Chapter 7

4 1 0
                                    

Zendalia's POV.

Pagkababa ko ay kaagad akong nawala sa mood. Nandito kasi sa bahay si papa pero pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya.

"Good morning anak!" Bati niya sakin.

"Morning" tanging sagot ko at dumiretso na sa kusina. Nakita ko naman si mama na masayang nag luluto ng makakain. Linggo nga pala ngayon so wala kaming trabaho.

"Morning ma!" Bati ko kay mama sabay halik sa kaniya.

"Oh, good morning din! Nabati mo na ba ang tatay mo?" Tumango na lamang ako. Nag timpla muna ako ng hot choco, doon ko na rin sa kusina ininom.

Pagkatapos ni mama magluto ay humarap siya sakin.

"Anak, maligo ka na. Mag sisimba tayo!" Hindi na ako sumagot dahil nagpunta na si mama sa sala. Napabuntong hininga na lang ako.

Habang umiinom ng mainit na choco ay may narinig akong pamilyar na boses sa may sala.

"Hello po tita! Tito!" Alam ko na kaagad kung sino yon kaya dali dali akong pumunta sa sala. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sakin.

"Ayon si Daly!" Sabi ni mama sabay turo sakin.

Sinenyasan ko si Raven na sumunod sakin papunta sa kusina. Ginawa naman niya.

"Bakit wala ka doon?" Tanong niya at naupo sa may harap ko.

"Wala lang..."

"Mag sisimba daw kayo kaya pinapunta ako dito ni Tita..." Napatingin ako sa kaniya. Aba nga naman, akala ko tuloy may trabaho kami kaya siya nandito.

"Ahh... Gusto mo?" Alos ko sa kaniya ng iniinom ko. Umiling naman siya at ngumiti. Tumango naman ako. Pagkatapos kong uminom ng hot choco ay nagpaalam muna ako kay Raven na aakyat na muna ako para maligo.

Pagkaakyat ko ay naligo ako kaagad. Pagkatapos ay hinanap ko yung dress na palagi kong sinusuot tuwing nagsisimba kami.

Light yellow na dress yon. Sinuot ko rin ang isang pares ng White Sandals.

Pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko. Mahaba kasi ito, hanggang bewang ko. Medyo mainit rin naman sa labas. Nag spray din ako ng pabango. Pagkatapos ay bumaba na ako. Hindi naman ako gumagamit ng make up, lip balm lang ay okay na ako.

Nakatingin sila sakin ngayon habang pababa ako ng hagdan, na-ilang tuloy ako.

"Ang ganda mo naman anak!" Sabi ni mama, lumapit siya sakin at hinawakan ako sa braso. "Ganda niya diba?" Tanong pa niya kayna papa at Raven. Tumango naman silang dalawa.

Iniwan muna kami ni mama at papa dito sa sala ni Raven. May ipapakita raw muna si mama kay papa sa garden niya.

Nang makaalis na sila ay hinarap ako ni Raven.

"You're so pretty!"

Napatigil ako sa sinabi niya. Parang nag wala ang mga paro paro ko sa tiyan. Nagsimula na rin uminit ang pisngi ko.

Nginitian ko siya at nag iwas ng tingin dahil baka mukha na akong kamatis sa pula ng mukha ko.

"Thank you!"

Sinulyapan ko siya, nakatingin siya sakin kaya ngumiti ako sa kaniya.

Nang makabalik na sina mama ay nag handa na kaming umalis ng may tumawag kay Raven. Sinagot naman niya ito.

"Hello?... Yes?.... Why?!!... Gulat siya habang kausap niya ang nasa kabilang linya. Nakatingin lang kami sa kaniya.

Humarap siya samin bago nagmamadaling nag palaam.

Under the Night SkiesOnde histórias criam vida. Descubra agora