Chapter 12

3 1 0
                                    

Zendalia's POV.

Nasa convinience store ako ngayon ay namimili ng mga pagkain na gusto kong kainin. Gusto kong kumain ngayon ng mga chocolates. Baka mamaya ay mamili rin ako sa palengke ng mga prutas. Gusto ko ring kumain ng lecheflan at Graham. Pregnancy cravings siguro.

Habang bumibili ako ay dumating si Faye dito sa store. "Bes!"

"Oy! Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit bawal?" Tanong nit sakin. Inilingan ko naman siya.

"Anong mga binibili mo?" Tanong nito sakin. Tumingin ako sa mga chocolates.

"Ito, parang gusto ko na nga silang iuwi lahat eh." Natatawa naman siya sakin. "May alam ka bang bilihan ng lecheflan at graham?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit maghahanap ka pa eh, pwede namang tayo na lang mismo ang gumawa!"

"Hmm! Magandang Idea... Paano?" Hindi ako maalam gumawa ng lecheflan at graham eh. Pumunta naman kami sa palengke at namili ng mga kakailanganin para sa lecheflan at graham. Sabi ko ay damihan niya.

Pagkatapos naming mamili ay nag shopping muna siya. Takaw talaga nito mag shopping. Pagkatapos naming mamili ay kumain naman kami sa restaurant. Naparami din ang kain ko doon. Tataba ata ako nito ah...

Pagkatapos ay umuwi na kami. Dito na sa bahay namin gagawin.

"Hi ma!" Bati ko kay mama at niyakap siya.

"Oh, saan kayo galing? Saka ano iyang mga dala niyo?" Tanong niya samin. Tiningnan ko naman ang mga pinamili namin at inilapag sa mesa.

"Ah, ingredients po para sa graham at lecheflan..."

"Cravings mo?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako.

"Oh sige, gawin niyo na iyan. Lalabas muna ako!"

"Sige po!" Lumabas na si mama. Hindi raw siya makakatulong samin dahil hindi naman raw siya maalam gumawa ng lecheflan. Kami rin naman pero manonood kami sa youtube ng tutorial.

Nag simula na kaming gumawa. Sinundan lang namin ang steps na sinasabi sa pinapanood namin. Hindi rin naman nagtagal ay nakagawa kami ng sampung lecheflan. Dami!!! Nag lalaway na ako kahit hindi pa sila tapos. Nakakatakam! I'm sure na masarap ito!

Nang mailagay na namin sa Ref ang lecheflan ay sinunod naman naming gawin ang graham. Sinabi ko sa kaniya na gumawa rin siya ng Graham balls.

"Hindi ka ba mag kaka diabetes sa dami ng sweets na ito?" Natatawang tanong niya sakin.

"Hindi iyan! Diba baby?" Sabi ko at hinawakan ang tyan ko.

Alam kong hindi pa siya buo, sobrang nae-excite na akong makita si Baby. Sana girl siya, okay lang din naman sakin ang boy. Pero mas gusto ko ang girl para mabibihisan ko siya ng mga magagandang dress, gusto ko rin siyang ipitan, pupuyuran ko siya ng magagandang braides!

Ay! Mas lalo akong nae-excite! Can't wait to see my baby!

Nang matapos namin ang graham ay inilagay na rin namin ito sa Ref. Naupo muna kami sa sala. Baka bukas na namin makain yon. Habang nanonood kami ng TV ay mag nag doorbell.

Ako na ang nag bukas ng pinto. Nang makita kong si Raven yon ay nag tatakbo akong binuksan ang gate ay niyakap siya ng mahigpit.

"Oh! Chill love! Baka madapa ka eh!" Natatawang sabi niya.

"I miss you!!!" Sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kaniya. Niyakap rin naman niya ako pabalik.

"You miss me already? Parang magkasama lang tayo kahapon ah!" Kinuro niya ang pisnge ko. Kumain kami kahapon sa labas, nag gala gala rin kami.

Under the Night SkiesWhere stories live. Discover now