Chapter 24: Parents

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Good morning... mahal kong reyna." At binigyan niya ito ng isang mabilis halik sa mga labi.

            "H-huy, ano ka ba?" Sita nito sa kanya nang nakasimangot at unti-unting namumula. "Nandito si Alannah eh."

            "Sus. Alam na ni Alannah 'to," nilingunan nila ang bata na nakangiti sa kanilang dalawa. "'Di ba prinsesa ko? Alam mo na love ni Daddy si Tita Nix?"

            Ngiting-ngiti itong tumango. Marky smiled the same way bago binalik ang tingin kay Monic. Nawala naman ang ngiti niya nang makitang tipid pa rin ngumiti ang dalaga. At alam na niya, hindi na iyon dahil sa antok. Kundi dahil may bumabagabag dito.

            "Nix," inikot niya ang mukha nito paharap sa kanya at tinitigan nang diretso sa mga mata. "May problema ba?"

            Tinitigan din siya nito, bago muling ngumiti nang tipid at umiling. "Wala, Marky. Tara, kain na tayo."

            Tumango si Marky. Kahit nag-aalala ay pinalagpas na lang niya iyon at kumain na kasabay ito at ang kanyang anak.

                                                                                    ***

NAG-VOLUNTEER SI MONIC na maghugas ng mga pinagkainan nila matapos nilang mag-almusal. Hindi naman tumanggi si Marky na pinili na lang samahan ang anak sa paglalaro sa sala.

            That was how things worked in Añonuevo household—at least with Monic around. Kapag hindi siya ang nagluto, siya ang maglilinis at maghuhugas. And vice versa.

            Sa totoo lang, ayaw sana siyang pagawain ng mga kasama niya ng kahit na anong gawaing bahay. But heck, hindi niya kayang hayaan ang sarili na walang itulong sa pamamahay ng mga ito. Nakikituloy o umuupa, alam niya na kailangan niyang tumulong sa mga gawaing bahay. Marunong siyang magkusa.

            "Oh!"

            Hindi alam ni Monic kung paano, pero may mug na dumulas mula sa pagkakahawak niya at nabasag sa sahig.

            "Nix? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Marky na nagmadaling nagpunta roon sa kusina.

            Masyadong wala sa sarili si Monic. Masyadong magulo ang pakiramdam niya. Kaya saglit pa siyang natulala sa mug na kanyang nabasag bago tinignan si Marky.

            "M-may nabasag akong mug. S-sorry." Nag-squat siya para isa-isahing pulutin ang mga piraso ng nabasag na mug.

            "Ako na diyan, Nix." Madaling lumapit sa kanya si Marky at nag-squat din para magpulot. Buti na lang, mug lang 'yon. Hindi makalat at hindi ganon ka-delikado kapag mabasag.

            Hinayaan naman na ni Monic si Marky na pulutin ang nabasag niyang mug. Pero nanatili siyang naka-squat sa tapat nito. At ang utak at pakiramdam niya, ganon pa rin. Magulo, dahilan para ma-frustrate siya.

            "S-sorry talaga, Marky."  Halata naman sa boses niya ang frustration na kanyang nararamdaman.

            "Nix?" Huminto si Marky sa ginagawa at tinignan siya. "Makapag-sorry ka naman. Mug lang naman 'to oh? Wala lang 'to. Hindi 'to malaking kawalan kaya ayos lang."

            Hindi na siya makasagot. Hindi na niya alam ang gagawin.

            Nang matapos si Marky sa pagpupulot ay inako na rin nito ang pagtuloy sa paghuhugas niya ng pinggan. Banlaw na lang naman ang gagawin dun eh. Ayaw niya rin sanang ipaubaya 'yon kay Marky, pero nagpumilit ito. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang manatili sa tabi nito at panoorin ito sa ginagawa, hanggang sa matulala na lang siya. Hindi niya tuloy namalayang natapos na sa ginagawa ang kanyang nobyo at nakatitig na ito sa kanya. Hindi, dahil kasalukuyang tumatakbo sa utak niya ang nagmamakaawang boses ng kanyang ina at ang mga salitang binitiwan nito kanina.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon