Chapter 33

3.2K 108 17
                                    

Kiro's Point Of View:

Lahat pa rin ay gulat at hindi makapaniwala sa mga nangyayari na maski ako ay naguguluhan sa lahat. Naging tahimik ang mga Buenaventura sa lahat na maski ang buong estudyante ay takot na baka may mangyari ulit. Hindi ko alam kung sino at ano sila pero mukhang alam ng mga Buenaventura ang lahat. Pagkatapos ng lahat ng 'yun ay wala kaming natanggap na salita mula sa kanila, magaling sila sa salita dahil kinausap nila ang mga teacher at ang mga estudyante. 

Ang alam ko lang ay kalaban daw 'yun ng pamilya ni Athena. Based sa kwento ni Sky ay mahigpit na ipinagbabawal sa kanila na ang magsalita tungkol sa kanilang empire palace dahil maaari na magkaroon ng punishment. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang kausapin sina Jaguar dahil mas lalo silang hindi titigil lalo na't alam ko na babalikan nila si Athena. 

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Kayleigh dahil mukhang may pupuntahan na naman ang pamilya amin. 

"Mommy said that we will go to Buenaventura's house to talk about something, kasama si lola." Tinignan niya ako at nagtaas ng kilay. "I'm sure Athena will understand that your date will be re-scheduled the other day."

"I have a question," seryosong tanong ko. "Matagal mo na bang kilala si Athena at mukhang hindi ka nagulat na nakita na nila Chairman ang apo nila."

Natigilan s'ya kaya umayos ako ng tayo at nagtaas ng kilay, bumuntong hininga s'ya at tumingin sa salamin. 

"Matagal ko ng kilala si Athena at matagal na rin akong mayroong connection sa kanya..." aniya sa mahinang boses. "I promised her na I won't tell anybody that I see her everyday."

"Why?" tanong ko. "Alam mong hinahanap nila si Athena at matagal na nilang hinahanap ang apo nila. Why did you keep this as a secret?"

"Because she wants to keep it a secret!" si Kayleigh sa iritado ng boses. "I keep everything as a secret para lang hindi magalit si Athena sa akin. Tinago ko lahat dahil 'yun lang ang paraan para maging ligtas ang pamilya niya."

Pagkatapos ng mahabang usapan ay agad na kaming pumunta sa mansion ng mga Buenaventura. Marami pa rin akong tanong sa kung ano man ang mayroon sa mga Buenaventura dahil masyado silang pa-mysterious. Huminga na lang ako ng malalim nang makita ang gate tsaka lang nag-sink in sa akin na nandito na nga pala kami at ako na lang ang hinihintay. 

"Come on! What are you thinking?" iritadong tanong ni Ate Kylee kaya iniwas ko ang paningin sa kanya dahil kasama niya ang walang kwenta niyang boyfriend. 

"Nothing," ani ko at tinignan si Jonas. "Back off."

Naglakad ako papasok at malaki ng talaga ang mansion ng mga Buenaventura. Napapaligiran ito ng mga puno at halaman at malulula ka sa taas ng bahay nila na para kang nakatira sa palasyo. Naglakad ako at nakita ko sa gilid ang malaking duyan na punong puno ng unan at sa gilid nun ay isang malaking shelves at mayroong mga bow at arrow? Napailing na lamang ako at agad na pumasok sa loob at ang gold staircase nila ang unang bubungad sa iyo pagpasok mo. 

"Wow!" Narinig ko ang boses ni mommy sa hindi malayo Sinong hindi mamangha sa bahay nila? Puro ginto ang makikita dito lalo pang naging maganda dahil sa mga furniture at iba pa. I wonder about kung saan ang room ni Athena dito.

"Magandang umaga, hinihintay na kayo ng emperador sa dining area," ani ng isang maid na mukhang galing pang Spain dahil sa angking itsura nito. 

Mabilis kaming sumunod sa kanya at nandoon na nga sa mahabang lamesa ang mga Buenaventura kaso kulang sila, wala kasi ang nag-iisang babaeng apo ng Chairman. We bowed our heads at pumunta sa aming upuan, sa aking harapan ang kaibigan kong si Archer na tumango at tinaas ang baso ng cocktail. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon