Chapter 3

15 1 0
                                    

Zendalia's POV.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magtrabaho ako kay Raven bilang secretary niya.

Kapag nasa trabaho kami ay napaka seryoso niya, pero kapag naman break or uwian ay nagiging palangiti ulit siya.

Nasa kwarto ako ngayon at nag mumuni muni, wala kasing trabaho ngayon. Linggo...

Linggo lang ang pahinga namin. Napatayo ako kaagad ng tawagin ako ni mama.

"Anak!"

Lumabas ako ng kwarto at sinilip si mama. "Bakit po?"

"May bisita ka..." Bumaba ako kaagad. Sino naman kaya? Nang makasalubong ko si mama ay medyo nakabusangot siya. Bakit kaya?

Sinilip ko kung sino ba yung sinasabing bisita ni mama. Nagulat ako ng makita si Raven. Anong ginagawa niya rito?

"Hi!" Bati niya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Tanong niya sakin. Hindi naman ako sumagot, seryoso ko lang siyang tiningnan. Bakit ko naman siya babatiin?

Baka nakakalimutan niya na hindi kami okay. Kaya lang naman ako pumayag na magtrabaho sa kaniya ay dahil kinakailangan ko talaga ng trabaho.

Bumuntong hininga siya at may kinuha sa kaniyang kotse. Pagharap niya ulit sakin ay may hawak hawak na siyang bouquet. Napatingin naman ako sa kaniya. Ibibiga ba niya sakin yon?

"Ano iyan?" Tanong ko at taka siyang tiningnan. Ngumiti siya sakin.

"Para sa mama mo..." Pinandilatan ko naman siya. Bakit kay mama?

"Kay mama?" Tanong ko, bakit ako nadidismaya? Bakit inaakala kong sakin niya yon ibibigay? Bumalik siya sa sasakyan at may kinuha ulit. Pagbalik niya ay may hawak ulit siyang isa pang bouquet.

"For you!" Sabi niya at inibot sakin ang bouquet. Hindi ko sana iyon tatanggapin, ang kaso nanghinayang naman ako. Baka mahal din ito.

"Salamat..."

Pinapasok ko siya sa loob. Nakatingin lang samin si mama. Pinaupo ko siya sa sofa, hindi naman siya sumunod at nagpunta kay mama.

"Para sa inyo po..." Sabi nito. Pinagmasdan naman siya ni mama, tinaggap rin naman ni mama yung bouquet.

Pagkakuha ni mama ay tumango ito kay Raven at nagpunta na sa kusina. Lumapit naman sakin pabalik si Raven.

Pinaupo ko siya.

"Para saan pala itong bulaklak?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sakin. Para saan ba ito? Peace offering?

"Can we talk?" Tanong niya sakin. Tumingin naman ako sa kaniya, nag isip muna ako saglit kung papayag ba ako o hindi.

"Sige..." Ngumiti siya sakin, naupo ako sa tabi tapat niya. Natahimik kami saglit, maya maya ay nagsalita na siya.

"Zen..." Panimula niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at iniintay ang sasabihin niya. "I... I just want to...say sorry."

Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Tumingin rin siya sa mga mata ko. Pinagmamasdan ko ang mga mata niya kung seryoso ba siya sa pag hingi ng tawad.

"Para saan?" Pag kukunwari kong tanong kunwari ay hindi alam kung anong sinasabi niya.

"For what I did... Im really really sorry!" Hindi ako sumagot at nag iwas ng tingin sa kaniya. "Pinag sisisihan ko talaga lahat ng ginawa ko. Sobrang tanga ko sa part na niloko ko kita. Na ginawa kitang tanga..."

Under the Night SkiesWhere stories live. Discover now