Chapter 15

3 1 0
                                    

Faye's POV.

"Zen? May dala akong pagkain..." Sabi ko pagpasok ko sa kwarto ni Zen. Nakahiga siya ngayon at tulala. Hindi siya sumagot kaya lumapit ako sa kaniya. "Uy! Zen. Kain ka na. Baka kung mapano yung baby mo..." Tumingin siya sakin, tapos ay umupo siya sa kama niya.

Pag-upo niya ay napaluha siya. "Faye..." Sabi niya habang umiiyak. Nanginginig pa ang boses niya. Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Pati ako ay napapaluha na rin.

Bumalik sakin yung nangyari noon, ganitong ganito kami noong unang nasaktan si Zen...

"Shhhh, wag ka na umiyak. Hayaan mo na yon! Tahan na!" Pinahidan ko ang luha niya pati na rin ang luha ko.

Tumayo ako at kinuha sa lamesa ang pagkain niya. Pagkakuha ko ay bumalik din ako sa tabi niya at inilapag sa kama.

"Kain ka na..."pilit akong ngumiti baka sakaling mapagaan ko ang kalooban niya. Sobrang nasasaktan na naman siya. Mas malala ngayon dahil may baby siya, may bata siyang dinadala. Pwedeng makasama ang stress sa baby niya.

Kumain naman siya pero halatang wala siyang gana. Kinuha ko ang kutsara sa kaniya at ako na ang nagsubo sa kaniya. Naubos naman niya ang pagkain niya. Pinaupo ka lang muna siya at hindi pinahiga.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Salamat Faye..." Ngumiti ako sa kaniya. Hinawakan ko ang tyan niya. Medyo malaki na ito.

"Wag mo ng isipin yon Zen okay? Hindi mo naman na kailangan si Raven para mapalaki ang anak mo eh. Nandito naman ako, si Cleo pati si mama mo diba?" Ngumiti siya at tumango. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Pumikit saglit.

"Sige labas na muna ako..." Paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya. Lumabas na ako at nagpunta sa kusina. Hinugasan ko ang mga kinainan ni Zen.

"Faye...ako na dyan!" Sabi ni Tita at lumapit sakin. Kukuhanin na sana niya ang mga plato pero pinigilan ko siya.

"Ako na po tita!" Hindi naman na nag pumilit pa si tita. Nagpatuloy ako sa pag huhugas ng mga plato.

"Kamusta naman ang anak ko Faye?" Tanong nito sakin.

"Tina-try niya pong maging okay sa harap ko kahit na ramdam kong hindi siya okay..." Sabi ko. "Hayaan mo tita. Malalampasan niya din to! Nagawa na niya dati eh...!" Pilit akong ngumiti kay tita. Ngumiti din naman siya sakin. Habang nag huhugas ako ng plato ay may narinig kaming kalabog sa itaas.

Dali dali kaming umakyat ni tita sa kwarto ni Zen. Pagpasok namin ay nakita namin siyang nakahandusay sa sahig. Mukhang nadulas siya...

"Nako! Zen!" Wala siyang malay...

"Faye! Dali! Dalhin natin siya sa hospital!" Naiiyak na sabi ni tita. Pati ako ay naluluha na rin. Hindi na ako sumagot. Kaagad kong inalalayan si tita na buhatin papuntang sasakyan si Zen. Pagkasakay namin ay pinaandar ko na kaayad.

Salamat naman at hindi traffic. Nakarating kami kaagad sa hospital.

Hindi naman napano si Zen. Ang sabi ng doctor ay nawalan lang daw siya ng malay nang madulas ito, pero okay lang siya. Walang nangyaring masama kay baby... Nakahinga naman kami ng maluwag ni tita.

"Stress po ba si Mrs?" Tanong ng isang nurse samin na kakalabas lang sa kwarto ni Zen.

"Ah opo eh... Nahuli niya po kasi ang partner niya na nag loloko..." Sagot ko.

"Ganun po ba? Mas makakabuti pong pagaanin ninyo palagi ang loob niya. Maari pong maapektuhan ang dinadala niyang bata kung palagi po siyang kulang sa tulog..."

"Kulang po sa tulog?" Tanong ni tita.

"Opo, hindi po siguro siya nakakatulog ng maayos. Umiinom din po siya ng sleeping pills pero mukhang hindi tumatalab..."

Under the Night SkiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora