Chapter Thirty Four

Magsimula sa umpisa
                                    

 "So, kumusta naman ang trabaho mo?" tanong ni Callan habang kumakain na sila. Pandesal lang ang kinakain nito kahit may kanin at ulam sa harap nito.

 Hindi na lamang niya ito pinuna dahil nakasanyan na din naman niyang hindi ito masyadong kumakain ng kanin sa umaga.

 "Okay lang. Pero hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa 'yo?" Masama ang tingin niya sa nilagang itlog na nasa tabi ng kanin nito at tila wala naman itong pakialam. Bigla ay parang natakam siya na kumain nu'n. "But before you answer my question, can i have your egg?"

Tila nasamid si Callan sa sinabi niya at napaubo ito. Namula ang kanyang pisngi nang mapagtanto niya ang sinabi. "I-I mean—-"

 "No, hon. It's okay. You can have my egg." kumikislap sa kapilyuhan ang mga mata nito habang inilalagay nito ang nilagang itlog sa plato niya. Nakangisi pa ang walanghiya habang siya'y mamatay-matay na sa pamumula.

 "You're not answering my question." pag-iiba niya ng takbo ng usapan.

 "I'm okay with my job. May bagong kaso lang kaming hinahawakan ni Diego at malapit na din naman namin mai-close 'yon. Nagkulang lang kami sa ebidensya sa kasong hawak namin kaya nahirapan kami ng una. But i'm not a quitter.

Kapag may isang bagay ako na gustong makuha o problemang nais malutas, hindi ko tinitigilan hangga't di ako nagtatagumpay."

Tumango siya, nginunguya sa bibig ang pagkain habang nakikinig dito.

"Nakakasigurado ako proud na proud sa 'yo ang parents mo."

 "Yes, they are. Pero gusto na nila akong magresign sa trabaho ko."

Napaawang ang bibig niya. "Really?" Akala niya ay suportive dito ang parents nito tungkol sa pagpupulis nito.

 Seryosong tumango ito. "Gusto nilang pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagpapatakbo sa negosyo namin. Hindi nila nakikita pinagtutuunan ko naman talaga ng atensyon ang mga negosyo namin at naisisingit ko pa nga 'yon kahit sangkatutak ang trabahong hawak ko. But they want me to quit my job."

 "Siguro may sapat na rason sila. Kung alam naman nilang mahal mo ang pagpupulis, bakit ka nila patitigilin ng walang sapat na rason, di ba?"

 Humugot ito ng malalim na buntong-hininga at tila spotlight na tumutok sa mukha niya ang kulay asul na mata ng binata. "Gusto na nilang magkaroon ng apo."


 Napaawang ang labi ni Kira.

 Marahang ngumiti si Callan. "And they also want me to get married as soon as possible. Sa totoo nga ay may ipinakikilala na sila sa aking babae. Her name was Britanny. She's pretty and i think she will be a perfect wife."

 Hindi man tumingin ang dalaga sa salamin, alam niyang tila nawalan ng kulay ang mukha niya. Parang may punyal sa tapat ng dibdib niya na anumang oras ay tatarak sa puso niya. "D-Do you like her?" pilit na pinakaswal ng dalaga ang boses.

 Hindi agad sumagot si Callan kaya inisip ni Kira na baka type nito ang babae. Malamang mas maganda sa kanya ang Brittany na 'yon. Pangalan pa lang ng babae ay nagsusumigaw na ng kagandahan at karangyaan.

 "Okay, i get it."

 Iniiwas niya ang mga mata. "You don't have to answer me, you know. Tama naman ang parents mo. Dapat mag-asawa ka na para mabigyan mo na din sila ng mga apo. I'm pretty sure this pretty Brittany could give you what you want and what your parents wants for you. At sa 'yo na nga rin nanggaling na magiging perpektong maybahay siya para sa 'yo." She wanted to sound it cool and friendly, as if she was just giving an advice to a male friend.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon