Chapter 2

7.4K 202 1
                                    

Kiro’s Point Of View:

I woke up early in the morning and my head hurts. Yesterday I went to the bar with my friends at naalala ko rin na may babae akong kasama nung gabi na ‘yun ngunit iniwan ko rin dahil masyado na akong lasing at hindi ko na alam ang ginagawa ko. Bumangon ako at agad na napatingin sa oras at nakitang 7:00am na at ito pa naman ang araw ng una namin sa school.

I go to the bathroom para naman mawala ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa penthouse ko. Mabilis akong naligo since nandito na ang uniform ko, ay hindi ko na kailangan pa ng kung ano. Senior high na ako at luckily natapos ko ang school year na walang grade na mababa. Ayaw na ayaw ni daddy ng ganun lalo na si mommy kaya naman iniiwasan ko na magkaroon ng bagsak na grade sa card. 

I wear white long sleeve polo, a black pants, and a blazer. I fixed my lip ring on my right lip at agad na inayos ang aking buhok. Huminga ako nang malalim dahil gusto ko pa rin matulog. I texted my friends at agad naman nilang sinabi na papunta na sila sa school kaya naman napailing na lamang ako at agad na kinuha ang bottled coffee na nasa refrigerator at agad na sumakay sa elevator. 

[Papunta na kami, bro.] 

“Sure. Wait for me,” ani ko kay Charlie na agad na sumagot at binaba ang tawag kaya natawa ako. 

Sumakay ako sa kotse at agad na pumunta sa school. First day na first day at kaya lang naman ako pumunta sa bar para ilabas ang sama ng loob ko. My mom wanted me to marry Stephanie because of the company at ayaw na ayaw ko sa babae na ‘yun dahil bukod sa obsessed s’ya sa akin, ay ayoko rin sa ugali niya. Yes, she’s beautiful and sexy but it’s a big NO for me to marry her dahil kahit paano ay may respeto pa rin ako kay Charlie. 

Bro’s over girls. ‘Yan ang rules ng gang namin ngunit isang tao lamang ang hindi sumunod ay nagawa pang kunin ang babaeng mahal ko mula sa kamay ko. Nagtagis ang panga ko at huminga ng malalim ng maalala kung ano ang ginawa nilang dalawa sa akin kaya naging ganito ang ugali at pakikitungo ko sa ibang tao. 

“Kiro!” si Austin sa malakas na boses at agad lumapit. “I thought you don’t want to go this early huh?”

I smirked. “I want to enjoy the first day.”

Natawa naman s’ya at agad kaming pumunta sa gym para sa orientation ng bagong transferee at ganun rin sa section na kukunin namin. I heard some giggling students nung dumaan kami ngunit wala doon ang paningin ko kundi nasa cell phone. Mabilis kaming umakyat at agad na nakita na marami na nga ang estudyante dito sa loob. 

“Mas marami ata ang estudyante dito kaysa noon,” ani ni Jordan at kumaway sa mga babae na tinatawag ang pangalan niya. 

Some people say that we’re famous here. Nagagawa namin ang lahat ng gusto namin dahil alam namin na lahat sila ay takot sa ‘min lalo na sa akin. Gumagamit ako ng babae para lang sa kaligayahan na gusto ko at walang sino man ang pwedeng mag sabi sa akin na hindi at dapat na gawin dahil talagang magagalit ako. 

“Yesterday, nakalimutan ni Matthias ang underwear nung babae kaya naman galit na galit ang ate niya.” Natawa kaming lahat dahil nandoon kami nung galit na galit si Cassy dahil sa ginawa ng kanyang kapatid. 

“Bad trip nga at nakita pa!” si Mattias at nakasimangot kaming tinignan. 

Natigilan ako nang may makita ako sa entrance ng gym. Agad kong binaba ang shades ko nang makita ang limang tao na sabay-sabay na naglalakad ngunit ang attention ko ay nasa gitna na may orange na buhok. She’s wearing a skinny jeans, a crochet top, a white beanie, and her ankle boots. 

“Who’s that?” tanong ni Jordan at ang tingin ay nasa babaeng naglalakad. “Bakit nakasuot ng face mask?”

“Maybe she’s ugly,” natatawa ng sambit ko at tiningnan ang babae na nakahalukipkip at diretso ang tingin. 

“Fuck,” natawa si Charlie. “We will know her face soon.”

The orientation started ngunit hindi ko maiwasang tignan ang babae na ‘yun na may ginger orange hair. Hindi ko alam bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko, ang angas niya at pakiramdam ko natatapakan niya ang ego ko. Kunot ang noo ko nang makitang nakatingin s’ya sa direction namin, nakita kong gumalaw ang mask niya at mas lalo lamang akong nainis na bigla siyang nag taas ng kilay. 

“What’s wrong with her?” bulong ko. “Ang pangit niya na nga pati ba naman ang damit niya.”

Napailing na lamang ako at agad na nakinig sa sinasabi ni lolo. S’ya naman ang may-ari ng school na ito kaya okay lang na kung ano ang gawin ko. Pinaglaruan ko ang lip ring ko at agad na nakahinga ng maayos nang matapos ang orientation. Sinabi rin sa amin ang section namin at agad naman akong sumama kina Austin dahil kami lang rin naman ang mag-k-kasama sa iisang classroom. 

“She’s mysterious,” mahinang sambit ni Jordan habang nakatingin sa babae na ngayon ay nakatayo at kausap si lolo. 

“Tss. Don’t tell me na love at first sight ka sa kanya?” iritadong tanong ko at inayos ang bag ko. 

Tumawa sina Charlie ngunit natigilan kami nang makita namin si Joy, ang pinaka maingay na estudyante. She rolled her eyes on us kaya napangiwi ako at tinignan s’ya na ngayon ay kausap na ang babaeng nakasuot ng black na damit. Pumunta kami sa canteen at agad akong umupo doon para mag-isip ng gagawin sa babaeng ‘yun dahil masyado s’yang maangas sa paningin ko.

“Anong problema mo? ‘Wag mo sabihin na naiinis ka na naman?” nakangising sambit ni Austin. “Ganyan ka rin nung may transferee noon.”

I raised my brow. “Masyado siyang maangas at nakukuha niya ang atensyon na dapat para sa akin.” 

Ngumisi silang lahat. Ayoko talaga na may kaagaw sa atensyon. Hindi ko naranasan ang attention kaya naman natutuwa ako kapag nasa akin ang attention nilang lahat dahil pakiramdam ko ay may nagmamahal pa rin naman sa akin. Ano na naman ang sinasabi ko? Cringe. 

“Tara na nga! Baka makita pa–Lolo?” Gulat akong nakatingin kay lolo na ngayon ay kasama si orange girl. “Lolo.”

“Bakit nandito ka pa?” Kumunot ang noo niya at napalunok naman ako. “Gagawin mo na naman ba ang mag-cut ng class kagaya ng ginawa mo?”

Natigilan ako at napatingin kay orange girl na nakataas ang kilay at gumalaw ang mask tanda na nakangisi s’ya. I clenched my fist at tinignan s’ya nang masama dahil hindi ko alam bakit s’ya nakangisi sa akin. Huminga ako nang malalim at ngumiti ng matamis kay lolo. 

“I was about to go to my class kaso kailangan ko ng water,” nakangiting sambit ko. “Hindi ba bawal ang mask, hat, at iba pa kapag nandito sa school?”

Ako naman ngayon ang ngumisi nang makita ang kunot na noo niya. Masyado siyang pa-mysterious hindi naman bagay sa kanya. Tumikhim si lolo at ngumiti naman ako sa kanya dahil nakalagay ‘yun sa rules at regulations ng school. Nakita ko rin na may anim s’yang piercing sa tainga kaya mas lalo lamang akong ngumisi. 

“Hindi ba bawal rin ang piercing sa labi at piercing tainga sa lalaki?” nakangising tanong ni Joy kaya napawi ang ngisi ko.

“Shut up! Ikaw ba ang kausap ko?” galit na tanong ko. 

Tumawa s’ya at nakita ko rin na yumuko si orange girl at gumalaw na naman ang mask niya. I clenched my fist at agad na tingnan ng masama si Joy bago kami umalis doon, iritado na naman ako. Tinapik ni Austin ang balikat ko kaya masama ko s’yang tinignan na natawa. 

“In fairness, maganda ang mga mata niya.” Natawa sina Austin sa sinabi ni Jordan. “Mukhang mapapanood ko na naman ang war between Kiro and the transferee.”

Ngumisi ako. Kung war ba talaga ang nasa isip ko, gagawin ko. Masyado s’yang maangas at mayabang sa paningin ko kaya naman gusto ko, agad siyang paalisin dito sa school na pagmamay-ari ko. I gave her the war she deserve. I will win this war. I smiled. 

Empire Series 1: The Long Lost Empressजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें