Chapter 18

2 1 0
                                    

Zendalia's POV.

Nakalabas na ako ng hospital. Hindi naman ako nahirapan makabawi kaagad ng lakas ko. Naglalakad lakad ako ngayon sa aming village kasama syempre si Emory.

Kailangan din ni Emory ng sinag ng araw.

Ala sais palang ng umaga. Saktong sakto lang ang init ng araw at ang simoy ng hangin. Napaka presko.

"Alam mo baby, gustong gusto ni mommy ang kalangitan, lalo na kapag gabi tapos may mga stars at buwan!"

Alam kong hindi pa niya ako naiintindihan pero alam kong naririnig niya ang boses ko.

"Sobrang si mommy kasi kasama na kita!" Nakangiti kong sabi at hinalikan ko siya sa pisnge. Mas napangiti ako ng ngumiti si Emory.

Nakoo! 1 week old palang siya nangiti na kaagad.

"Mahal na mahal ka ni mommy baby!" Naluluha ako habang sinasabi iyon. Pinunasan ko ang luha ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Hi Zen!" Nagulat ako ng may mag salita sa likod ko. Si Raven pala, ano namang ginagawa nito dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Sungit mo naman mahal ko..." Napakurap ako ng sabihin niya iyon. Mahal ko? Mahal niya ako? Duh! As if naman hindi niya ako niloko.

Pero hindi naman talaga niya ako niloko...

Hayss!

"Pwedeng makisabay sa mag Ina kong maglakad?" Tanong niya sakin.

"Nakikisabay ka na nga."

"Sungit naman talaga, gusto mo ba ng lambing?" Inirapan ko siya.

"Tigilan mo ako!"

Binilas niya ang lakad hanggang sa nasa unahan ko na siya. Para kaming naglalaro ng patintero ngayon, hindi niya ako palampasin.

"Ano ba?!"

"Zen, I'm sorry. Please forgive me... please? Nag sasabi ako ng totoo." Ngumiti siya sa'kin. Bakit nauuto na naman ako sa mga ngiti niya. Hindi to maaari.

"Tigilan mo nga pag papacute mo. Di ka naman cute."

"Hindi naman talaga ako cute, kasi pogi ako." Nag pogi sign pa siya. Medyo natatawa ako pero pinigilan ko lang.

"Ang hangin naman ng ulo mo." Tumalikod na ako sa kaniya at maglalakad na ulit sana para bumalik sa bahay ng harangin na naman niya ako.

"Ano na naman?"

"Di kita papadaanin hangga't hindi mo ako pinapatawad."

"Sige. Dito na tayo hanggang mamaya."

"So hindi mo ako papatawarin?" Tanong niya. Umiling ako.

"Hindi."

"Kahit sa harap ng anak natin?" Tiningnan ko siya ng masama. Aba't ginamit pa talaga niya si Emory.

"Zen. I'll do everything para mapatawad mo ako. Ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo na ako?" Tiningnan ko siya tsaka lumingon sa paligid.

"Ligawan mo ako ulit." Mahina kong sabi. Ayokong marinig niya.

Napatingin ako sa kaniya ng tumawa siya ng mahina.

"Sigee liligawan ulit kita! Araw araw kitang liligawan mahal ko!" Lalapit sana siya para yakapin ako. Umatras naman ako, baka nakakalimutan niya. Mag kaaway kami.

"Sorry na nga! Yakap please?!" Nagpapa cute pa siya. Hindi na ako gumalaw. Lumapit na siya sakin at niyakap ako.

"Baka maipit mo si Emory ha." Natawa siya ng mahina.

Under the Night SkiesWhere stories live. Discover now