Chapter 26

3.6K 100 15
                                    

ALL STAR GAME

Athena's Point Of View:

Nakatingin ako kay Jonas sa aking harapan. Hindii ko alam kung aling parte o salita ko ang hindi niya maintindihan? Sinabi ko na ayaw ko s'yang makita at kausapin dahil masaya na s'ya at ganun rin ako. Nakita ko sa hindi malayo si Kiro na nakatingin sa akin, napalunok ako dahil walang emosyon ang kanyang mga mata. 

"Umalis ka na. Kailangan ko pang mag-training para bukas," kalmadong sambit ko kahit kanina pa mainit ang ulo ko. 

"Please, mag-usap naman tayo. I want to ask some questions, I want to make things clear please, Louise." Tinignan niya ako at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako doon. 

He cheated on me at kaibigan ko pa talaga ang pinalit niya. Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa tuwing naalala ko ang naabutan ko sa condo niya noon. Sa tuwing naalala ko ang nangyari na 'yun ay hindi ako makapaniwala na ginagawa niya sa akin ang bagay na 'yun. 

"Athena you need to train," ang boses ni Kiro at marahan na hinila ang aking braso. Tinignan niya si Jonas. "Alam ba ng kapatid ko na nandito ka? You have a girlfriend and now you're here."

"Who are you to defend her? Are you courting her?" Hindi ko maintindihan ang nakikita kong galit at inis sa kanyang mga mata, naguguluhan ako. 

Naramdaman kong hinawakan ni Kiro ang baywang ko, ito na naman ang ibang pakiramdam. Tinignan ko s'ya at nakita kong nakatingin s'ya sa akin bago niya tinignan si Jonas na nagtataka ang mga matang nakatingin sa aming dalawa. 

"Yes, I'm courting her..." He looked at me seriously and my eyes widened. "Starting from now…so back off."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya na seryosong nakatingin kay Jonas na natigilan at napalunok. Mabilis akong hinila ni Kiro sa malayo kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Nanatili akong tahimik dahil pansin ko na galit s'ya dahil kitang kita ko mula dito ang pagtatagis ng kanyang panga. 

"Bakit mo sinabi 'yun?" Tinignan ko si Jonas na kasama na ang kaibigan niya at mukhang aalis na. "Hindi mo kailangan na sabihin ang bagay na 'yun...at bakit ka pa—"

"He has a girlfriend!" si Kiro sa iritadong boses. "Hindi ka na niya dapat kinakausap dahil considered cheating 'yun! Wala rin s'yang karapatan na kausapin ka dahil ako lang ang may karapatan sa 'yo! I marked you!"

Natulala ako at hindi makapagsalita lalo pa't mabilis s'yang umalis. Dahan dahan kong hinawakan ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Ang bilis naman ata niya akong nagustuhan? Mabilis ba ang ilang buwan? Hindi ko na pinansin pa at buong araw na lang akong nag-training lalo na't bukas ang laro ng mga players. 

Kinabukasan ay maaga akong nag handa para sa intermission namin. I wear a black tube balloon dress, over the knee boots, and arm gloves. My hair is in pigtail kaya mukha akong bata sa aking suot, tinignan ko ang sarili ko at agad na naglagay ng kaunting make up sa aking mukha. 

"Athena Oh, my God!" Si Joy sa malakas na boses at tinignan ako. "Yan ba ang sinasabi mo na hindi bagay sa 'yo? Seryoso ka ba? Ang hot at sexy mong tignan!"

Napalunok ako at tingnan ang sarili ko, ayaw na ayaw ko talaga ang ganitong damit ngunit kailangan. Huminga ako nang malalim at agad na kinuha ang duffel bag ko na ang laman ay protecting gears at iba pa. Panay ang tawa ko sa sinasabi ni Joy habang nasa kotse kami ni Sky. Hindi ko alam kung paano ko kausapin si Kiro at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi pa ako handa para sa relasyon o kung tama ba ang iniisip ko na gusto niya. 

Mabilis kaming nakarating sa school at agad akong lumapit kay Joy. Hindi ko gusto ang mga tingin ng mga estudyante sa amin at nakita ko rin ang mga bus na nandito para sa amin papunta sa eight schools. Napalunok ako at agad na pumunta sa gymnasium at doon mas lalo silang napatingin sa akin habang ako ay halos tumakbo na dahil sa hiya na nararamdaman ko. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressWhere stories live. Discover now