Chapter Fifty Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin ako kay LJ at Chichi at maging sila, hindi makapag salita. Kita ko ang galit sa mata ni LJ. But knowing her, I know she's conflicted too.

Dahil hindi rin naman masamang tao si LJ.

Lumapit ako kay LJ at kinuha ko yung pouch na hawak niya. Lumuhod din ako sa floor, sa tapat ni Mona.

"Kaya ka ba kumukuha ng pera dahil pang entrance fee mo doon sa competition?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang napatigil si Mona sa pag iyak at tumango siya. Pinunasan niya ang luha niya.

"Pero sobra sobra 'to sa pang entrance," sabi ko sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin, "kailangan ko rin bumili ng supplies ko atsaka... mga pangkain sa bahay."

"Yung parents mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Napaiwas siya ng tingin sa amin at napakuyom ng kamao. I know a catch a glimpse of pain in her eyes at alam kong ito ang isang bagay na ayaw niyang pagusapan.

I understand. Dahil it took me a while too para mag open up nang tungkol sa family ko. Ang alam ko lang, hindi okay ang lagay niya sa kanila for her to steal money para may pang entrance siya sa competition at may pangkain siya.

"Alam kong galit ka sa akin," sabi ko kay Mona. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"

Hindi makasagot si Mona na para bang hindi niya masabi sa akin ng harapan kung ano ang problema niya. But she knows na wala siyang choice kung hindi sagutin ang tanong ko.

Kaya naman napapikit na lamang siya when she finally admits what she truly feels.

"Naiinggit ako sa'yo, at ginawa ko lahat yun para mainis sila sa'yo at lumapit sila sa akin. Hindi ko alam na ganun kalala ang magiging epekto..."

Ayan na siguro ang pinaka honest na mga salita na narinig kong lumabas mula sa bibig ni Mona.

"Hindi ko alam kung bakit ka naiinggit sa akin," sabi ko dito. "Mas nakakainggit ka nga."

She looks up at me at nakita ko ulit ang inis sa mga mata niya.

"Alam mo kaya mas naiinis ako sa'yo? Kasi hindi ka aware kung gaano ka kaswerte," sabi niya. "At wag mong sabihin na mas nakakainggit ako dahil hindi mo 'ko kilala, Iris! Ang swerte mo napapaligiran ka ng mga kaibigan na handa kang ipagtanggol! Handa kang tulungan!" napaiwas siya ng tingin. "Ayun lang din naman ang gusto ko pero bakit ang hirap makuha...?"

Napatayo ako as I stared at Mona sharply.

"Makukuha mo naman yun sa amin kung hindi ka nakikipag kompitensya ng atensyon, Mona," sabi ko. "Pwede naman tayo maging magkaibigan, pero tinuring mo akong kaaway. Sinaktan mo pa kami."

Hindi nakapag salita si Mona sa sinabi ko. I saw the look of horror on her fae as she got hit by my words.

"Hindi ko pwedeng ibigay yung fund sa'yo, Mona," sabi ko.

Inilabas ko yung wallet ko at kumuha ako ng pera doon.

"Pero pwede kong ibigay sa'yo yung ambag mo nung nag part time ka para may pamp-vet si Sebbie. Tinrabaho mor in naman yan at since si daddy na yung sumagot noon, kailangan kong isoli sa'yo yung pera."

Inabot ko kay Mona yung pera, "tsaka yung share ko, ikaw na rin ang gumamit. I don't need it."

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya as she took the money I gave her.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon