin sa mga mata niya. Bakit ba palagi niya akong nililigtas at tinatanong kung maayos ba ang lagay ko without asking herself if she's okay? Ganito ba talaga ang isang Buenaventura na katulad niya? Tumango ako at hindi makapagsalita dahil sobra pa sa sobra ang ginagawa niya para sa akin. Ilang beses niya na akong niligtas. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil ito ang unang pagkakataon na may isang tao na nagawa akong iligtas. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now