I make a tenma angst hurt/comfort oneshot BUT IT'S IN MY NATIVE LANGUAGE EYYYYY

122 0 2
                                    

(#pinoyprideig

Also it's just easier to express myself in my native language so feel free to skip this part, it's purely self-indulgent anyway

Also I chose hurt/comfort cause pure Tagalog low-key sounds dramatic as fuck(but also kinda poetic and deep idk) so...)

.

.

.

"Okay lang ba talaga sa'yo na maaga pumunta?" tanong ng dalaga. "Oo naman! 'Wag ka na mag-alala, Saki! Premyo mo dahil ang galing ninyo mag perform! Matagal na din noong huli tayong pumunta dito na tayong dalawa lang. Tapos de bali, maaga ako ngayon para sa palabas namin mamaya! HA HA HA!" ang malakas na tawa ng binata. "Pagkatapos ng play, gagwin natin ang gusto mo! Libre ko!" sabi niya. "Talaga kuya?! Promise?!" "Oo naman!"

Nagsitawanan ang dalawang magkapatid. Nang malapitan nila ang ferris wheel, may nagsigawan. "Nalalaglag!!! Mahuhulog na!!! Tulong!!!" sigaw ng isa. "Yung anak ko!" iyak ng isang ina. "Tawagan ninyo yung pulis! Huy! AAAAAA!" pagka-abala naman ng sunod.

Nagsitakbuhan ang mga bisita. Mabilis nangyari. Bago namalayan ng dalawang magkapatid, nalaglag na ang ferris wheel. "Saki!" sigaw ng binata.

Naramdaman ni Saki na naitulak siya.

...

"Kuya?"

.

.

.
Ang alam lang niya na pupunta lang sila sa parke. Na ang gagawin lang niya ay papanoorin ang palabas nila ng mga kasama ng kaniyang kapatid.

Kaya bakit?

Bakit maraming nagsisigawan at nagiiyakan? Bakit ang daming hinihila na katawan mula sa bumagsak na ferris wheel? Bakit maraming nakapalibot na ambulansya at pulis sa parke? Bakit niya niyayakap ang madugong katawan ng kapatid niya?

"Kuya... hoy! Bangon ka na! May palabas pa kayo! Sige na... sabi mo pa gagawin nating yung gusto ko pagkatapos! Hoy! Gising ka na! Sigi na! Kuya sige na!" pinakiusap niya. Nalaglag ang kaniyang mga luha at pumatak nang parang ulan sa mukha ng binata. "Kuya! Sige na tama na! Alam kong magaling ka magdula pero seryoso na ako! Buksan mo mata mo! Kuya! 'Wag mo ako iwanan!"

Ginalaw ng dalaga ang kaniyang kapatid. Hindi gumalaw, hindi nagsalita, ni huminga. Tahimik at hindi gumagalaw lamang ang binatang nasa kamay ng kaniyang nakababatang kapatid.

"Bakit kasi...! Bakit kasi tinulak mo pa ako?! Bakit kaso niligtas mo pa ako?! Sige na, kuya! Gumising ka na! Kuya!

KUYA!

TSUKASA!!!"

...

Agad bumuka ang mata ng babae. Hindi niya napagkamalayan na sumigaw siya. Umupo siya sa kama. May narinig siyang tumakbo sa pintuan niya.

Inisip ng dalaga kung ano yung nangyari. Tumingin siya sa paligid niya. Nandoon siya sa kaniyang silid. "Huh? Diba nasa phennyland ako kanina?" isip niya.

Huh.

Panaginip lang ba yung nangyari?

Kung talaga edi hindi magandang panaginip.

May kumatok sa pintuan niya. "Saki? Okay ka lang ba d'yan??" tawag ng inaantok(ngunit nag-aalala) na boses. "Papasok ako. Gusto mo?" sabi ulit.

Saka palang namalayan ng babae na kuya niya yon. "Ay- sige po kuya! Nakabukas!" sabi niya.

Mayamaya, nagbukas ang pintuan. Sumilip sa loob ang binata bago nagbukas ng puno ang pintuan. Unti-unting inilawan ang kaniyang katawan mula sa pintuan. Pagod at pagalala ang nababasa sa kaniyang mukha. Kinakamot niya ang kaniyang mata upang mawala ang antok ngunit kahit ganon itsura niya, mukha siyang buhay.

Ngayon papang namalayan ni Saki. Buhay siya. Nandoon siyang nakatayo sa harap niya.

Umupo ang lalaki sa dulo ng higaan at dahan dahan na nilagay ang kamay niya sa kaniyang ading. "Saki? Bakit ka biglang sumigaw?" mahinahong tanong ni Tsukasa.

Bigla-biglang niyakap ni Saki ang kaniyang kapatid at umiyak. "Eh?! Saki?! Bakit?! Anyare?!" abala niya.

Buhay siya! Buhay siya! Nandito siyang niyayakap niya! Luha at sipon ang nagbasa sa damit ng binata ngunit wala siyang pake. Ang prioridad niya ang kaniyang kapatid.

"Nagkapanaginip ako na nasa phennyland tayo tapos- tapos- nalaglag yung ferris wheel at niligtas mo ako at- at- namatay ka! Hawak kita nung hindi ka na himinga tapos- tapos-!" iyak ng babae.

Kumirap si Tsukasa nang parang tangang nalilito. Magtatanong sana siya nang narinig niyang umiyak nang tindi ang kaniyang ading. Pinaghagod niya ang kaniyang likod at nagbulong ng nakakaaliw na salita.

"Shh, shh, tama na. Nandito ako, diba?" mahinahon niyang sinabi. Suminghot si Saki at nagsalita. "'Wag mo 'kong iwan, kuya. Ayaw kong mag-isa..." amin niya. "Mhm... di kita iiwan. Pangako ko yon sa'yo." ang sagot ng binata.










(Kumirap si Tsukasa nang parang tangang nalilito.

Was my fav line btw cause it essentially just means "Tsukasa blinked like a confused moron")

TSUKASA THE SKRUNKLE and the other characters igWhere stories live. Discover now