Chapter 8

4 1 0
                                    

Zendalia's POV.

Isang linggo na pero wala pa ring paramdam sakin si Raven. Pumapasok na ako sa trabaho, pero palagi siyang wala. Minsan daw ay pumapasok siya pero saglit lang siya sa kompaniya, aalis din siya kaya hindi ko siya naabutan. Kahit anong aga ang pasok ko hindi ko talaga siya maabutan.

Grabe naman yung pag ka busy niya, to the point na nakalimutan na niya ako.

Linggo na ulit, as asual nandito si papa. Mag sisimba ulit kami. Unti unti ko na namang napapatawad si papa, nakikita kong ginagawa niya talaga lahat para maipakita na nag sisisi siya sa mga nagawa niya noon.

Sa susunod na linggo raw ay isasama ni papa yung lima pa niyang anak, actually anim sila, ang kaso yung isa nasa ibang bansa na. May sarili ng pamilya.

Matanda daw ako doon sa lima pang anak ni papa, so bale kung mag kakasama kami. Pangalawa ako.

Pagkarating ni papa ay lumapit na ako sa kaniya at humalik sa pisnge niya, nagulat pa siya sa ginawa ko kaya bigla siyang napatulala. Nang maka balik siya sa realidad ay bigla niya akong niyakap. Natuwa naman ako.

Ngayon ko lang ulit ito naramdaman...

Katulad nitong mga nakaraang linggo, pagkatapos naming mag simba ay gumagala kami at kumakain sa iba't ibang restaurant.

Umuwi rin kami kaagad.

Nang makauwi kami ay naisipan kong pumunta sa kompaniya. Baka nandoon na si Raven, malay natin diba?

"Ma! Alis muna ako, uuwi rin ako kaagad!" Paalam ko kay mama.

"Saan ka punta?" Tanong niya.

"To the moon..." Napatingin sakin si mama. "Joke! Sa kompaniya po, baka po nandoon na si Raven, kapag po wala pa rin uuwi rin po ako kaagad!"

"Oh siya sige, mag iingat ka ha!"

"Opo!" Lumabas na ako at naglakad papunta sa labas ng village. Mag aabang ako doon ng Trycicle.

_____

Nandito na ako sa harap ng kompaniya. Pumasok na ako sa loob. Lunch na nila kaya nag lalabasan sila para kumain.

Umakyat ako at nakita ko si Keithlyn sa harap ng pinto ng opisina ni Raven. Lumapit ako sa kaniya at nagulat pa siya.

"Oy! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kaniya. Napahawak siya sa dibdib niya at nakahinga ng maluwag ng makita ako.

"Nakakagulat ka!" Reklamo niya.

"Anong meron? May tao ba sa loob?" Tanong ko, bubuksan ko na sana ang pinto ng pigilan ako ni Keithlyn.

"Wag!"

Nagtaka ako sa kaniya. "Bakit?"

"M-may ginagawa si Sir! Ang bilin niya wag mag papapasok ng kahit na sino! Kahit ikaw na secretary niya!" Kabadong sabi niya. Bakit naman kaya?

"Bakit daw?"

"E-ewan ko, basta yun ang bilin niya. Balik ka na lang kapag hindi na siya busy!" Kahit nag tataka ay tumango na lamang ako at tumalikod na sa kaniya.

Ano kayang pinag kakaabalahan ni Raven? Baka pwede akong makatulong...

Sayang kung kailan nandiyan na siya sa kompaniya hindi ko naman siya pwedeng makita. Lumabas na lang ako ng kompaniya at umuwi na.

Pagkauwi ko ay nanonood si mama ng TV.

"Oh, nakita mo ba?" Tanong niya. Umiling naman ako. "Bakit?"

"Ewan ko nga po, nandoon siya pero bawal daw mag papasok ng kahit na sino, kahit pa ako na secretary niya..." Nagtatakang sabi ko kay mama.

Under the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon