TWENTY-TWO

650 7 0
                                    

Hera

Percy came right away just after Daisy called him. He sat on my bed and I sat up to hug him. I know what Reina was saying, ayokong ma-confirm ang tumatakbo sa isip ko. Natatakot ako.

"Percy," I gulped. "Tell me, kamusta si baby? B-Bakit daw sumakit ang tyan ko? Normal lang naman 'yon diba, kasi ang sabi ng OB ko malakas ang kapit ni baby diba, diba Percy. Diba love, diba."

I heard Daisy whispered something before walking out of the room. Nakita ko rin na tumayo sila Thorn mula sa sofa.

"We'll give you some space, sa labas lang kami" Thorn said tyaka sumunod sa kanya sina Zicco at Castor.

"Percy, love. Sagutin mo naman ako, please. Tell me everything is alright diba"

Percy cupped my cheeks, he then slowly smiled. Napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa mga pisngi ko habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata.

"Tell me, Percy" I was already begging and I was doing my best to stop the tears from falling.

"Hera," he called.

Pero sa mga mata niya, nakikita ko na yung sagot sa mga tanong ko. I can't stop the tears anymore. "T-Tell me our baby is f-fine" Pero hindi ko na kinaya at humagulgol na ako sa sobrang sakit.

Hindi ko kayang tanggapin, ayoko. If this is just a nightmare just please gisingin niyo na ako, ayoko na dito.

Percy tried to wipe of the tears pero hindi ako tumitigil sa kaiiyak kaya't hinatak niya ako palapit sa kanya at mariing niyakap. I can't even hug him back dahil sobrang nanghihina ang buong katawan ko.

"H-Hindi ko kaya Percy, m-mababaliw ako" Iyak ko pa.

"No honey, nandito ako. I won't leave you, we'll get through this" He whispered. "Cry the pain, release your anger. I'll stay beside you, I'm so sorry"

As what he said, unti-unting lumabas ang galit ko. I pushed him off the bed, tyaka ko pinagtatapon kung anong mahawakan ko, may sumilip sa pintuan but Percy locked the door, he stayed at pinanood akong magwala.

Nakita ko ang bubog sa sahig mula sa vase na ibinato ko kanina, I immediately went there at kumuha ng butil ng bubog. Ayoko na.

Walang pag a-alinlangan ko yun na itinapat sa pulsuhan ko pero bago ko pa man magawa ay nahawakan na ako ni Percy, sinubukan kong kumalas sa kanya but he's too strong.

"No please, don't." He whispered, he sounds in pain. "Just, hurt me instead. But don't do this. Ako na lang"

Pero sarado ang isip ko sa mga sinasabi niya, ayoko na. I wanted to end this life, hindi ko na kaya.

Pero kahit anong pagpupumiglas ko sa kanya, sobrang higpit ng hawak niya sa'kin. And in one soft move, nakuha niya na ang bubog mula sa kamay ko as he immediately lift me up and put me back on the bed.

"I'm really sorry baby, but please don't do that again. Ako na lang, hurt me instead, but don't hurt yourself"

Ipinahiga niya ako at tinabihan, ikinukulong sa mga bisig niya. Hindi na ako makagalaw, wala na akong lakas. Wala na akong ibang magawa kun'di ang umiyak na lang.

"A-Ang sakit Percy, yung b-baby ko"

Ramdam ko na mas humigpit ang yakap niya sa'kin.

"I'm sorry" He keeps whispering.

Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya, ikinuwento ko lahat ng sakit at ang mga dapat na plano ko para sa'min, and he just keeps uttering the word sorry.

"A-Ayoko na, I wanted to g-give up" Humihikbing sabi ko, medyo inaantok na dahil sa sobrang kaiiyak.

Naramdaman ko ang pag iling niya. "We'll start over again, we'll stay together. Stop talking about giving up, we'll get through this, nandito lang ako. And I'm sorry"

Ilang beses pa akong nagkuwento at umiyak bago ko namalayan ang sarili na nakatulog na pala.

Nang magising ako, I saw Percy packing up. Nag panic ako sa pag aakalang iiwanan niya na ako, baka hindi niya gusto ako pagwawalang ginawa ko kanina kaya't ayaw niya na.

I sat up. "Percy!" I called.

He turned to me and give me a forced smile. I looked around, malinis na ang kwarto.

"Aalis ka? I-Iiwanan mo na ba ako?" I asked nervously.

Kumunot ang noo niya tyaka ipinakita sa'kin ang nililigpit niya.

"It's your clothes honey, I'm just preparing when the doctor already gives approval to go home" He explained. "I won't go"

Kahit papa'no ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Hindi niya ako iiwan.

"Gutom ka na ba?" He asked.

Dun ko na lang naramdaman ang gutom ko, tyaka ako tumingin sa kanya at tumango. He smiled bago niya ako ipinag asikaso ng pagkain at nag presinta na subuan na lang ako.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapalamig ang pagkain na isinusubo niya sa'kin, slowly tears formed in my eyes. We are married because of the baby, ngayon naman na wala na ang baby do we have to file an annulment?

He's also going to leave me. Yun naman ang gusto niya, iiwanan din nila ako.

"Ayoko ng kumain" I said coldly.

"Nakakailang subo ka pa lang—"

"Sabing ayoko na nga" Inis pa na Sabi ko.

"Honey, I know you're hurting. Believe me or not I am too, we're mourning together but don't think too negatively okay? I'm here, I won't go anywhere Hera. I'm here, if you want to know about something I'm only here, you can ask me and I won't lie,. We're married, please don't forget that" He said assuring me.

"No, you can go and leave already Leighton, you don't need to be here. I'm sorry for summoning you here, I already find out. I'm no longer your responsibility, bata lang naman ang responsibilidad mo sa'kin at ngayong w-wala na ang b-bata... Y-You can go and le-leave—"

Before I could finish my sentence, naramdaman ko na ang yakap niya dahilan para bumagsak ang lahat ng luhang pinipigilan ko. Nanghina na naman ang katawan ko.

"No honey, you're my forever responsibility. Please don't be like this don't push me away, it's... I-It's hurting, we'll get through this okay? Just cry when you wanted to nandito lang ako. Pagkatapos ng lahat ng 'to, I'll tell you everything you have to know, we'll start from a fresh start, to that very beginning and we'll move forward, but for now, let's overcome this first. Together"

Wildest MistakeWhere stories live. Discover now