Chapter 20

3.9K 113 32
                                    

Kiro’s Point Of View:

Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Mr. Buenaventura. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, hindi ba dapat ay masaya ako? Masaya na sa wakas ay mawawala na si Athena sa school pero bakit iba? Bakit parang gusto kong kausapin si lolo tungkol dito? Napapikit ako sa inis dahil naalala ko lamang ang mga nangyari sa kanya at ang mga sinabi sa principal’s office. 

Galit na galit ang mga Buenaventura lalo na si Alfred. Gusto nilang malaman kung sino ang gumawa nun kay Athena. Simula sa parking lot hanggang sa mga taong naging dahilan kung bakit nagkaroon s’ya ng mga sugat sa katawan. Nalaman rin nila ang nangyari kay Joy kaya doble ang galit ng Buenaventura sa lahat na maski si lolo ay hindi alam ang gagawin. Narinig ko rin na dadalhin si Athena sa ibang school, malayo sa mga tao dito dahil ayaw na raw nila na maulit pa ang nangyari kay Athena. 

Damn it. Are you stupid, Kiro? Dapat masaya ka pa nga na aalis na s’ya hindi ba?

“Simula na hoy!” si Austin sa malakas na boses kasama ang isang babae sa kanyang kanan. 

Nandito kami ngayon sa motor arena dahil nandito si Lady A. Gusto na rin namin malaman kung sino ba talaga ang babae sa likod ng pula na motor. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako kabahan dahil pakiramdam ko ay may mangyayari na hindi maganda. Pinilig ko ang ulo ko at kinuha ang beer, sa aming apat ay ako at si Jordan lang ang walang babae dahil ani ni Jordan, gusto niya raw makita ni Claire na nagbago na s’ya. 

“This is new huh? No girls around?” nakangising tanong ni Matthias. 

“I’m not in the mood,” sagot ko sa seryosong boses kaya napailing s’ya. 

“Si Athena ba?” natatawang tanong niya kaya tinignan ko s’ya nang masama kaya mas lalong naging malakas ang tawa niya. 

The crowd shouted as if someone arrived. Napatingin kami doon at nakita namin ang pula na motor at sa gilid nun ay ang babae na kanina pa namin hinihintay, tinignan ko ‘yun habang pinaglalaruan ang labi ko dahil pamilyar ang kanyang katawan. Huminga ako nang malalim dahil isang tao lang ang pumasok sa isip ko. No.

“Ready. Set. Go!” Tumunog ang baril kaya mabilis na nagsimula ang lahat. 

Lahat ng tao ay naging maingay na maski kami ay ganun rin. Sina Austin ay kalmado ngunit may pagkakataon na nasa screen ang motor ni Lady A kaya naman naging maingay ang mga kasama ko. Ang kanyang motor ay mabilis, walang takot, at higit sa lahat ay magaling s’ya sa controlling kaya naman hindi s’ya naabutan ng mga kasama niya dahil sa bilis niya. 

“Lady A!” sigaw ng mga tao at kanya kanya na silang sigaw dahil malapit ng mauna ang pula na motor. 

Napatayo ako nang muntik ng bumagsak ang motor ni Lady A dahil sa hindi malamang dahilan. Napatingin ako sa oras at 2 minutes na lang at mauuna na ang kalaban niya. Tumayo si Lady A at tumalon sa kanyang motor kaya nakahinga ako nang maluwag nang magsimula ulit s’ya. Lahat ng tao dito ay kanya kanya ang bulungan dahil sa nangyari ngunit napalitan ‘yun ng malakas na sigaw dahil nauna pa rin si Lady A sa lahat ng kanyang kalaban. Isang malakas na tunog ang aming narinig kasabay ng mga motor na bumalik sa finish line. 

“The winner is none other than Lady A!” 

Lahat kami ay pumalakpak at ang iba ay panay ang sigaw dahil gusto na nilang malaman ang mukha ni Lady A. Ngumisi kami nang makitang tumango s’ya at tinanggal ang kanyang helmet, naging mabagal para sa akin ang lahat at ganun na lamang ang gulat ko nang makita kung sino ang nasa likod ng helmet at mask.  

“The gorgeous and unbeatable Lady A, everyone!” sigaw ng Emcee at bakas ang saya sa kanyang mukha. “Yes, she’s a girl and an heir of the Buenaventura’s!”

Empire Series 1: The Long Lost EmpressDove le storie prendono vita. Scoprilo ora