Chapter 14

3 0 0
                                    

Zendalia's POV.

Ang weird ni Faye, para siyang may pinagtataguan. Palingon lingon rin siya sa paligid. Tinatanong ko naman siya kung bakit, lagi naman niyang sagot wala. Baliw lang...

Nandito kami ngayon sa ice cream shop, nag crave kasi ako. Pagkatapos naming kumain ng ice cream ay nagpunta muna kami saglit sa Park at nagpahangin. Kanina ko pa siyang pinagmamasdan, parang meron siyang gustong sabihin pero di niya masabi.

"Ayos ka lang ba talaga? Ang weird mo today!"tumingin lang siya sakin. Huminga siya ng malalim at tumingin tingin na lang sa paligid.

Pagkatapos naming mamahinga ay umuwi na kami. Inihatid niya lang ako tapos ay umalis na rin siya. Hindi na siya nagtagal pa, may mga gagawin pa raw siya eh.

Naupo ako sa sala at tiningnan ang mga damit na pinamili ko. Mga dress yon na pang preggy. Hindi ko pa siguro ito isusuot dahil maliit palang naman ang tyan ko. Hindi pa ito ganoong kalaki.

Hinawakan ko ang tyan ko at hinaplos haplos. "Nagbusog ka ba sa ice cream baby? Nag enjoy ka ba sa pamamasyal natin?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa pag haplos sa tyan ko. "Kapag lumabas ka na dyan sa tyan ni mommy, gagala tayo every weekend! Mag a-ice cream din tayo! Sobrang dami ko ng plano satin baby, kasama si Daddy!" Napangiti ako ng maisip ko si Raven. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Busy kaya siya? Tawagan ko kaya...

Wag na lang. Baka busy siya, makaistorbo lang ako.

_____

5 months later...

Limang buwan na akong buntis, medyo lumalaki na ang tyan ko. Nag kakahulma na siya. Palagi kong hinahaplos at kinukwentohan si baby...

Sobrang bored ako ngayon. Wala akong magawa! BORING!

AH-HUH! puntahan ko kaya si Raven sa opisina niya? Dibaaa?

Sige sige! Tama!

Tumayo na ako tapos ay nag ayos. Nag palit din ako ng damit. Dress ang isinuot ko. Naglagay rin ako ng kaunting make up para fresh kahit papano.

"Ma! Alis muna ako ha!" Paalam ko kay mama. Nasa garden niya siya ngayon. Tumingin naman siya sakin at lumapit.

"Saan ka pupunta?"

"Sa company lang po..."

"Oh siya sige, mag iingat ka ha!" Tumango ako. Humalik na ako sa pisnge ni mama tapos ay umalis na. Naglakad ako palabas ng village namin at doon na nag abang ng trycicle.

Pagkarating ko sa kompaniya ay umakyat na ako sa opisina, busy ulit ngayon ang mga empleyado. Nakakamiss tuloy mag trabaho dito!

Nadatnan ko si Keithlyn na busy rin sa table niya. May inaasikaso siya sa computer niya. Lumapit ako sa kaniya.

"Hoy! Kamusta? Nasa loob ba si Raven?" Tanong ko dito. Hindi naman niya ako nilingon. Busy siya sa computer niya.

"Oo, pasok ka na lang..." Walang alinlangan niyang sagot. Natawa na lang ako dahil sobrang seryoso niya. Nagpunta na ako sa harap ng pinto ng opisina ni Raven.

Kakatok pa sana ako pero hindi ko na ginawa. Diretso na akong pumasok...

Na sana pala hindi ko ginawa...

It's Leigh, she's on top of Raven, amd they're...

They're kissing...

Napatayo si Raven ng mapalingon siya sakin. Napaayos siya ng tayo. Ang laki ng tyan ni Leigh, buntis rin siya?

"Z-zen..." Nauutal niyang sabi at lumapit sakin. Tinangka niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko ito. Nakatulala lang ako...

Para akong namanhid sa nakita ko.

Under the Night SkiesWhere stories live. Discover now