Chapter 10

3 1 0
                                    

Zendalia's POV.

Katulad ng pangako niya kahapon. Sinundo na niya ako ngayon papasok sa trabaho. Tinupad na niya.

Masaya akong sumakay sa sasakyan niya.

Pagkasakay ko ay may napansin ako kaagad.

Parang iba ang amoy ng sasakyan niya. Hindi naman ito ang amoy ng sasakyan niya eh. Basta iba, amoy pangbabaeng pabango.

Napaisip ako kaagad. Hindi kaya may sinasakay siyang ibang babae dito?

Eh syempre, malay mo naman yung mommy niya sumakay diba tapos ganon amoy ng pabango niya!

Pagkarating namin sa opisina ay kaagad kaming pumasok sa loob dahil maraming kailangang gawin ngayon. Hindi siguro namin ito matatapos ng isang araw lang.

Habang nakatututok ako sa mga papel na nasa paligid ko ay tinawag ako ni Raven.

"Zen!"

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Do you want to have a vacation?"

"Vacation? Hindi ba maraming trabaho ngayon dito sa opisina? Bakit tayo mag babakasyon?" Tanong ko. Biglaan naman ata.

Tumayo siya at lumapit sa table ko.

"I just want to... spend my one week with you..."ngumiti siya pag kasabi niya nito. Hindi ko naman mapigilang ngumiti rin.

"Sige... Ikaw bahala!"

"Payag ka na ha! Wala ng bawian!"

Tumango tango naman ako.

"Okay! Susunduin kita... Tomorrow!"

"Tomorrow ha! Pag ikaw hindi dumating, magagalit ako sayo!" Sabi ko at tiningnan siya. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Yes po!" Nag taas pa siya ng kanang kamay at nag kunwaring nangangako.

"Oh sige na sige na! Mag tatrabaho na ako!" Natatawang sabi ko. Masaya naman siyang bumalik sa table niya. Bumalik na rin siya sa trabaho.

_____

Kasalukuyan ko ngaying inaantay si Raven an dumating para sunduin ako. Nag text naman siya sakin na papunta na raw siya. May dadaanan lang.

Pagkarating niya ay inilagay ko na ang ilang gamit ko sa kotse niya. Nag paalam rin kami kay mama na mag babakasyon muna kami ng isang linggo.

Sure akong magiging masaya ito!

Nag simula na siyang mag maneho papunta sa resort na pag babakasyonan namin. Pagkarating namin ay nag check in muna kami sa hotel.

Inilagay ang mga gamit tapos ay nag diretso sa dalampasigan. Hapon na rin kaya hindi ganoong kainit.

"Raven! Picture tayo!" Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya at lumapit sakin. Inopen ko na ang cam ng phone ko at nag picture na kami. Nakailang take ata kami bago namin naisipang nag papicture sa bata.

Nag lalaro yung mga bata sa buhangin, inabala ko muna sila.

Nakailang pose kami, at ang huli naming pose ay hinalikan ako ni Raven sa pisnge ko. Nagulat ang reaksyon ko doon sa pic. Tapos may isa ring pic na tumatawa kami.

1st day in the Resort...

"Tara lakad lakad tayo sa tabing dagat!" Yakag ko sa kaniya. Maraming tao dahil nag su-swimming na sila. Wala pa akong balak mag swimming at parang ayoko ring mag swimming...

Habang nag lalakad lakad kami ay nag kukwentuhan rin kami, minsan ay humuhugot pa si Raven. Kahit na corny ang iba niyang hugot ay kinikilig pa rin ako.

2nd day in the Resort...

Ngayong araw naman ang pagsakay namin sa speed boat. Pupunta kami sa kabilang isla kung saan may roong tribo. Natakot pa nga ako noong una dahil akala ko ay nananakit sila pero hindi pala.

Mababait sila.

Kumain rin kami ng iba't ibang pagkain. Pinakapaborito ko ang hipon at ang alimango!

3rd day in the Resort...

Wala kaming ginawa ngayong araw, nahiga at nag pahinga lang kami sa hotel. Bumababa lang kami sa reception kapag kakain na.

Sobrang saya dahil kasama ko lang si Raven. Sana ganito araw araw...

4th day in the Resort...

Ngayon namin sinubukan ang mga activities dito sa resort. Sobrang saya! Ang kaso tumawag yung company, kailangan na raw naming bumalik dahil maraming trabahong kailangang matapos. Hindi na kami makakapag stay dito ng isang linggo. 5 days lang...

5th day in the Resort...

Nandito kami sa tabing dagat at pinag mamasdan ang kalangitang punong puno ng bituin at ang dagat na napakahinahon.

"Sana ganito araw araw..." Sabi ko.

"Sana nga!"

"Do you have fun?" Tanong niya sakin. Kaagad akong tumango.

"Syempre naman! Ang saya saya!" Sagot ko. Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisnge. Hindi ko inaasahan yon kaya medyo nagulat ako pero nginitian ko rin siya at hinalikan din sa pisnge niya.

Nang sobra ng lamig ay umakyat na kami sa kwarto namin. Mag kasama kami sa iisang kwarto.

Total kami na rin naman...

Nahiga na ako sa kama pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko.

Bumili kami kanina ang pasalubong kayna mama. Ang daming magagandang pasalubong dito.

Maya maya ay lumabas na si Raven sa banyo. Nag patuyo muna siya ng buhok bago nahiga sa kama.

Naging awkward bigla...

Walang nag salita samin.

Hinawakan ni Raven ang kamay ko kaya napatignin ako sa kaniya. Lumapit siya sakin at unti unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Hindi rin nag tagal ay magkadikit na ang aming mga labi. He kissed me passionately... His soft lips feel so good...

Ang mahinahon niyang halik ay biglang naging mapusok. Pumatong siya sakin, hindi naman ako pumalag dahil may parte sakin na nagsasabing hayaan lang siya...

Pintuloy niya ang halik namin at nag salita...

"Zen... Can I?" Tanong niya. Noong una ay hindi ko pa na gets ang tinatanong niya pero ng tingnan niya ang labi ko ay nalaman ko kung anong ibig niyang sabihin.

Walang ano ano ay tumango ako.

Ngumiti siya at hinalikan ako ulit...

And after that...

May nangyari samin...

______________________________________________________________________🦋🦋🦋

Under the Night SkiesWhere stories live. Discover now