Simula

16 2 0
                                    

*Disclaimer, all mentioned names, places or events are all fictitious...*

This story is unedited, so expect typos or grammatical errors! <( ̄︶ ̄)>
_____

Zendalia's POV.

"Daly!" Rinig kong tawag sakin ng pamilyar na boses. Hinanap ko naman kung nasaan siya, si Faye yun! Ang bestfriend ko...

Nang makita ko siya ay kaaagad akong kumaway at lumapit sa kaniya.

"Hi! I miss you sis!" Bati ko sa kaniya, nagyakap kami.

"Nako! I miss you too! Tagal tagal din natin hindi nagkita!" Sabi niya. "Kamusta ka naman?" Tanong niya.

"Ito! Buhay pa rin naman kahit papano!" Sarkastikong sabi ko, natawa naman kami. "Ikaw ba? Kamusta?"

"Ito! Masaya ang love life! Nakabingwit ako ng Foreigner!" Masayang sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Eh? Pangarap niya iyan eh, simula highschool kami lagi niyang sinasabi na gusto niyang mag ka asawa ng Foreigner para maging maganda naman daw ang lahi niya kahit papano. Maganda naman itong si Faye, sabi niya mas gaganda raw ang lahi niya kung makakapangasawa siya ng Foreigner.

"Huwaw! Dream come true yern!" Sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya.

"Ikaw ba? Kamusta ang love life?" Tanong niya. Umiling ako. "Weh?"

"Wala nga!"

"Bakit?"

"Ayoko lang..." Natahimik kami saglit. Tumingin siya sakin at nagsalita.

"Naka move on ka na?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Ano bang klaseng tanong iyan. Syempre...

Oo...

"Oo naman no!" Proud kong sabi at pilit na ngumiti.

"Sus! Kilala kita!" Sabi niya. "Ready ka ba na makita siya ngayon?" Tanong niya.

Nasa isang resort kami at reunion naming magkakaklase. Kanina ko pa nga iniisip kung anong mangyayari sakin kung sakaling makita ko siya.

"Oo naman, bakit naman hindi? Naka move on na ako no!" Sabi ko. Tumango tango na lamang siya kahit halatang hindi siya satisfied sa sagot ko. Huminga ako ng malalim ng mapansin ko ang presensiya ni...

Raven... Ang lalaking minahal ko ng sobra pero niloko lang ako...

Napatingin ako sa kaniya at kaagad din akong nag iwas ng mapalingon siya sa gawi namin. Uminom ako ng wine at nag kunwaring hindi siya nakita.

"Speaking of..." Sabi ni Faye habang nakatingin kay Raven na papalapit samin. Bakit siya lalapit? Ay baka hindi siya lalapit, baka dadaan lang siya sa harap namin.

"Hi!" Napapikit naman ako ng marinig ko ang boses niya, bakit siya lumapit???

Hindi ko siya tinitingnan, hindi ko alam kung bakit pero parang may naramdaman akong kakaiba, parang bigla akong nakaramdam ng lungkot ng marinig ko ang boses niya.

"Bes! Hi daw!" Kaagad akong napaayos ng tayo ng kalabitin ako ni Faye. Napalingon naman ako kay Raven. Tiningnan ko siya at pilit na nginitian. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti.

Anong nginingiti niya dyan? Bakit parang ang saya nya? Parang walang nangyari ah! Kinalimutan na ba niya ginawa niya sakin noon?

"Hi..." Malamig kong sabi. Nag iwas na ako ng tingin pero ramdam na ramdam kong nakatingin siya sakin. Gusto ko ng umalis! Gusto kong magpakain sa lupa!

"You look so nice!" Napatigil ako sa sinabi niya. Ano daw? You look so nice? Feeling close lang! Gusto ko siya sampalin. Kailangan kong mag pigil. Kalma!

Under the Night SkiesWhere stories live. Discover now